Chapter 28: Ang Pangalan Ng Anak Ni Hannah

68 5 0
                                    

"O mga ineng, bakit hindi pa kayo kumakain? Huwag kayo'ng mahihiya at marami'ng dala si sir Edison na litsong manok! Hailey, asikasuhin mo ang mga kaibigan mo o!"
Pansin ni aling Miling sa mga dalagita'ng hindi masara ang bibig sa pagkakatitig sa mayaman at makisig na binata.

"Okey lang po kami aling Miling, mukha pa lang ni sir Edison ulam na kaya, pwede na ito'ng kanin, hehe!"
Sagot ng pinaka-kalog sa kanila habang nagpapapak ng kanin.

Natawa si Edison sa sinabi ng dalagita.
"Ito ang ulamin niyo huwag ako dahil ate Hannah niyo lang ang may karapata'ng papakin ako, haha!"
Nilagyan niya ng malaking hiwa ng manok ang pinggan nito sabay kindat kay Hannah na nakairap.

"Siya nga pala aling Miling, mang Hulyo, pakiusap, Edison na lang po ang itawag niyo sa akin dahil kapag n-nagkaayos na u-uli kami ni Hannah, ay ibibigay ko sa kanya ang pinaka marangya'ng kasal sa buong bayan!"
Nakangiti ngunit kinakabaha'ng baling niya sa mga magulang ni Hannah.

"S-sige po, este... Sige, ikaw ang bahala Edison!"
Masayang sagot ni aling Miling habang tahimik lang sa tamilmil na pagkain sina Hannah, mang Hulyo at Hailey.

"Kayo din, mula ngayon ay kuya Edison na lang ang itatawag niyo sa akin, maaari ba?"
Muling baling niya sa mga dalagita at kay Hugh na nakipag high five pa sa kanya.

"Aprub kuya Edison, pero bago ka mangarap na mapasagot uli ang ate ko, unahin mo munang pasagutin ang nanay mo at baka sa planeta'ng Mars o sa Jupiter na niya kami ipadala, haha!"
Muling nagtawanan ang lahat at sa pagkakataong yun ay nakitawa na rin si Hannah.

"Tama ka diyan. Pero kung sakaling hindi ko mapasagot ang mommy ko at mangyari nga yang sinasabi mo, ay sasama ako sa inyo kahit saang planeta pa kayo ipadala, hinding hindi ako magpapaiwan!"
Taas noong sagot ni Edison na hindi nawawala ang ngiti sa mga labi.

Napabuntong hininga si Hannah, mula't sapul ay naging napakabuti sa kanya ng binata at magkasing guapo naman sila ni Jiggo, kung tutuusin ay lamang pa nga si Edison dahil matalino ito at successful businessman. Nadoble niya ang laki at lawak ng hasyenda mula nang siya na ang namahala nito at may branch na rin sa Maynila ang supermarket na itinayo niya sa san Pablo city. Pero bakit hindi niya ito maibig at sa isang lalaking wala'ng pakialam sa kanya pa siya nahumaling.

Naramdaman ni Edison ang tila pagbigat ng dibdib ni Hannah at humigit kumulang ay alam niya na siya ang dahilan, kaya kinuha niya ang kamay nito saka bahagya'ng pinisil.
"It's okey, huwag ka'ng ma-pressure dahil hindi ako nagmamadali. Kahit lumaki pa at magkaisip ang a-anak natin na hindi mo pa rin ako sinasagot, okey lang, dahil si Baby ang gagawin ko'ng tulay sa panliligaw ko sa yo!"
Muling sumabog ang tawanan sa simpleng biro na yun ng binata.

Naging napakasaya at successful ang fake na pamanhikan ni Edison at satisfied ang buong pamilya ni Hannah kahit nag iisa lang ito na humarap sa kanila.

Madaling araw na halos na'ng magpaalam si Edison dahil nawili siya sa pakikipag kwentuhan at pakikipagbiruan kay Hugh at sa mga dalagita.

"Mag iingat ka sa pag uwe! Pwede ka naman kasi'ng matulog dito, pero ayaw mo'ng hindi komportable ang higaan mo, akala ko ba sasama ka sa amin kahit saan?"
Sabi ni Hannah nang ihatid niya ang binata sa sasakyan nito.

"Hindi sa ganun, ayaw ko lang na mag isip ng kung ano ano si mommy. Alam kong alam mo ang ibig ko'ng sabihin kaya sige na, pumasok ka na sa loob at aalis na ako. Mahamog na dito sa labas, bye!"
Dahan dahan na'ng pinausad ni Edison ang sasakyan niya.

Hapon na nang araw na yun nang puntahan siya ni Barbie, at masayang ikinuwento ang tungkol sa pamanhikan ni Garry.
"Ikaw, kumusta naman ang pagharap ni Edison sa magulang mo? Pero base sa ganda ng aura mo ay mukhang successful ang lakad ni kuya, tama ba?"

Malungkot na tumango si Hannah.
"Tapos na nga ang problema ko pero mabigat pa rin ang dibdib ko dahil alam kong hindi ko kayang suklian ang napakalaking sakripisyong ginawa niya para sa akin!"

"Alam naman niya yun di ba? At handa siya'ng tanggapin anuman ang disisyon mo kaya relax ka lang. Alalahanin mo, malapit ka na'ng manganak, bawal ma-stress!"

Mula noon, regular na'ng dumadalaw sa Laguna si Edison, halos every other day at siya na rin ang mapilit na sumasama kay Hannah sa weekly check up nito sa kanyang ob-gyne doktor.

"Hannah, hindi mo ba talaga pwedeng sabihin sa akin kung sino talaga ang... You know?"
Hindi mabigkas ng binata ang katagang 'nakabuntis' dahil nag aalala siyang ma-offend o magalit sa kanya si Hanna.

"Edison, kung kaya ko'ng sabihin ay wala sana tayo sa ganitong situation ngayon. Pasensiya ka na, pero sana hayaan mo akong ilibing na lang sa limot ang pangalan ng taong yun!"

Lalong na-intriga si Edison, kaya hindi niya napigila'ng muling magtanong.
"Ginahasa ka ba ng isang kilalang politiko, kaya ganun na lang ang takot mo sa kanya?"

"Edison please? Huwag mo na'ng alamin!"
Naiiyak na pakiusap ni Hannah kaya ipinalagay ng binata na tama ang hula niya.
"Sino ba sa mga nasa posisyon sa gobyerno ang posibleng gumawa nito sa kanya? Malalaman ko rin, and i swear, pagbabayarin ko ang taong tumalo sa akin sa puso mo pero pinabayaan ka lang!"

Naging close na rin sila ni doktora Cyrille at ang nurse nito.
"Ilang araw na lang at magkikita na kayo ng baby niyo maam, sir, may naisip na ba kayo'ng pangalan?"

Sa tutuo lang, gusto sana'ng gawing junior ni Hannah ang anak para kahit man lang sa pangalan ay magkaroon sila ng connection ng tutuong ama nito, pero paano niya ipaliliwanag sa lahat kung bakit Jiggo ang napili niya?
" Ahm, w-wala ako'ng maisip eh! "

"Pwede ba'ng sa akin mo na lang ipangalan? Edison Almazin Torres Junior at tatawagin siyang E.J. Edison Junior or EJay."

Biglang kumislap ang utak ni Hannah, perfect na pangalan ang E. J. Connected sa dalawa'ng lalaki'ng naging ama ng anak niya. Isang donor at isang sponsor.
" S-ssige, EJay na lang, as in EJay!"

Tuwang tuwa si Edison, akala niya solo niya ang pangalan ng bata. Wala siyang kamalay malay na ibang tao ang may ari ng letter J.

Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon