Chapter 37: Birthday Ni Don Felipe

59 6 0
                                    

Nang nasa daan na sila pauwi, saka lang inungkat ni Edison ang tungkol sa birthday ng aguelo.
"Sana, pagbigyan mo sina lola at Lianne, gustong gusto talaga nilang makadalo kayo ni baby eh!"

"Imposible yang sinasabi mo Edison, paano ako makakahinga kapag nagkataon? Kaya kong tiisin ang p-pagtataray ng mommy mo pero hindi ko kayang..."

"Makaharap si Jiggo?"
Si Edison na ang nagpatuloy sa hindi masabi ni Hannah na tinanguan niya.

"Mahirap din para sa akin Hannah, kasi hanggang ngayon ay nag iinit pa rin ang ulo ko kapag naiisip ko'ng trinaydor niya ako sa kabila nang mga ginawa ko sa kanya! He knew since the very first time what i felt for you, pero hindi ka pa rin pinatawad. He could have brought dozens of women's in his bed but you, for good damn sake!"

Hindi kumibo si Hannah, hinayaan niyang ilabas ng binata ang lahat ng kinikimkim nito'ng sama ng loob dahil pakiramdam niya ay may pananagutan din siya sa dinaramdam nito.

"I did my best to comfort him, make him feel comfortable, helped him in any way i can even though my mom doesn't like it! I treated him like my real twin, a best friend but this is what i got in return. Hah!"

Pagkasabi nun ay tumahimik sandali ang binata, tila napahiya sa inaasal. Nang bumalik ang kahinahunan ay hinagilap niya ang kamay ni Hannah.
"But we don't know ho much time left for lolo, it may be his last birthday so we want to make sure that it will be one of the best! So please Hannah, let's bear patience together!"

Parang hinaplos ang puso ni Hannah sa nakikitang pagmamahal ni Edison sa pamilya at sa pagsisikap nitong mailagay sa ayos ang lahat. At inaamin niya sa sarili'ng humahanga siya dito pero hanggang doon lang.
"Sana nga ay ikaw na lang ang minahal ko Edison, S-sige, sasama kami ni EJay sa yo!"

"Really? Oh thank you so much Hannah!"
Nahalikan ni Edison ang kamay niya dahil sa sobrang tuwa.

"Bahala na... Siguro naman eh hindi magagawa ni senyora Elena na pumatay ng tao lalo na ng apo tulad ng mga napapanood sa mga teleserye!"

Pagdating nila sa Laguna ay dinatnan nila sina Barbie at Garry sa bahay nila.
"Bestie, i missed you!"

"Besh, k-kailan pa kayo dumating? K-kumusta ang honeymoon?"
Wala siyang ibang mahagilap na sabihin sa kaibigan dahil sa dami nang mga nangyari sa sandaling panahon na wala ito.

"Pakarga muna sa inaanak ko please? Oh my God, ang guapoo, xerox copy talaga ng ama!"
Sabik na kinuha ni Barbie sa kamay niya ang sanggol.

Kinakabahang pinandilatan niya ang kaibigan at baka kung ano pa ang susunod na masabi nito. Tumalikod naman si Edison, halata'ng naasiwa.

"Sweetheart naman, baka mapilayan ang bata, dahan dahan please? Don't worry, magkakaroon ka na rin ng sarili mo, haha!"
Nilabian lang ni Barbie ang asawa.

"It's getting late, i better go!"
Pagkatapos magpaalam kela mang Hulyo at aling Miling ay inihatid na ni Hannah sa sasakyan nito si Edison.

"M-mag iingat ka sa pag da-drive at gabing gabi na!"

"Salamat sa paalala. Susunduin ko kayo ni baby next week para mamili ng isusuot sa birthday ni lolo at sana huwag kang tatanggi, okey?"
Marahan siyang tumango saka ngumiti ng tipid dahil ayaw din niyang magmukhang kawawa sa harap ni Alvina.

****************************

Kaarawan ng don, wala pa sina Jiggo at Alvina nang dumating sila pero tiniyak ni Edison na magiging kompleto ang pamilya Almazin sa araw na yun maliban kay Fernando.
"Tita Nancy, wow you wonderful! I'm glad you've made it!"

"Thanks Edison! Well, nagkataon na hindi kami gaano busy sa Hospital, kaya heto... So, how's the new Ceo of the Al-To corp and how it feels to be a father?"

Binulungan ni Edison si Hannah saka inakbayan paharap sa mama ni Jiggo.
"Relax,okey?"

Halos mawasak naman ang dibdib nito sa sobrang pagkalabog ng puso habang nakatitig sa ina ng lalaking pinakamamahal.

"Meet my son and his mother tita!"

"Hello, ang ganda naman pala ng fiancee mo iho! And your boy, wow... Kung hindi ko lang alam na anak mo ito, i could have been mistaken that it's my own grand child from Jiggo, haha! Can i hold him?"
Nagkatinginan sina Edison at Hannah. Walang kamalay malay ang ginang na hindi ito nagkamali ng pakiramdam.

Maya maya pa ay nagkakagulo na ang mga bisita na nasa labas tanda na dumating na sina Jiggo at Alvina. Nag umpisa nang manlamig sa nerbiyos at pag aalala ang mga kamay at mga paa ni Hannah. Hindi pa man ay nakakaramdam na siya ng pagkaasiwa. Anong gagawin niya, babatiin ba niya ang mga ito o iiwas? Lalapitan kaya siya at ang baby? Anong gagawin niya?
"Oh God, ano ba ito'ng napasukan ko?"

Mabuti na lang at lumayo sa kanya si Nancy dahil kung hindi ay wala silang choice pareho ni Jiggo kundi magbatian kapag katabi nito si Nancy.
"Excuse me iha, sasalubungin ko lang ang anak ko ha?"

"S-sure, of course po, of course!"
Natataranta niyang sagot habang kinukuha sa kamay ng babae ang anak, nakaramdam siya ng relief.

Para makaiwas na nang tuluyan, naghanap ng masusulingan si Hannah hanggang sa makakita siya ng isang bahagyang nakabukas na pinto. Sumilip muna siya sa loob kung may tao. Nang matiyak na walang ibang naroroon ay mabilis siyang pumasok.

Walang ibang laman ang kuwarto maliban sa mga lumang sofa at mga aparador. May mga malalaking jar din na kasya ang isang tao sa loob, mukhang doon inilalagay ang mga gamit na pinagsawaan na.

"Tamang tama, papalitan ko na dito ng diapher si baby habang wala pang tao."
Pumunta siya sa pinaka gilid at kanto na natatabingan ng malaking cabinet at jar para hindi agad sila makita sakali ma'ng may pumasok doon.

"Why you didn't hugged her back, you made her felt rejected?"
Napamaang siya, akala niya siya ang kausap ng nagsasalita.
"S-si Jiggo!"

"What for? You've made everything clear to me that what ever we have was just for..."

"Ehem!"
Napatigil sa pagsasalita si Alvina at sabay sila ni Jiggo na lumingon sa gawi niya.
Walang kibo'ng lumabas uli ang dalawa sa kuwarto pagkakita sa kanya.

Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitWhere stories live. Discover now