Chapter 41: Natauhan Si Edison

82 5 4
                                    

Pagdating sa kanila ay kinausap agad ni Hannah ang mga magulang.
"Tay, nay, aalis po muna kami dito ni baby!"

"Bakit?"
Panabay na tanong nina aling Miling at mang Hulyo.

"H-hindi po ako kayang tanggapin ni senyora Elena at n-nagbabanta na po siya'ng kukunin sa akin ang anak ko a-at s-saktan ako!"

"Diyos ko po! Napaka walang hiya talaga ni Elena, walang puso at budhi, bakit ba may ganyang klase ng tao dito sa mundo?"
Nanggigigil na sabi ni aling Miling.

"Saan kayo tutuloy?"
Tanong ni mang Hulyo dahil wala siyang alam na pwede niyang imungkahi sa anak. Bata pa siya nang mapunta silang mag anak sa luzon mula sa visaya at mula noon ay hindi na sila umuwi  hanggang sa mamatay ang mga magulang niya at mahiwalay na rin sa kanya ang nag iisang kapatid na babae. Ang huling balita niya ay nasa isang squatter's area ito sa Quezon city.

"Bahala na po, hihingi po ako ng tulong kay Barbie, baka may alam siya'ng lugar na pwede naming pagtaguan pansamantala ni EJay.

Dala ang isang katamtamang laki ng luggage ay nagpahatid si Hannah kay Hugh hanggang sa bahay nina Barbie na noo'y kararating lang mula sa honeymoon.

"Sige na Hugh, iwan mo na kami dito. Ayokong makita mo ang pag alis namin, lalo lang bibigat ang loob ko! Ikaw na ang bahala sa pamilya natin ha? At patawarin mo ang ate sa mga problema at kahihiyang ibinigay sa inyo!"

"Ate!"
Nagyakap ang magkapatid at hinalikan ni Hugh ang pamangkin bago patakbong umalis.

"A-anong nangyayari friend? Akala ko pa naman okey na ang lahat!"

Hindi sinagot ni Hannah ang tanong, sa halip ay humingi siya ng papel at ballpen. Pagkatapos isulat ang mensahe sa mga magulang ay isinilid ito sa isang sobre at isinara.
"Pakiabot na lang sa kanila pag wala na kami ni baby please?"

Malungkot na tumango si Barbie. Hindi na siya nagtanong kung saan pupunta ang kaibigan dahil ramdam niyang hindi ito magsasabi ng tutuo at mukhang nagmamadali.
"In case kailangan mo ng tulong, tawagan mo lang ako okey?"

"Okey! A-aalis na kami, sakaling hindi agad kami makabalik ni baby, isusulat ko na lang ang pangalan mo sa binyag niya ha?"
Sabay yakap dito. Tanging tango na lang ang naisagot ni Barbie dahil naiiyak na siya sa sobrang awa sa kaibigan.

"Mag iingat ka kung saan man kayo makakarating ni baby! "

Tumango si Hannah sabay para ng tricycle para magpahatid sa sakayan ng jeep.

Samantala sa mansion ng mga Almazin, galit na galit si Edison sa mama niya.
"Anong malay ko na hindi mo alam? Nakiusap siya sa akin na hiramin ang driver para mahabol ang appointment niya sa pedia, ayaw ka na niyang ipagising dahil alam niya'ng pagod ka sa pag aasikaso sa birthday ng lolo mo. Huwag ka na'ng magalit, nangako naman siya'ng tatawag agad pagkagaling sa doktor! "

Hindi kumbinsido si Edison sa ipinapakitang concern ng ina sa mag ina'ng Hannah at EJay pero dahil sa pagkakabanggit ni Elena ng 'pedia' ay napaniwala siya nito.
"I will follow them! "

"Son, tanghali na ano pa'ng aabutan mo? Hintayin mo na lang ang tawag niya, bigyan mo naman ng space yung tao at baka masakal! Bukas mo na lang sila puntahan sa bahay, magpahinga ka na lang muna, okey?"

Walang nagawa si Edison kundi sundin ang ina. Naisip niyang may katuwiran din naman ito, masyado na niyang pini-pressure si Hannah, baka nga lalo itong lumayo kapag nasakal nang husto.

Ganun pa man sinubukan niya itong tawagan pero 'can not be reach' ang line.
"Baka nasa biyahe pa!"

Nakipagkuwentuhan lang ito sandali sa tito Fernan niya na kararating lang galing sa Egypt at saka bumalik sa pag tulog para hindi mainip kay Hannah.

Gabi na nang magising siya at agad na tiningnan ang celphone kung may tawag o reply sa kanya si Hannah. Nang wala siyang makitang kahit ano galing sa babae ay sinubukan niyang tawagan uli ito pero naka 'off' na ang celphone.

"What's wrong with this woman?"
Pahagis na binitawan ang celphone dahil sa inis.

Kinabukasan, maaga pa ay sumugod na siya sa laguna. Parang binabayo sa lakas ang pintig ng kanyang puso dahil hindi pa rin niya ma-contact si Hannah, may kutob siya'ng hindi na maganda ang mga nangyayari.

Pagdating niya kela Hannah ay agad siya'ng sinalubong ni Hugh.
"S-sir Edison, t-tuloy po kayo!"

Halos yakapin naman siya nang umiiyak na si aling Miling. Nasa isang sulok lang si mang Hulyo na hindi makatingin sa kanya.
"A-ano pong nangyari dito, asan si Hannah at ang a-anak ko?"

"Alam na namin ang lahat sir Edison, alam na namin ang lahat na'ng ginawa mong pagsasakripisyo. Inamin na ni ate Hannah sa sulat na iniwan niya kahapon bago sila umalis ni EJay!"
Sabi ni Hugh

"No! Hindi yan tutuo, anak ko si EJay, ako ang ama niya at pakakasalan ko si Hannah."
Parang bata'ng giit ni Edison at halos maiyak na sa pagka dismaya.

"Tama na sir, lumayo na si ate o! Hayaan niyo na siya. Bakit ba mahal na mahal niyo siya, ano ba'ng meron sa kanya para angkinin niyo pati ang pananagutan ng iba?"

Natigilan si Edison sa sinabi ni Hailey. Ngayon lang niya narinig na nagsalita ang dalagita'ng kapatid ni Hannah at nagulat siya sa paraan ng pagsasalita nito. Tama! Ano nga ba'ng meron kay Hannah at bakit hindi niya kayang tumingin sa iba?

"E-ewan! Siguro, dahil siya ang first love ko at dahil a-ayaw niya sa akin?"
Bigla niyang naisip na baka nga na-challenge lang siya kay Hannah mula pa noong mga bata pa lang sila.

"P-pero napaka ganda kasi at napaka bait ng ate mo!"

"Pero, ayaw nga niya sa yo sir Edison. Si sir Jiggo na ayaw sa kanya at ikakasal na sa iba ang gusto niya! Bakit di mo na lang siya gayahin, nag move on na siya kaya lumayo. Mag move on ka na rin para matahimik na rin ang mommy niyo!"

"Hailey, sumusobra ka na, nawawalan ka na ng respeto!"
Saway ni mang Hulyo sa anak.

"Okey lang po tay Hulyo, tama si Hailey. Dapat ko na nga sigurong tanggapin na bigo talaga ako. Thanks Hailey!"

Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitWhere stories live. Discover now