Chapter 2: Racing

146 10 0
                                    

Itinuloy nila ang kumustahan sa garden sa tabi ng swimming pool.
"Whats your plan now? I hope you're staying for good, marami ka namang magagawa dito. Infact, kailangan ka din ng sarili mong bansa. Help our government solve the problem about the frequent earthquakes in Mindanao!"

"Marami nang gumagawa sa trabahong yan papa, they dont need me there! Isa pa mas gusto kong pag aralan ang mga limestones at mga sandstones sa disyerto."

"So, does that means na may balak pa rin kayong umalis uli?"
Naiiyak na tanong ni donya Soledad.

"Huwag na po muna nating pag usapan yan, saka na siguro kapag may magandang offer. Sa ngayon, dito ko na muna pag aaralin si Jiggo kasama ni Edison!"

"Tulungan mo na lang akong palaguin muli ang asyenda anak, o di kaya'y ang mga negosyo natin sa Maynila,you dont need to leave us again for money, Our properties are more than enough for you and Elena and for Jiggo and Edison as well!"

Naalerto si Elena, para siyang aso na nag aalalang maagawan ng buto.
"Sa hasyenda ka na lang brother, kayang kaya na namin ni Brando ang mga negosyo natin sa Maynila. "
Si Brando ay ang asawa ni Elena na kasalukuyang nasa Maynila at pinamamahalaan ang isa sa pinaka sikat at kilalang hotel sa Quezon city.

Hindi na kumibo si Fernando, wala din naman talaga siyang hilig sa komersiyo kaya nga geology ang pinag aralan niya dahil mas hilig niyang magtuklas ng mga bagay bagay tungkol sa earth.

"How about Jiggo, parang hindi siya masaya na umuwe dito, okey lang ba sa kanya na dito na mag aral?"
Naaalalang itanong ni Elena nang mapansin ang pamangkin na nagmumukmok mag isa sa gilid ng pool.

Nilingon ni Fernando ang anak saka bahagyang umiling. Maging siya ay dis appointed sa mga ikinikilos ng mag ina niya.
" Well, he has no choice! This is my country and they need to come with me every time im coming home."

Napayuko si Nancy sa sinabi ng asawa, dahil alam niyang kasama siya sa pinariringgan ito.
"Im not complaining, i... Just missed my parents, t-this is only the first time na nagkalayo kami kay..."

"Honey, nauna lang tayo ng konti. Susunod naman sila next week di ba? Ilang tulog na lang and before we knew it, andito na rin sila."

Bago pa muling nakapagsalita si Nancy ay sumabat na si Elena. Halatang disgusted sa narinig.
"Really, your inlaws are coming too? Where will they stay, here?"

"Of course, may problema ba?"
Naiiritang balik tanong ni Fernan sa kakambal na agad namang nagbawi ng tono.

"O-of course none! Naalala ko lang na minsan ay nabanggit mo na taga Leyte ang mother in law mo, baka lang kasi gusto rin nilang makasama ang mga relatives nila doon. I mean, you know..."

"Definitely! Dadaan lang sila dito para magkakila kilala na ang mga pamilya natin then tutuloy na sila sa Leyte kasama kami. Tapos pag okey na ang situation sa Egypt, babalik na uli sila doon."
Halatang na-relieved si Elena sa paliwanag ni Fernando.

"I'll go back with them in Cairo! I am not staying here!"
Napalingon ang lahat kay Jiggo.

"Ya Walad, what's wrong with you? How many times do i have to explain the situation?"
Si Nancy ang sumaway sa anak.

"I want to be with our family, why cant you understand that also?"

"Watch your mouth Jiggo, you're with your family right now!"
Namumula na sa galit at hiya ang mukha ni Fernando.

"No! My family is Sitte Salwa and Jiddo Salman who was always there for me and my home is in Cairo where i live since i remember!"
Ang mama at papa ni Nancy ang tinutukoy ni Jiggo na siyang nagpalaki at nag aaruga sa kanya tuwing abala sa trabaho ang mag asawa.

"But we are your family too Jiggo and we've been dying to see you and show you how much we love you too! Please, give us a chance to prove it."
Si donya Soledad ang sumalo nang hindi makakibo sina Fernan at Nancy, pero hindi na sumagot si Jiggo, naghubad siya ng tshirt at biglang tumalon sa pool.

Nang makita ni Edison ang ginawa ng pinsan ay naghubad din siya ng tshirt at tumalon din sa pool habang humahalakhak.
" Lets race couz, i dare you cant beat me, haha!"

Na-challenge si Jiggo at nakipag paligsahan ng pabilisan sa paglangoy kay Edison, hindi niya namamalayan na nag eenjoy na pala siya sa ginagawa nila, saglit pa ay pareho na silang humahalakhak.

Nakahinga nang maluwag ang mga adults sa nakikitang tagpo, lalong lalo na sina Fernan at Nancy.
"I owe you one nephew,thanks!"
Bulong niya sa sarili.

Nang magsawa sa paglangoy, inaya ni Edison si Jiggo sa kuwadra.
"Sabi ng mommy, mahusay ka daw mangabayo. I want to introduce some one to you!"

"Who?"

"Here he is... Tammy, say Hi to Jiggo, your new master!"
Hinaplos ni Edison ang ulo ng kulay brown na kabayo at kinabig ito paharap sa pinsan. Pagkakita ng kabayo kay Jiggo ay sumingasing ito na parang tumututol. Para bang nagmamaktol...
Bakit mo ako ipinamimigay?

"Tammy, behave!"

"Wow, seriously? I-i can own a horse now?"
Hindi makapaniwala si Jiggo, nag niningning ang mga matang titig na titig sa mukhang nagpapakipot na kabayo.

"Grand pa prepared him for you, he's yours! So, wanna race with me one more time?"

Walang sabi sabi na sinakyan ni Jiggo si Tammy bago pa nakalabas ng kuwadra.

"Hey, slow down, make him familiar with you first!"

Pero, parang walang naririnig na pinahagibis ng takbo ni Jiggo ang excited na kabayo palabas sa malawak na bakuran ng mansion.

Walang nagawa si Edison kundi sundan ito. Nasalubong niya ang mga kababata na anak ng mga tauhan ng hasyenda at mga tenant sa mga taniman ng mais at sakahan ng palay.

"Hello Edison, sino yang kasama mo?"
Tanong ng isang lalaking kaedad din nila.

"Hello Darwin! Siya si Jiggo, pinsan ko galing Egypt."
Bago muling pinatakbo ang kabayo para habulin si Jiggo ay namataan ni Edison si Hannah, ang crush niya...

"Hello Hannah, saan ka pupunta?"

Nahihiyang ibinaba ni Hannah ang malaking sombrero para ikubli ang mukha.
"M-maglalaba sa ilog!"

Maganda si Hannah. Sa kabila nang pagiging anak mahirap, ay makinis ang balat nito at kahit laging bilad sa araw ay hindi gaanong nangingitim. Tuwid ang maliit na ilong, bilog ang mata na napapaligiran ng makapal at nakaluhod na pilik. Mamula mula ang hugis pusong mga labi lalo na kapag kinakagat niya tuwing nahihiya o natatakot.

"Mag iingat ka sa paglangoy mamaya!"
Paalala ni Edison bago sinundan ang pinsan na nakalayo na.

Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitWhere stories live. Discover now