Chapter 62: Jiggo Has Gone Wild

72 7 2
                                    

Nang gabing yun, maagang dumating si Jiggo, hindi niya naisama si Alvina dahil may natanguan silang guesting kasama sa promotion ng pelikula'ng dapat sana'y dadaluhan nila kinabukasan sa isang morning talk show. Pumayag si Alvina na sisiputin niya itong mag isa kaya nakasama si Jiggo ng pamilya.

"Good afternoon everyone! Welcome home ma, how's every body doing here?"
Idinikit niya ang pisngi sa ina at bahagyang niyakap. Ganyan siya mula'ng pagkabata, hindi gaano sweet kahit sa ina.

"See for yourself son, and you will never be able to get through it, haha!"
Sagot ni Nancy na ikinapangunot ng noo nito.

Iginala ni Jiggo ang paningin sa pagbabakasakaling makasagi ng clue tungkol sa sinasabi ng ina. Mula nung birthday ni don Felipe nang nakaraang dalawang buwan ay hindi pa siya uli nakauwe sa mansion sa dami ng dinadaluhan nilang guesting ni Alvina, plus yung mga sarili nilang shows. Andiyan pa ang araw araw na taping para sa kanilang teleserye sa primetime.

Nahagip niya ng tingin ang isang magandang babae na hindi niya kilala. Naka mahabang loose skirt ito at white na blouse. Naka hang sa isang balikat nito ang isang puting blazer na ang isang manggas ay nakasuot pa. Tila naudlot lang sa paghuhubad.
"Who's she?

Nilinga ni Nancy ang tinukoy ni Jiggo. Pero bago pa siya nakapagsalita ay kabuntot na ng babae si Edison na lamukot ang mukha.

"Couz!"
Bati ni Jiggo dito na walang malama'ng itanong dahil ayaw niyang magkamali ng sasabihin. Ang alam niya kasi ay si Hannah ang laging kasama ni Edison kaya nagtataka talaga siya. Di rin niya alam na nakaalis at nakarating na ito mula sa Europe.

"Ah, couz! Ahm, i want you to meet my w-wife, Doctor Cyrille Brionez!"

Pinagdikit munang maigi ni Jiggo ang mga kilay bago inulit nang may pagtataka ang sinabi ng pinsan.
"Wwwife? Wha... W-here's H-Hanna and my S-Nephew?!"

Nagkibit muna ng balikat si Edison bago sumagot. Worried pa rin siya kay Hannah at sa tutuo lang ay nami-miss niya ang mag ina, pero ayaw niyang magselos si Cyrille at gusto niyang ipamukha kunwari kay Jiggo na wala na siyang pakialam sa obligasyon na ito dapat ang umiintindi.
"I don't know!"

"Whaaat? Did i hear you right? You... Don't know? Hell!"
Hindi napigilan ni Jiggo ang magalit at mapamura, at ewan niya kung bakit.

"Hey! You sounds upset, since when did you have that feeling called 'concern', for her?!"
Sarcastic na tanong ni Edison habang umuupo sa sofa na malapit sa kinatatayuan ni Jiggo.

Hindi nakita ni Edison ang mabilis na paglapit sa kanya ng pinsan at ang padaklot na paghawak nito sa kwelyo niya para hatakin siyang patayo.

"What the... What's your problem man?!"
Gulat at galit na singhal niya, ni sa hinagap ay hindi niya naisip na gagawin ni Jiggo ito. Pero mas hindi niya inaasahan ang naging sagot sa kanya ng pinsan.

'PAK!'
Isang malakas na suntok sa panga ang naging tugon nito.
Napahiga sa sofa si Edison at iyon ang inabutang eksena ng lahat ng myembro ng pamilya Almazin at Torres, complete attendance kasi sila para i-welcome ang bagong migrant na si Nancy.

Mabilis na nakabawi si Edison at gumanti din ng isang malakas na suntok sa sikmura ni Jiggo.

"Jiggo, Edison, what kind of Barbaric act is going on here?"
Si donya Soledad ang unang nakapagsalita dahil natulala na ang lahat dahil sa pagtataka.

Tumigil naman sila sa pagpapalitan ng suntok.
"Ewan ko sa kanya, bigla na lang akong sinuntok!"

"You dont know why? Because you... you're playing some one's heart!"

"Who? Me? Where the hell that comes from? As far as i know, i was not the one who's playing some one else's heart but you!"

"Stop! Both of you stop, what's going on with you two? Can you please both sit down and tell us what is the matter?!"

"Y-you...!"
Dinuro ni Jiggo si Edison pero hindi naituloy ang sasabihin at inilagay sa batok ang kamay na ginamit sa panduro saka nag half-turned habang maang na nagbihintay ng sasabihin niya ang iba. Gustong malaman ng lahat kung anong ikinagagalit niya.

Nang muli siyang lumingon ay may luha na ang mga mata niya at punong puno ng pait. Thanks God, wala si Alvina.

"I, what?"
Susog ni Edison dahil blind din siya sa ipinagkaka ganoon ng pinsan na itinuring niyang bestfriend at kapatid.

"I... Gave way to you! I pretended not to like her, even hated her when i realized that she liked me more than you. You know why? Because i love you, i didn't want to see you hurting!"

Pigil ang hininga ng lahat. Ayaw nilang sumabat para mas mailabas pa ni Jiggo ang laman ng puso niya at ang ipinaghihimutok.

"I... D-dont understand! "
Hindi pa rin malinawan ni Edison ang tinutumbok niya.

"I love her, i damn love Hannah, you hear me? I loved her since that day, when i saw her crying because i defeated her in the battle!"

Pagkasabi nun ay walang lingon likod na tinungo nito ang hagdan paakyat. Nagkatinginan ang lahat, walang nakakibo maliban kay Edison na kahit nagulat ay agad namang nakabawi.

"So why did you punch me stupid?"
Sigaw niya na nagpatigil kay Jiggo at ikinalingon nito.

"What?!"
Tanong nito na anyong susugurin na naman si Edison.

"Why did you gone wild instead of exulting? Idiot! You love her, she loves you and I'm married now, what else is stopping you?"
Si Edison na nakadama man ng kabiguan ay para ring nabunutan ng tinik.

"You know why I'm crazy now? Because why just now when I'm already engaged to Alvina. May obligasyon na ako sa kanya!"

"And how about your son, is he not your obligation too?"

Lalong naguluhan ang mga nakikinig kaya hindi na nakatiis si Fernan.
"What did you just say, EJay is Jiggo's son and not yours? H-how, why you're the one taking care..."

Natutop ni Fernan ang noo at galit na sinigawan ang dalawa.
"Explain the whole story damn you both!"

Si Edison na ang nagpaliwanag ng lahat habang manghang tahimik na nakikinig ang buong pamilya.

Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitWhere stories live. Discover now