Chapter 33: Edison Hits Jiggo In The Face

74 8 0
                                    

Hindi maipaliwanag ni Jiggo ang nararamdaman nang mga oras na yun, parang gusto niyang lulununin ng buo ang sanggol, gusto niyang ipasok ito sa loob ng kanyang puso.

Sininyasan siya ng nurse kung gusto niya itong mahawakan, agad siyang tumango kaya binuksan ng nurse ang pinto at binigyan siya ng instructions kung ano ang kanyang gagawin.
Pinagsuot siya ng headcap, footsocks at laboratory gown saka inilagay sa mga kamay niya ang sanggol.
"Kamukhang kamukha niyo po talaga ang baby niyo sir!"

Idinikit ni Jiggo sa pisngi niya ang mukha ni EJay at ilang sandali sila sa ganoong kalagayan, ninanamnam niyang maigi ang init nito dahil may pakiramdam siyang iyon na ang una't huli niyang makikita at mahahawakan ang kanyang anak.

Paglabas niya ng nursery ay tuloy tuloy na siyang lumabas ng hospital para pumunta sa El-Torr hotel at harapin ang anumang parusang ibibigay sa kanya ng pinsan.

Pagdating doon ay inabutan niyang umiinom pa rin si Edison at halos hindi na makagulapay at makapagsalita sa sobrang kalasingan.
"Youh ingrate shonofagun, i t-treated you well, i di-did everything i c-can to make you co-comfortable, i treated you as my real b-brother, and this... Is all i got from you in return? F-fu***ng the only whoman i ever l-love!"

"Couz im really very sorry, it's just one night of a very big mistake! I was just so upset then and i needed someone to listen to me and then I found her there stalking me, that's the first thing that came to my mind and its..."

Malakas na suntok sa panga ang pumutol sa mga sinasabi ni Jiggo at bumalandra siya sa sahig.
"F*CK! Ang lakas nun ah, lango ka pa niyan! "

"H-hindi lang yan ang d-dapat sha tulad mong ah-hash! Ang shakit bro, mas madali sanang tanggapin kung ibhang tao ka na lang phara mash madali sa akin na durugin ang phagmumukha mo, pero ikaw yan dude eh, khaya hindi kho maibuhhos ang ghalit ko!"
Lumuluha sa galit at pagtitimpi si Edison habang kuyom na kuyom ang mga kamay.

Bumangon mula sa sahig si Jiggo at walang pag aatubiling lumapit sa pinsan.
"I deserved it couz, kung iyon ang makakapagpagaan sa loob mo then do it! Burahin mo na sa mundo ang mukha ko, because the last thing i ever wanted in this fuc***g life is to make you upset and hates me! Because you're my only friend, the sibling that i never had, so if it makes you feel better, go ahead hit me more, hit me harder, Come ooon! "

Kinuha ni Jiggo ang kamay ni Edison at pilit itong isinusuntok sa sariling mukha pero medyo nahimasmasan na si Edison.
"One question, i only have one question that requires an honest answer from you"

Humigit kumulang ay alam na ni Jiggo ang gustong malaman ng pinsan mula sa kanya at nakahanda na ang isasagot niya dito.
"Did you have a feelings for her? Did you do it out of love or just for fun?"

"I found her beautiful that night but there's no love involved when we did it! And it never came to me that she was still a virgin, akala ko liberated woman siya at ordinary lang sa kanya ang one night's stand!"

Doon muling nagdilim ang tingin ni Edison at binigyan ng isa pang matinding blow ang pinsan sa panga na nagpasargo sa bunganga nito.
"Hayop ka! "

Hindi agad tumayo si Jiggo, hinihintay niya ang kasunod na sipa at tadyak, kung tutuusin ay kulang pa ang lahat nang iyon para makabawi siya. Dahil kung nagdurusa man ang loob ni Edison ay mas higit ang pagdurusang nararamdaman niya.

"Get out and leave! Mula ngayon ay kalilimutan ko na'ng pinsan kita at minsan kita'ng naging kaibigan at kapatid, kaya huwag na huwag mo nang ipapakita ang pagmumukha mo sa akin!"

Mabagal na tumayo si Jiggo at laglag ang balikat na tinungo ang pinto, pero bago tuluyang lumabas ay malungkot ito'ng lumingon kay Edison na may luha sa mga mata.
"I'm very sorry!"

Pagdating sa condo niya ay siya naman ang naglasing nang mag isa.
"If you only knew..."

*****************
Gabi na na'ng makabalik sa hospital si Edison dahil nakatulog ito nang wala na ang pinsan. Inabutan niyang kumakain si Hannah habang nanonood ng tv si aling Miling.
"Kumusta po aling Miling, kumain na po ba kayo?"

"Tapos na anak. Eh ikaw , kumain ka na ba?"

Mapait na umiling ang binata habang naglalakad palapit sa kinaroroonan ni Hannah na biglang naging tamilmil.
"W-wala po akong gana, pero okey lang po ako!"

Ibinaba ni Hannah ang ginagamit na kubyertos at tila nahihirinan na uminom ng tubig. Pagkatapos kasi ng huling pag uusap nila kanina ng binata ay parang wala na siyang mukhang iharap pa dito.
"K-kumain ka, m-may paksiw na galunggong dito, dala ni Hailey ka-kanina!"

"Next time na lang, wala pa ako sa mood na kumain!"

"K-kailangan ba'ng nasa mood ang tao p-para kumain?"

"Ngayon lang..."

"I-I'm so sorry, hindi ko..."
Hindi maituloy ni Hannah ang gustong sabihin dahil naroon ang ina.

"Huwag ka na muna'ng magsalita, kumain kang mabuti para lumakas ka kaagad, p-para sa... A-anak niyo! "
Pabulong ang pagkakasabi ng binata sa huling salita.

"E-Edison, s-saan ka galing, anong... G-ginawa mo?"

"I'm sorry!"

Nanlaki ang mga mata ni Hannah.
"N-no, what have you done?"

Nakaramdam si aling Miling na kailangan ng dalawa ang privacy.
"Mga anak, maglalakad lakad lang ako sa labas hane!"
Sabay na sumagot ng 'Oo' ang dalawa.

Nang wala na ang ina ay nag aalala na muling nagtanong si Hannah.
"A-anong ginawa mo sa k-kanya?"

Bakas sa mukha ng binata ang kinikimkim na kirot sa dibdib dahil sa
hayagang pag aalala ni Hannah sa pinsan na ang tingin sa kanya ay isang babaing mababa ang moralidad.
"Huwag kang mag alala, binigyan ko lang siya ng mag asawang suntok, at balewala yun sa mga nararamdaman ko dito!"

Napayuko si Hannah.
"I'm so sorry Edison, h-hindi ko ginustong s-saktan ka..."

Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitDonde viven las historias. Descúbrelo ahora