Chapter 68: The Love Birds

78 8 2
                                    

*Hello guys, malapit na'ng matapos ang pagtanaw ni Hannah sa langit, sana napaligaya at napaibig ko kayo haha! Please read also my other story and my upcoming new story the 'Why Rye?', thank you so much for your time, love you always! *

Silipin natin sina don Pepe at Hannah sa Isla, ano na kaya ang ginagawa nila.

"Napaka husay mo na'ng piloto, haha! Ngayon, makakapag pahinga na ako dahil may magda-drive na ng boat para sa akin!"
Nakayapos sa likuran ni Hannah ang don habang siya ang nakahawak sa timon ng lantsa.

"M-mahusay kasi ang instructor ko kaya madali akong natuto!"
Sagot niya na hinahayaang yakapin siya ng don at halikan siya sa balikat at sa gilid ng leeg.

Mula nang tinanggap niya ang pag ibig ng don at ang alok nitong kasal ay ipinaubaya na niya ang sarili ano man ang gawin nito sa kanya.

Nagagawa na niyang tugunin ang halik nito at gumaganti na rin siya ng yakap.
"Binola pa ako ng future misis ko, haha!"

"Tutuo naman eh! Dati ni hindi ko magawang lumusong sa malalim na parte ng ilog, pero ngayon kaya ko nang makipag laro sa mga alon, at yan ay utang kong lahat sa iyo Peps!"

"Hmm ang sarap namang pakinggan, haha! Sige nga patunayan mo nga sa akin mamaya na magaling talaga akong instructor, maghabulan tayo mamaya sa malalim, haha!"

"Naku, gusto mo lang makita uli na naka two piece ako, palusot ka pa!"

"Napaka ganda mo kasi! Napakaganda na ng mukha mo ay napaka ganda pa ng katawan mo, ang bagal naman kasi ng mga araw, nasasabik na akong maangkin ka nang buong buo!"

Hindi na sumagot si Hannah, para hindi na humaba pa ang ganung mga salita ng don. Nailang pa rin siyang makarinig ng mga ganoon ka intimate na usapan although inaamin niya sa sarili na sa kabila ng edad ng don ay may kakayahan itong I-ignite ang kanyang engine, yun nga lang sa tuwing natu-turn on siya ay mukha ni Jiggo ang nagpa-flash sa utak niya.

"Bahala na, pagkatapos ng kasal, mukha na lang ni Jiggo ang  iisipin ko tuwing mag... Aano kami!"

Saktong hinalikan siya ng don sa likod ng tenga, bigla siyang napaungol sa nadamang kiliti at sensasyon.
"Ohh, Ji... Joeh! Muntik na naman..."

"Malayo pa ba ang pangpang? I want to kiss you, my love!"

"Malapit na po. Pero sinong may sabi na gusto kong magpahalik sa yo? Saka na Pagkatapos ng kasal, saka mo na gawin ang mga ganyang bagay!"

Nag asal teen ager ang matanda, nagkunwaring nagtatampo. Pero aminin sa hindi ni Hannah ay natutuwa siya sa arte nito, cute at bagay pa rin kahit señor citizen na.

"Wag ka nang magmaktol, ilang linggo na lang naman eh, hinihintay lang natin ang sem break para makasama na rin ang mga kapatid ko!"
Parang bata na inalo ni Hannah ang don sabay pisil sa pisngi nito.

"Okey, mama!"
PA-cute na sagot ng don.

"Nasabihan mo na ba si Lili? Sabik na akong makilala ang anak mo, kaya lang natatakot ako na baka ayawan niya ako para sa yo!"

"Mabait si Lili at siya mismo ang nag uudyok na mag asawa uli ako, matagal na! Pero hindi ko inakala na magkakaroon pa ako ng chance sa iyo, kasi noon ko pa sinabi sa sarili ko na kung hindi rin lang ikaw ay hindi na ako mag aasawa!At syempre, alam ko rin sa sarili ko na hindi mo ako papatulan,but fate has been so good to me at ito mismo ang gumawa ng paraan para ilapit ka sa akin. Kahit konting panahon lang ang ipagkaloob sa akin na makasama ka bilang mrs. Jose Brionez, maligaya na akong mamamatay, pero syempre mas masaya ako kung matagal tayong magsasama, haha! "

Nakadama ng hindi maipaliwanag na lungkot at kaba si Hannah sa sinabi ng don, hindi man niya ganun kamahal na tulad nang nararamdaman niya kay Jiggo ay ayaw niyang mawala agad ito sa buhay niya, nila ni EJay at nang kanyang buong angkan. Mahigit sampong taon nang ang don na ang kumakalinga sa kanila sa pusot isip niya, kulang ang buhay niya dito sa mundo para ialay niya sa taong ito.

"Ayoko ring ma-biyuda agad, kasi... takot ako sa multo, haha!"

"Ganun? Akala ko pa naman ay dahil mahal na mahal mo ako kaya ayaw mong iwan kita. Lagot ka mamaya sa akin!"
Birong banta ni don Pepe.

Pagdating sa Sibang cove, parang batang nagtampisaw sa tubig ang mag lolo, este love birds.
"Takot ka sa multo ha? Ngayon, anihin mo ang galit ng buhay na multo!"

Hindi pwedeng mapagod si don Pepe kaya hindi siya tumakbo para makipaghabulan dito.
"Huwag ka nang magtampo, mahal na naman talaga kita eh, tutuong mahal na kita. Hindi man tulad sa paraang gusto mo, pero mahal kita at gusto kong makasama ka nang matagal dito sa mundo!"

Niyakap ni don Pepe si Hannah at halos magsikip ang dibdib niya sa sobrang kaligayahan.
"Sapat na sa akin na mahal mo ako kahit hindi kasing tindi ng pagmamahal mo kay Jiggo, maligaya na akong mamamatay!"

"Ayoko sabi ng ganyang topic eh, isang banggit mo pa ng kamatayan at uurong na ako sa kasal natin!"

Hinigpitan lalo ng don ang yakap sa kanya.
"Hindi na, hindi ko na uulitin promise!"

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, kailan mo kakausapin si Lili? Gustong gusto ko na siyang makita at makilala!"

Lumungkot ang mukha ng don.
"Hindi ko siya ma-contact at wala din siya sa white plains. Hindi ko rin alam kung saan siya naka duty. A-ang tingin ko ay pinagtataguan niya ako dahil hindi ako nakasipot sa usapan namin nung araw na makita ko kayo ni EJay sa paradahan ng jeep!"

Na guilty si Hannah, tama ang don, siguradong nagtampo si Lili at siya ang dahilan kaya walang communication ngayon ang mag ama.

Napansin ng don ang paglamlam ng mukha niya.
"Hayaan mo na siya mahal ko, matutuloy ang kasal natin kahit wala siya!"

Wala silang kamalay malay na naghahanda na sa paglusob sa isla ang buong pwersa ng pamilyang Almazin.

Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitWhere stories live. Discover now