Chapter 42: Ang Pagtake Over Ni Fernan Sa Hasyenda

77 5 0
                                    

Mula sa Laguna, dumiretso si Edison sa pedia ni EJay nagbabakasakaling dumaan doon ang mag ina para sa check up ng sanggol.

"Im sorry, hindi po sila dumating. Actually, ngayon nga po dapat yung follow up ng baby niyo sir, hindi pa po kasi 100% sure na safe na ang bata kaya in-advice ko kay mam na regular na ibisita dito si EJay!"

Napailing sa paghihimutok si Edison.
"Ganoon na ba kalaki ang paghahangad mo'ng makatakas sa akin Hannah para i-risk mo pati ang health ng anak mo huwag ka lang makasal sa akin? Masyado ba akong naging posessive? Where the hell are you Hannah?"

Napabalik lang sa kasalukuyan si Edison nang tapikin siya sa kamay ni doc Cyrille.
"Sir Edison?"

"H-ha?!"

"Sabi ko po, kailanga'ng madala ni mam dito ang baby niyo before friday dahil may siminar akong dadaluhan next week!"

"Ah, okey doc! I will tell her your message. Where will i find you?"

Sinubukan ng binata na mag iwan ng mensahe sa messenger account ni Hannah.
"Siguro naman, kahit papaano ay magbubukas ka rin ng messenger bago matapos ang araw na ito!"

Pero inabot na ng 24 hours ang message niya ay hindi pa rin sini-seen ni Hannah.
"What the... Damn you Hannah, the baby needs to be checked!"

Kinabukasan at nang sumunod na araw ay hindi pa rin binubuksan ni Hannah ang account niya.

Kaya nagpasiya na si Edison, kinausap niya ang mga kaanak nang gabing yun.
"Every one, i'm leaving!"

"What? Saan ka naman pupunta?"
Si Elena

"Siya nga naman iho, saan ka pupunta at bakit?"
Sabat ni don Felipe habang tahimik lang sina donya Soledad at Fernan.

"Im going back to Spain, for good!"

Noon tumaas ang boses ng donya at maluha luhang hinarap ang apo.
"Hindi na ba tayo pwedeng mabuhay ng kompleto? Dumating nga ang tito mo na matagal na nawalay sa atin, aalis ka naman, gusto niyo na ba talaga akong mamatay?"

"Mama, huwag naman kayo'ng magsalita ng ganyan?"
Nag aalalang sabi ni Elena.

"And how about your fiancée and your son, i thought you two are planning to get married?"
Si Fernan

Umiling si Edison sabay ngiti ng mapait.
"She doesn't want to marry me, she didn't love me! Never...loved me."
Halos pabulong lang ang pagkakasabi niya pero parang bulkan na sumasabog sa pandinig ng mga kaharap ang bawat katagang binibitawan niya. Ramdam ng mga ito ang bigat at sakit ng loob na kinikimkim niya sa dibdib.

"I... Failed to make her love me!"
Hindi na pinigilan ni Edison ang mga luha kasabay ng makabagbag damdaming paghikbi.

"Oh my son, i... I'm s-sorry i..."
Halos sumabog ang dibdib ni Elena sa halo halong awa at guilt, para sa anak.

"Ma, don't... It's not your fault! The fact that you didn't want her to be my wife, is not enough reason for all the rejections that i received. She could have fight for me if she love me!"

Dahil sa pag iyak ni Edison at sa nakita niyang sakit sa mukha ng anak ay nalusaw ang bato sa pusong ina ni Elena.
"I have to do something, i must fix everything before its too late! My poor son... "

"Wala na'ng aalis sino man sa pamilyang ito. I... will not allow any one any more to leave again, not while i'm still living!"
Humihingal na sabi ng don, bakas sa mukha ang sobrang lungkot.

"B-but lo..."

"No more buts! Gawin niyo ang gusto niyong gawin kapag patay na ako, pero huwag ngayon. Don't let me miss any one again!"
Pagkasabi nun ay sunod sunod na dinalahit ng ubo ang don.

"Tubig, magdala kayo dito ng tubig ngayon din!"
Sigaw ni Elena sa mga katulong na agad namang nagsitalima.

Walang nagawa si Edison kundi manahimik muna. Pero balak pa rin niyang lumayo kahit ilang buwan lang muna para makalimot kahit saglit.
"Im going crazy if i dont leave even just for a while!"

Nang kumalma ang aguelo ay muling nakiusap si Edison.
"Please every one, i need space, even just a little space to breathe! P-pwede bang lumayo ako saglit? Kahit ilang buwan lang!"

"I... Think, the boy really needs it! Payagan niyo na pa, ma, El?"
Hindi na nakatiis na hindi mamagitan ni Fernan. Ramdam niya ang damdamin ng pamangkin at alam niya kung gaano kahirap ang magtiis ng sakit dahil dinanas din niya ito bago siya napunta ng Ehipto.

"Paano ang hasyenda kung aalis ka? Matanda na ang lolo mo, hindi na niya kakayanin ang..."

"I'm ready to take over, give me a chance!"
Maagap na sagot ni Fernan sa kakambal na ikinagulat ng lahat.

"How about your work, akala ko ba hindi mo ito kayang iwanan?"
Si don Felipe uli.

"I already resigned, and Nancy will go back only to file her resignation as well, we will be staying here for good with our son!"

"A-are you serious iho? Wow, that's good to hear then, sa wakas!"
Masayang sabi ng donya na agad lumapit sa anak at niyakap ito.

"Okey, papayag na akong magbakasyon ka muna Edison. Pero alalayan mo muna ang tito Fernan mo sa mga dapat niyang matutunan sa hasyenda!"

"Y-yes lo, and thank you so much everyone!"
Tuwang tuwang sagot ng binata.

Kinabukasan ay agad na inumpisahan ni Fernan ang pagsasanay at aralin ang mga dapat gawin sa hasyenda.

"Kumusta mga kanayon? Maganda ba ang ani natin ngayon?"
Bati niya sa mga nadadaanang mga tauhan at magsasaka'ng tenants sa ibat ibang crops.

"Magandang araw po senyor Fernan! Maigi naman po at umuwe na kayo, matagal din po kayong nawala ah!"

"Maligayang pagbabalik po dito sa atin!"

"Kayo na po ba ang mamamahala sa hasyenda senyor?"

"Susubukan ko po at sana'y tulungan niyo ako!"
Sagot niya sa mga nagtanong na ikinatuwa ng lahat.

Puspusan ang pagsasanay ni Edison sa tiyuhin para makaalis din siya kaagad. Dahil habang tumatagal ay lalo siyang nangungulila kela Hannah at EJay. Kailangan na niyang tanggapin na kahit anong gawin niya ay hinding hindi babaling sa kanya ang babae at ang paglayo lamang ang alam niyang solusyon dito.

Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon