Chapter 55: Normal Si Baby EJay

66 6 0
                                    

Pero laking dismaya ni Hannah nang isang malapit nang mag señor citizen na doktora ang dinatnan niya sa loob ng clinic.
"Hindi na siya pwedeng maging bunso ni don Pepe, eh mukhang mas matanda pa siya dun eh! Good morning doc, EJay po, EJay Al....i mean, Torres!"

"Oh! So,this is EJay TORRES?"
Pinagtakhan ni Hannah kung bakit pinakadiinan ng doktor ang pagkakabigkas ng apelyedo ni Edison.

"Y-yes doc!"

"Ah, okey ! Kumusta siya, wala bang kakaiba sa kanya?"

"Wala naman po, normal naman po ang tingin ko sa baby ko!"

Tinimbang muna nila si EJay saka inihiga sa examination bed.
"Medyo overweight si baby for his age, wag masyado sunod sunod ang feeding ha? Yung konting ingit subo agad, okey?"

"Opo!"
Sagot ni Hannah na nakangiti.

Sinubukang i-'coo' ng doktora si EJay at mabilis naman itong nag response. Hinawakan sa kamay, ang binti. Lahat...
"No sign of autism or extra special needs, normal si baby!"

Maluha luha sa galak si Hannah. Sino ba naman ang hindi? Mula pa noong ipinagbubuntis niya ito ay di na halos siya pinapatulog ng takot at pag aalala.
"Thank you Lord, thank you so much, doc?"

"Haha, you can breathe now! Doc Cyrille will be glad to hear it too!"
Natutuwang sagot ng doktora.

"Regards po sa kanya, pag nagkausap kayo!"

"I will... But you can tell her that in person on your next appointment!"

"P-po? I thought, o-okey na siya?"
Nag alala na naman si Hannah.

"Kailangang ibalik mo siya for 'well baby', this is a must!"
Nakangiti pa rin sa pagpapaliwanag ang doktora.

"Ah, oo nga pala. Sige po..."
Pagkatapos magbayad ay naghintay na sa lobby si Hannah sa pagdating nina Barbie at Garry.

Kaso naunang dumating si Fernan. Halos umikot ang mundo ni Hannah nang makita ang pagbungad ng kanyang 'dream biyanan'. Napansin din niyang sinusundan ito ng tingin ng mga taong nadadaanan nito at dinig niya ang mga bulungan.

"Pinatandang Jiggo!"

"Ang guwapo pa rin!"

"Kung liligawan ako ng ganyang ka-guwapo kahit may edad na, 'yes' agad!"

"O, Hannah, are you done?!"
Tanong agad ni Fernan na dinig ng mga usyuso.

"Y-yes po t-tito, p-pero..."

"Then lets go, have some lunch!"
Nanigas na naman ang katawan ni Hannah, anong isasagot niya, paano siya tatanggi?

"Hi, sorry! Ngayon lang kami natapos, haba ng pila sa poea eh! Nainip ka ba? Served you right, haha!"
Tuloy tuloy na daldal ni Barbie na hindi pa napapansin si Fernan na nakatalikod sa direksiyon nila.

"Besh si..."
Sabay lingon ni Fernan sa kanila. Napatakip ng bibig si Barbie sa sobrang hiya at pagkabigla.
"Hello!"

"Oh... My God, kaya pala..."

"T-tito, bestfriend ko po at ang husband niya, si Garry. T-tinawagan ko po, k-kasi nami-miss ko na siya!"

"Tito? Wow! H-hello po, Barbie po..."
Inilahad ni Barbie ang kamay na inabot naman ni Fernan.

"Garry po!"
Kinamayan din si Garry.

"I'm asking Hannah to have lunch, join us please so you can catch up!"
Alok ni Fernan.

"N-naku huwag na po sir, nakakahiya!"

"I insist, lets go! You brought a car with you?"

"No sir!"
Sagot ni Garry na umagapay na sa paglalakad kay Fernan habang nagkukurutan at nagbubulungan sa likuran ng mga ito sina Hannah at Barbie.

"Bakit hindi mo sinabi na kasama mo pala ang biyanan mong tunay?"

"Eh, hirap nga akong mag explain. Sasabihin ko dapat sa personal, akalain ko bang hindi na niya hihintayin ang tawag ko bago siya dumating?"

"A-aba sosyal! Ikaw ang tatawag para paratingin siya? Iba ka te, super level up!"

"Eh siya may sabi nun lokreng, hindi ako. Pero wala nga sana akong balak na sundin siya, kaya nga kita tinawagan, di ba?"

Si Garry na ang umupo sa passengers side at ang dalawang babae, kasama si EJay sa back seat.

"How was the check up, iha?"
Tanong ni Fernan na tumingin sa rear view mirror. Namalikmata na naman si Hannah dahil mata ni Jiggo ang nakita niya sa maliit na salaming nasa ulunan ng lalaki.

"O-ok-okey po t-tito, no-normal daw po si baby!"
Napatingin si Barbie sa kaibigan, nagtataka sa pagiging utal nito,kaya siniko siya.

"Ouch!"
Tiningnan niya nang masakit si Barbie

"Buti naman at hindi utal ang 'OUCH' mo, loka!"
Natatawa lang si Barbie sabay kibit ng balikat.

"That's good to hear, now we can all breathe well!"

"O-oo nga po!"
Sisikohin na naman sana siya ni Barbie pero umilag na siya.

Sa isang sikat at mamahaling restaurant sila dinala ni Fernan. Halos malula ang tatlo sa presyong nakalagay sa menu.

"Don't mind the price guys, order what you want!"
Utos sa kanila ni Fernan.

Habang kumakain sila, nagkukuwentuhan sina Garry at Fernan, tinatanong siya ng huli tungkol sa buhay niya sa laot at sa ibat ibang bansa na dinadaungan nila.

Laking pasalamat ni Hannah na dumating sa tamang oras ang mag asawa dahil kung nagkataon, hindi niya alam kung paano niya isusubo, ngunguyain at lulunukin ang pagkain na sila lang ng ama ni Jiggo ang magkakaharap sa mesa.

"I-i miss you besh, soo much!"
Sabi niya na bahagya pang isinandal ang ulo sa ulo ni Barbie.

"Ta rupam kunak!"
Pairap na sagot nito.

Humagalpak ng tawa si Garry na ginaya ni Fernan.
"Ang cute ng pagkakasabi mo babe, para ka na talaga'ng Ilocana!"

"Ilocano pala yun? Ano sabi niya Garry?"
Pangasinan kasi ang origin ng pamilya ni Garry kaya may halo itong Ilocano.

"Mukha mo daw!"

"Ah ganun?"
Kinurot niya sa tagiliran si Barbie na tawa ng tawa.

Naaliw naman sa panonood sa kanila si Fernan at ilang sandali pa kasali na ito sa biruan. Nagkaroon din sila ni Hannah ng direct na biruan na ikinatuwa nito.

Pinagtitinginan sila sa loob ng restaurant at may mga walang pakundangan na kumumuha sa kanila ng picture.

Pagkatapos nilang kumain ay nawala na ang pagkailang ni Hannah or at least, nabawasan na kahit papaano.

"T-tito, pwede ba akong sumabay sa kanilang mag bus pauwe ng Laguna, gusto ko sana munang kumustahin ang pamilya ko!"

"Well, about that matter hindi ka dapat sa akin magpaalam kundi sa tita Elena mo! At kung uuwe din sila, bakit pa magba-bus? Sumabay na kayo sa amin!"
At ganun nga ang nangyari.

Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitWhere stories live. Discover now