Chapter 45: Nagtapat Na Si Hannah Kay Don Pepe

73 7 1
                                    

Umikot si Hannah para makalas ang kamay ni don Pepe sa balikat niya pero maagap siyang nahawakan sa braso.
"Alam ko ang iniisip mo, hindi ako masamang tao iha. Hindi kita dadalhin doon para gahasain, haha!"

Naisapo ni Hannah ang palad sa sariling bibig dahil muntik sumabog ang laway niya sa sobrang tawa. Iba ang nasa isip niya at iba rin ang nasa isip ng don.

"Hindi po ako nag iisip ng ganun don Pepe, mahigit sampong taon niyo po kaming kinalinga at naging napakabuti niyo po sa amin. Napakalaki ng utang na loob naming mag anak sa inyo at hindi po ako sasakay sa kotse niyo sa umpisa pa lang kung hindi ko kayo pinagkakatiwalaan, p-pero..."

Hindi maituloy ni Hannah ang gustong sabihin dahil baka masaktan ang loob ng matanda o di kaya'y mainsulto.

"Pero ano...? Sabihin mo, huwag kang matakot na sabihin kung ano ang laman ng puso't isip mo, hindi ako magagalit! "
Malumanay na sabi ng don habang nakangiti.

In fairness, sa edad na sixty plus ay maganda pa rin ang ngiti nito dahil buo pa ang ngipin . Sabi nila mas malakas daw ang isang tao kapag walang bawas ang ngipin nito. Kita din naman sa tindig ng don ang pagiging matatag dahil hindi ito nakukuba. Puti na ang mga buhok pero bagay sa kanya at makisig pa rin tingnan, para siyang si Sean connery.

"B-baka po kasi hindi pa kayo sanay m-magpatakbo ng... Hindi po ako marunong lumangoy, a-ayaw ko pa pong m-mamatay kami ng anak ko!"

Muling natawa ang don.
"Hindi ko nga pala naiku-kuwento sa inyo, palibhasa eh, saglit lang kapag nagkakausap tayo, haha! Dati akong kapitan ng barko iha, at kapag nagbabakasyon kami dito ay ako lagi ang piloto. Magtiwala ka sa Diyos, at ako naman ang bahalang mag ingat sa inyo dito, okey? "

Hiyang hiya si Hannah sa pagiging Judgemental niya.
"P-patawarin niyo po ako, na-under estimate ko agad ang kakayahan niyo, sorry po talaga!"

"Wala na yun, okey na ako. Ikaw, okey ka na ba? Pwede mo na ba akong pagkatiwalaan ng 100%?"

Tumango si Hannah habang nakayuko.
"Tara na kung ganun at bumababa na ang araw. Mahirap nang gabihin tayo sa laot, maraming shokoy!"

Hindi na pumalag si Hannah nang muli siyang akbayan ng  don.
"S-sige po!"

Nang nasa timon na si don Pepe ay napahanga si Hannah sa kasanayan nito sa tubig, hindi talaga tama'ng basta basta tayong nanghuhusga ng kapuwa.

Pagkalipas ng mahigit apat na oras ay narating din nila ang Isla.
"Wow, ang ganda pala dito!"

"Salamat naman at nagustuhan mo!"

Isang pick up naman ang kumaon sa kanila sa daungan na minamaneho ng isang lalaking singkuwentahin na ang edad.
"Magandang araw don Pepe, napaaga po yata ang bakasyon niyo dito?"

"Magandang araw din Berto! Hindi ako magtatagal dito, inihatid ko lang ang ating bisita."
Sagot ng don sa driver saka bumaling kay Hannah.
"Ah Hannah, ito si Berto ang aking katiwala sa rest house. Sila ng asawa niya ang makakasama ninyo ni Ejay dito sa isla!"

"Kumusta po kayo mang Berting?"

"Mabuti naman po maam. Sana'y magustuhan niyo at mag enjoy kayo sa inyong bakasyon!"

Ngumiti lang si Hannah, masyadong mabigat ang dibdib niya para mag enjoy sa ganda ng paligid pero sana nga...

Hindi agad umalis ng Isla ang don kahit inaraw araw siyang tawagan ng anak na dalaga dahil baka kung ano daw ang maisipang gawin ni Hannah na madalas niyang mahuling umiiyak.

*****End of Flashback*****

At ngayon nga ay mahigit isang linggo na silang magkasama ng don at naipagtapat na nito sa kanya na nagtatampo na ang anak nitong bunso dahil hindi sila nagkita.

Siguro nga ay mas makakagaan sa loob niya kung idis-close na niya totally sa don kung ano talaga ang pinagdadaanan niya.

Ilang buntong hininga muna ang pinawalan niya bago niya nasabi ang usapan nila ni Elena at ang pagtanggap niya dito ng pera.
"Si Elena na naman? Bakit hindi mo isumbong kay Edison, napakabuting bata ng nobyo mo at makatarungan, hinding hindi ka niya pababayaan at kayang kaya ka niyang ipagtanggol sa mommy niya!"

"H-hindi ko po nobyo si Edison at isa siya sa mga pinagtataguan ko..."
Sinabi niya ang katotohanan tungkol sa kanila ni Edison.

"G-ganun ba? Napakaguapo, napakabait at napaka talino ng batang yun para tanggihan mo. Eh sino ang ama ni EJay?"

"S-si J-Jiggo po!"
Gulat na gulat sab narinig ang don, dahil wala sa hitsura ni Hannah ang maging third wheel sa relasyon ng iba at ang pagkakaalam niya'y halos hindi mapaghiwalay ang Vinggo kaya pano nakasingit si Hannah kay Jiggo?

Bago pa naisatinig ni don Pepe ang laman ng isip ay nagsalita na uli si Hannah.
"N-nangyari po ito nung nakaraang fiesta sa dati naming lugar, d-doon po kami nagkita. At..."

"Sige lang, makikinig ako!"
At sinabi na nga lahat ni Hannah, wala na siyang inilihim pati yung nangyari sa kanila sa pangalawang pagkakataon at ang tendency na naapektuhan si EJay ng pagkakahawa niya ng typhoid fever sa binatang actor.

Nanlumo ang don sa mga narinig.
"Kung ganun, bakit pati ang pamilya mo ay isinama mo sa mga pinagtataguan mo? Di ba dapat lang na alam nila kung nasaan kayo ng anak mo? Siguradong nag aalala na sila!"

"Kasama po kasi sila sa gustong mawala ni Senyora Elena sa Laguna pero alam kong tatanggi si tatay kaya naisip kong mas ligtas sila kung wala silang alam sa kinaroroonan ko. Isa pa tiyak na galit na galit sa akin yun dahil nalaman na niyang nagsinungaling uli ako tungkol sa ama ni EJay, n-nahihiya na po ako k-kay tatay!"
Tuluyan nang napahagulgol si Hannah kaya kinabig ng don ang ulo niya at idinikit sa dibdib nito.

"Hush, tahan na! Akong bahala kay Hulyo, bukas na bukas din ay babalik ako ng Laguna. At haharapin ko rin si Elena, dapat nang matapos ang pang aapi niya sa iyo at sa pamilya mo! Tungkol naman kay Jiggo dapat niyang panagutan ang nangyari sa inyo. Sisiguruhin kong ikaw at hindi si Alvina ang pakakasalan niya!"
Madilim ang mukha ni don Pepe habang nagsasalita.

Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitOn viuen les histories. Descobreix ara