Chapter 44: Natakot Si Hannah

73 5 0
                                    

"Umiiyak ka na naman pero ayaw mo namang sabihin ang dahilan, ayaw mo ring makipag ugnayan ako sa pamilya mo! Mahigit isang linggo na tayo dito at tiyak na nag aalala na sila sa inyo ng anak mo!"

"P-pasensiya na po kayo don Pepe, hindi ko pa po kasi k-kayang sabihin sa inyo ang t-tutuong dahilan ng pag alis ko sa a-amin, i mean, sa pamilya ko!"

Umupo sa tabi niya ang don sa bench saka ipinatong ang kamay nito sa balikat niya na nagpatayo sa lahat ng balahibo niya sa katawan.
"Iha, hindi gagaan ang loob mo at hindi ka makakaisip ng sulusyon kapag sasarilinin mo lang ang mga bagay na gumugulo sa iyo!"

Nakaramdam ng hiya sa sarili si Hannah. Hindi sa lugar na ito ang dapat na distinasyon ng don. Papunta ito dapat sa Maynila para dalawin ang bunsong anak na dalaga dahil ayaw na ayaw umano nitong pumunta ng Laguna. Pero na'ng madaan ang kotse nito sa paradahan ng jeep na papuntang Sta. Rosa at makita siyang umiiyak habang karga si EJay ay isinakay siya nito.

***Flashback ***

"Hannah, bakit ka umiiyak? Saan mo dadalhin ang anak mo, kay Edison ba?"
Binuksan nito ang pinto ng kotse.

"M-magandang araw po don Pepe. Hindi ko po alam kung saan, g-gusto ko lang pong lumayo dito!"

Tuluyan nang bumaba ang don. Nag-alala ito sa kanya at hindi malaman ang gagawin kung paano siya patatahanin.

Noong una pa man ay hindi na pangkaraniwan ang ipinakikitang pagkagiliw sa kanya ng matanda.

"H-halika, sumakay kayo dito at ihahatid ko kayo kay Edison. N-nagkagalit ba kayo?"

Umiling si Hannah pero hindi sumagot, patuloy lang sa pagpapahid ng luha.

"Tahan na iha. Badong, sa San Pablo tayo, pupunta tayo sa Hasyenda Almazin!"
Utos ng don sa may kabataan pang driver.

"Opo don Pep..."

"H-HINDI, HUWAG PO!"
Napalakas ang boses ni Hannah na ikinagulat ng driver at ng matanda.

"Saan mo ba talaga gustong magpunta iha? Sabihin mo at ihahatid kita kahit sa America pa!"
Dinaan na ng don sa biro ang pag-aalo kay Hannah para pagaanin ang loob nito.

Kahit papaano ay napangiti din si Hannah at sa bigat ng nararamdaman niya ngayon, naisip niyang kailangan niya ng panibagong kakampi, isang taong maaari niyang gawing sumbungan at ituring na pangalawang ama.

"H-hindi ko po talaga alam kung saan kami pupunta ng anak ko don Pepe. P-pero kailangan ko po munang lumayo sa kanilang lahat, doon sa hindi nila alam kung saan!"

Nakakaunawang tumango ang matanda.
"Kung ganun tutuloy pa rin tayo sa Maynila Badong, pero hindi sa bahay kundi sa airport!"

"A-airport po?"
Maang na tanong ni Hannah at tila gusto nang bumaba ng sasakyan.

Tumawa si don Pepe sa reaction ni Hannah.
"Relax, hindi tayo sa America pupunta. Dito lang yun sa malapit, huwag kang mag alala at ligtas kayong mag ina doon at tamang tama din sa balak mong pagtatago, haha!"

Nakahinga nang maluwag si Hannah, at dahil napanatag ang loob, saglit pa ay nakatulog na ito sa biyahe.

Nasa airport na sila nang sabay silang nagising ni EJay.
"Baba na iha, narito na tayo! Badong, dumiretso ka na sa bahay at doon ka na muna hanggang sa umalis Lili. At kapag tinanong ka huwag mong sasabihin kung saan ako pupunta ha?"

"Masusunod po don Pepe!"
Ngumiti nang makahulugan si Badong, halatang may malisya sa isip. Sampong taon na nga naman kasing biyudo ang don at hindi kaila sa kanya na naghahanap ng bagong makakasama sa buhay ang kanyang amo.

Pupungas pungas nama'ng lumabas ng sasakyan si Hannah habang nasa baby carrier si EJay. Nagpalinga linga siya sa paligid.
"Departure area. Tutuo ba ito, sasakay talaga kami ng eroplano?"

Maya maya pa ay isang nakangiting babae na naka office attire ang lumapit sa don nasa pagitan ng trenta at kuwarenta ang edad,may dala dala itong mga tikit.
"Thank you Vicky!"

"You're welcome don Pepe, please follow me!"
Diretso sila sa counter para kumuha ng boarding pass.

Saglit pa at nasa himpapawid na sila. Hindi makapaniwala si Hannah sa mga nangyayari, first time niyang sumakay ng eroplano at business class pa. Pakiramdam niya ay panaginip lang ang lahat habang pinagmamasdan niya ang unti unting pagliit ng mga structures sa paningin niya.

Isang oras sila sa itaas bago sila nakarating sa Tuguegarao airport. Mula sa airport ay sinundo sila ng isang van papunta sa tabing dagat ng Aparri kung saan isang katamtamang laki ng customized motor boat o maliit na lantsa ang naghihintay sa kanila.
"Kompleto na ba ang mga bilin ko sa telepono?"

"Opo don Pepe, sobra pa po sa tatlong buwang stock ang nabili ko sakaling maisipan po ni mam na mag extend. Sige po,enjoy at mag iingat po kayo sa tubig!"
Pagkasabi nun ay umalis na ang lalaki na labis na ipinagtaka ni Hannah.

"Ba-ba-b-bakit po siya umalis, sis-s-sino po ang magpapatakbo ng mo-mom-motorboat don Pepe?"
Kinikilabutang tanong ni Hannah kahit may ideya na siya kung sino.

"Ako syempre! Dahil ihahatid ko lang kayo doon at ito rin ang gagamitin kong palabas ng isla, bakit?"
Nakakaloko ang ngiti ng don at gusto na namang umatras ni Hannah, hindi yata niya magagawang ipagsapalaran ang buhay nilang mag ina sa kamay ng don. Kung kotse nga hindi ito nagda-drive tapos ngayon ilalagay nito ang buhay nilang mag ina sa kamay niya na isang matanda at hindi propesyunal na piloto?

"D-don Pep-P-pepe, uuwe na po kami hehe! N-napag isip isip ko po na m-ma...mi miss po nila sa b-bahay si EJay, sas-s-sa-salamat po sa lahat, hehe!"

Pero walang sabi sabi na inakbayan siya ng matanda at iginiya sa nakaabang na maliit na andamyo ng motorboat habang humahalakhak sa tuwa dahil sa nakikitang reaction niya.

"Alam kong natatakot ka. Huwag kang mag alala, kaibigan ko ang dagat, hahaha!"

"Lord ulyanin na yata si don Pepe, kahabagan mo po kami ni EJay please? Huwag niyo pong itulot na maging hapunan lang kami ng mga pating at balyena ng anak ko sa laot!"
Nausal niya sa isip habang nakapikit.

Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon