Chapter 40: Natulog Si Hannah Sa Kuwarto Ni Jiggo

78 6 1
                                    

"S-siguro nga! Ahm, Miss Alvina, b-baka hinahanap ka na ni sir J-Jiggo."

"Ah oo nga pala, may taping nga pala kami bukas ng umaga kaya hindi kami pwedeng mag stay overnight dito. Nice talking to you Hannah and please just call me Alva, okey?"

Kiming inabot ni Hannah ang inilalahad na kamay ng actress, nailang siya sa sobrang lambot ng palad nito.
"Like wise miss Alvina, i mean A-Alva!"

Nang wala na si Alvina, sumunod na pumasok si Elena. Agad na tumayo si Hannah dahil sa takot.
"M-maam Elena, s-sorry po!"

"Bakit ka nagso-sorry, may pinag usapan ba kayo ni Alvina na laban sa akin?"

"N-naku, wala po maam! Humihingi lang po ako ng Pasensiya sa pagkakagamit ko ng kuwarto nang walang paalam. K-kasi po..."

"Mabuti at andito ka, makakapag usap tayo nang maayos. Umupo ka!"

Sinunod ni Hannah ang utos ng babae.
"T-tungkol po sa pagdalo ko, n-nakiusap po kasi si E-Edison na..."

"Masyado ka na yata'ng komportable sa pagtawag ng Edison sa anak ko? Well, allow me to remind you what we've talked about, the last time. You, are not going to be my son's wife, okey? "

Gustong isigaw ni Hannah sa pagmumukha ni Elena ang laman ng isip pero nagtimpi siya.
"Huwag po kayong mag alala, dahil hindi ko rin po pinangarap! Hindi ko po nakakalimutan, at huwag po kayong mag alala, tutupad po ako sa pinag usapan natin. Lalayo po ako kay s-sir Edison."

"Mabuti... Ngayon, pwede ka na'ng lumabas at pilitin mo siyang ihatid niya kayo ngayon din dahil naa-alibadbaran ako sa presensiya mo dito sa mansion!"

Gustong gusto nang sumabog ni Hannah pero nagtimpi siya dahil wala siyang laban at wala rin namang pupuntahan kung magpapaapekto siya sa galit niya sa panglalait ni Elena. Nagmamadali siyang lumabas karga ang anak nang masalubong niya ang magtiyahin na Edison at Nancy.

"Where have you been again? Tara, ihahatid ko na kayo ni baby sa room niyo!"

"Ah, eh E-Edison hindi kami pwedeng magpalipas ng magdamag dito, may appointment si EJay bukas ng umaga sa Pediatrician."

"What's the problem? Ako ang magdadala sa inyo, it's my obligation, remember?"

"P-pero hindi ako nakapagdala ng bihisan namin at naiwan din sa isang bag ko ang record ni EJay k-kailangan yun tuwing..."

"Aagahan natin ang alis bukas dito, magsi-set ako ng alarm promise!"

"Siya nga naman Hannah, darating si Fernan mamayang madaling araw, hayaan mong makita naman niya si EJay, apo din naman niya ang bata di ba?"

Lalong nalito si Hannah at wala na siyang maisip na idadahilan.
"Bahala na, hindi naman siguro kami basta basta'ng sasaktan ni Elena kapag nagisnan pa niya kami dito bukas! O-okey!"

Dinala ni Edison ang mag ina sa mismong kuwarto ni Jiggo para katabi lang ng kuwarto niya at ni Nancy. Pero bago siya lumabas ay binulungan niya si Hannah sabay kindat.
"I hope somehow, I've done you a favor!"

"W-what?!"

"Nah, I'm just kidding."

Nakitawa si Nancy dahil iba ang intindi niya sa ginawi ng pamangkin.
"Edison, behave!"

Pinahiram ni Nancy ng pantulog si Hannah.
"Wow, you're so pretty Hannah, kaya naman hindi ko masisi si Edison na ipaglaban ka sa mommy niya eh!"

"N-naku, hindi naman po!"

Samantala, sa kuwarto ni Elena ay nanggagalaiti ito sa galit.
"Dala dalawa pa sila'ng nakabantay sa kanya, nakakainis!"

"What's going on with you honey?"
Tanong ni Brando na walang kaalam alam sa iniisip at ipinagkakaganun ng asawa.

"I hate the idea of having Hannah in the house, peste!"

"You should be used to that, magiging manugang mo yung tao, remember?"

"That's not going to happen, i won't let it happen, neverrr!"

"Elena, we have a grand son already! Why can't you just accept and be nice to them?"

"What's wrong with you people? Bakit parang ako lang ang lumalabas na kontrabida dito? Napakadali lang sa inyo na ipamigay sa isang hampaslupa ang anak na pinaghirapan ko!"

Napabangon si Brando sa sinabi ng asawa. Although alam niyang matapobre ito at mataray ay hindi pa niya narinig na nagsalita ito ng panlalait at pagmumura sa ibang tao, palibhasa'y madalang silang magkasama.
"Sweetheart, watch your mouth!"

"I'm s-sorry, nakakainis kasi eh! I'll find another way to get you out of our son's life!"

Nang wala na si Nancy, hindi agad nakatulog si Hannah, kinikilig siya sa katotohana'ng nakahiga siya sa kama ng lalaking halos buong buhay na niyang kinababaliwan.

"Room ito ng daddy mo baby, at least kahit minsan lang sa buhay natin ay maranasan nating matulog sa kama niya. Good night baby, and good night din sa yo mahal ko!"
Pagkatapos halikan ang anak ay niyakap ni Hannah ang isang malaking unan na nasa kabila niya at inimagine niyang si Jiggo ito.

Halos kaiidlip pa lang niya nang may kumatok sa pinto. Inisip niyang si Edison ito kaya hinagilap muna niya ang robe at balabal bago niya ito pinagbuksan.

"Sandali lang!"
Sabi niya sa inaantok na boses. Pero laking gulat at takot niya nang si Elena sa halip na si Edison ang mabuglawan niya sa labas.

"M-maam Elena?"
Tinabig ng babae si Hannah at tuloy tuloy ito'ng pumasok sa loob ng kwarto.

"Maghanda ka na, bilisan mo!"
Marahas na utos nito sa dalaga'ng ina.

"Po? P-pero..."

"Ipapahatid kita sa driver ko hanggang sa inyo!"
Sabay abot sa kanya ng may kakapalan na sobre.

"Alam mo, hindi naman ako ganoong ka-sama eh, nagkataon lang na ang paniniwala ko ay hindi pwedeng pagdikitin ang langit at ang lupa. Gamitin mo ang perang yan para buhayin ang apo ko at magpakalayo layo na kayo dito ng pamilya mo, doon sa hindi ka matutonton ng anak ko. Pag hindi mo ako sinunod, baka sa unang pagkakataon ay maging kriminal na ako, maliwanag?"

Dahil sa takot at pagka taranta ay tinanggap ni Hannah ang sobre.
"O-opo!"

Napangiti nang maluwag si Elena, ngiti ng tagumpay. Sa wakas, gagaan na ang loob niya.
"Very good! Huwag kang mag alala, ako na ang bahala sa anak ko para hindi niya kayo masundan agad at may pagkakataon pa kayo'ng maghanda!"

Walang imik na sumunod sa utos si Hannah at maingat na lumabas ng mansion.

Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon