Chapter 63: Lumabas Na Sa Shell Si Jiggo

73 9 3
                                    

Nang matapos sa pagku-kwento si Edison, galit na hinarap ng mga magulang si Jiggo. Pati si Elena, na ang dami daming nagawang papel sa istorya samantalang wala naman pala siyang dapat ipag alala noon pa. Nakadama tuloy siya ng guilt para kay Cyrille kaya kinuha niya ang kamay nito at pinisil. Sapat na ang gesture na yun para maunawaan ng doktora ang nais ipahiwatig ng biyanan. Na buong buo na niya itong tinatanggap.
"Thank you mommy!"

"Cancel your engagement with Alvina and marry the mother of your child!"
Excited na sabat ni donya Soledad na kailan lang ay hinangad niyang akuin ni Jiggo ang inaakala niyang pananagutan ni Edison.

"I-i can't lola, it's too late now!"
Nakayukong sagot ni Jiggo habang nakatitig sa alpombra ng sahig.

"And why not? Mas malaki ang pananagutan mo kay Hannah kaysa kay Alvina, huwag kang maging unfair!"
Sabi din ni Elena na napamahal na sa babaing kinamumuhian niya dati.

Hindi sumagot si Jiggo kaya nagsalita na rin ang inang si Nancy.
"What's stopping you from marrying her sweetheart? Does she changed her mind, did she told you that she didn't love you anymore?"

"Answer us Jiggo?!"
Halos dumagondong sa buong kabahayan ang boses ni Fernan dahil napipikon na sa anak.

"I said, it's too late, okey?"
Padarag na tumayo si Jiggo at sinabunutan ang sarili.
"Its too late because i already broke her heart! I told her that night that i am choosing my career over her, that im not in love with her and what happened between us is just a one night stand. But those were all lies, i lied to protect Edison's heart, because he was so good to me since i laid my foot in this land. He's a very good cousin, brother and best friend to me! And for that, i can trade my soul and my own happiness only to save his!"

Pagkasabi nun ay tahimik na lumuha si Jiggo, pati ang mga nakikinig ay nagsipahid din ng luha. Tumayo si Edison at niyakap siya.
"I-i didn't know, I'm sorry! If you only fought for your love, i would have given up for you a long time, because i love you too! Your happiness is also mine. We may not born in the same womb but for me you're always the twin that i never had!"

Hilam sa luha na niyakap ni Nancy ang dalawa. Nahawa si Elena at nakiyakap na rin. Sumunod si Cyrille, tapos si donya Soledad.

Natawa lang ang tatlong lalaki(don Felipe, Fernan at Brando) pero nagmo-moist din ang mga mata.

"Whoa! What did i miss,  rewind please?!"
Sabay sabay na napalingon ang Lahat kay Liane na kararating lang galing sa Maynila. Hindi kasi sila nagsabay ng ama dahil may ginawa pa siyang research para sa isa niyang subject sa school.

"Just come here and join the group hug!"
Sabi sa kanya ng nakangiting ina.

Nang magkalas kalas ang group hug, pulasan pabalik ng kitchen ang mga katulong na emotional din sa pakikinig kanina ng drama.

Ilang sandali pa at nagsabi na ang cook na ready na ang dinner. Itinuloy nila sa harap ng hapag ang pinag uusapan.

"I still advice you to marry Hannah instead of Alvina, iho. I missed EJay soo much and i miss Hannah's cooking skills too!"
Si donya Soledad habang nakikinig lang ang iba.

"La, i don't know if it's still a good idea, i have already announced in the whole world that i am going to marry Alvina. Fans nowadays are not the same as before. If they find out who was the reason why I'm breaking up with their idol, they will harm and insult her! Besides I'm not even sure if Hannah still wants me. Because the last time we're here, she didn't even looked at me!"

"If that's what you're thinking, then what's your plan for the baby? Ni hindi pa nga siya nabibinyagan eh!"

"I will support him secretly. About the christening, i want to ask favor from Edison to please continue being a father to my son, for his safety."

"It's not up to us anymore. Nasaktan ko rin si Hannah kahit papaano, kaya hindi ako Sigurado kung gugustuhin pa niyang makita o makausap ako!"

Parang nilamukot ng bakal na kamao ang puso ni Jiggo sa habag sa ina ng kanyang anak, ang babaing dahilan ng pagiging malungkutin niya mula noon hanggang ngayon.
Napabuntong hininga siya ng malalim.

Kung nalalaman lang ni Hannah kung gaano niya pinakaiingatan at pinakatatago ang panyong isinoli nito sa kanya at ang ginawang sulat bago ito umalis nung magkasakit siya ng typhoid. Sinadya pa niyang tawagin ang pangalan ni Alvina para isipin nitong nananaginip lang siya, gayung ang tutuo ay damang dama pa rin niya ang lambot at bango ng bawat parte ng katawan nito, at ang alaala ng gabing yun ay nananatiling sariwa pa rin sa isip niya.
"God knows how much i long for you Hannah, and i will forever love you! Pero sabi nga ng isang kanta, pinagtagpo tayo pero hindi itinadhana,kaya tanggapin na lang natin na hindi talaga tayo sa isat isa!"

"So hindi na kay Edison ang problema ngayon kundi sa iyo mismo! Dahil nakasisiguro ako na hindi tatanggi si Hannah kapag inalok mo siya ng kasal. Walang ina na pagkakaitan ng maayos at buong pamilya ang kanyang anak!"

"Im sorry grand ma, kailangan kong isa-alang alang ang magiging feelings ni Alvina at ng career ko!"

Hinampas ng don ang mesa pagkarinig ng salitang 'career' mula kay Jiggo.
"Career na ba sa yo yan? Bakit di ka na lang mag quit at bumalik sa eskuwela? Finish your studies and make your own real 'career', katulad ni Edison, yun ang tama!"

Binitawan ni Jiggo ang hawak na tinidor, pero nanatiling nakatingin sa sariling pinggan habang nagsasalita.
"Alam niyo ba kung ano ang isang dahilan kung bakit pinili ko ang showbiz? Dahil dito, akin lang ang mundo ko. This is the only way you can not compare me to him! This is the only world that i know, Edison would never dare to enter!"

Natameme ang don, maging sina Fernan at Edison. Ngayon lang, for so many long years na lumabas sa shell niya si Jiggo at ipinakilala ang sarili sa buong pamilya.

Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitWhere stories live. Discover now