Chapter 16: Naging Care Giver Si Hannah

78 7 0
                                    

Pinunasan niya ng tubig na may yelo ang mukha, dibdib, braso at mga paa ni Jiggo hanggang talampakan. Pero ayaw bumaba ang lagnat nito at kahit anong gising niya ay ayaw nitong magmulat ng mga mata, panay lang ang ungol.

"Siguro masama na talaga ang pakiramdam mo dati pa, pero instead na magpa doktor o uminom ng gamot, ay alak ang tinira mo kaya ganyan ka! Nagpapakamatay ka na ba talaga? Ano ba kasi ang problema mo, maayos naman ang career at lovelife mo! Haaay, bakit ba ang dami'ng mga tao na hindi marunong makontento sa buhay? "
Feeling close na talak niya sa unconcious na lalaki.

"Paano ko ba mapapababa ang lagnat mo? Hindi naman kita pwede'ng dalhin sa hospital o itawag ng doktor, magtataka sila kung pano ako napunta dito, baka instead na pasalamat ay kalaboso pa ang mapala ko!"

Sa kakaisip, naalala niya ang isang kuwento na nabasa niya sa isa'ng english pocketbook tungkol sa isang lalaki at babae'ng na trap sa gitna ng kagubatan. Nilagnat ang lalaki dahil na-infection ang sugat niya mula sa tama ng mga bala. Hinubaran ng babae ang lalaki at saka naghubad din ito ng damit at niyakap ang lalaki para ma-generate ang init sa mga katawan nila. Dahil doon pinawisan ang lalaki at bumaba ang lagnat. Alam ni Hannah, na fiction lang ang kuwento at mababa ang chance na magkatutuo.
"Wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko, bahala na kung magisnan niya ako at murahin, ang importante ay mawala o bumaba man lang ang lagnat niya!"

Hinubad niya ang natitirang damit ni Jiggo at saka din siya naghubad. Hinila niya ang makapal na comforter at tinakpan niya ang buong katawan nila saka niya ito niyakap ng mahigpit.
" Sana magwork, please lord!

Nasu-suffocate na siya sa sobra'ng init dahil sa kawalan ng hangin at dahil sa kapal ng comforter, idagdag pa ang pressures na galing sa katawan ni Jiggo, pero sa kabila nito pakiramdam ni Hannah ay nasa paraiso siya haba'ng yakap yakap ang lalaki'ng kinababaliwan.

Pawisan na siya at naramdaman niya ang biglaang paghilab ng tiyan.
"Naku nagrereklamo na ang baby ko. Saglit lang nak, pagagalingin lang natin sandali ang daddy mo. Tiis tiis lang ng konti, ha? Love you nak, love you din daddy!"
Para siya'ng baliw na nagsasalita'ng mag-isa.

Maya maya pa ay naramdaman niya'ng pinagpapawisan na rin si Jiggo.
"It works, it really works, haha!"

Lumabas siya ng comforter at naghanap ng towel sa cabinet saka pinatay ang ilaw.
"Para hindi niya agad ako makita sakali'ng bigla siya'ng magising!"

Bumalik siya sa kama at pinunasan ang pawis nito sa dilim.
"Bakit ka ba nagkakaganito? Di mo dapat ina-isolate ang sarili mo eh! Paano kung hindi ako dumating at ma-dehydrate ka?"

Nagulat pa siya nang hawakan ni Jiggo ang kamay niya'ng may hawak na tuwalya at hinila siya'ng padapa sa ibabaw nito .
"I love you!"

At sa pangalawa'ng pagkakataon ay muling natikman ni Hannah ang init ng 'pag ibig' ni Jiggo.

Nang matapos ang nagbabaga'ng sandali, muli'ng nakatulog si Jiggo. Bumangon si Hannah at binuksan ang ilaw saka nagbihis. Sinalat niya ang mukha ng lalaki.
"Ayan, magaling na ang daddy ng baby ko!"

Inayos niya ang kumot ni Jiggo at saka niligpit ang mga kalat sa sahig. Nang matapos ay ibinalik sa kusina ang mga ginamit saka naghanap nang maluluto o pweding ipakain sa may sakit.

Kaso wala'ng laman ang ref kundi hotdog at itlog saka ilang pirasong cucumber.
Nagluto siya ng dalawang omelet at tatlong hotdog, naghiwa ng pipino saka dinala sa kuwarto.

Gigisingin na sana niya ito para pakainin na'ng bigla ito'ng magsalita habang nakapikit.
"Alvina, babe..."

Para'ng sinaksak ng isang daang beses ang puso niya, pero di niya nagawa'ng umiyak sa sobra'ng sakit. Dahan dahan niya'ng inilapag sa bedside table ang tray ng pagkain saka naghanap sa bag niya ng papel at ballpen.

Gumawa siya ng note.
'Hi,
Sorry kung naglakas loob ako'ng puntahan ka, may importante'ng bagay lang sana ako'ng sasabihin sa yo. Pero sa nakita kong situation mo, nagbago ang isip ko, kasi baka makadagdag lang ito sa mga gumugulo sa yo. Kumain ka ha? Pasensiya ka na kung yan lang ang naihanda ko. Saka huwag ka nga pala'ng maglalasing kung hindi mo kaya na'ng hindi ka nakakagawa ng mga bagay na hindi mo alam. At saka huwag ka na ri'ng mag alala, hindi'ng hindi ko na uulitin ang ka-abnormala'ng ito.
            Siya nga pala, magpa check up ka para malaman mo kung ano ang cause ng fever... 
                                       Ur 4-ever fan,
                                                   H
Ipinatong niya sa panyo'ng ipinahiram sa kanya noo'ng highschool ang sulat at saka idinagan dito ang celphone ng lalaki.

Bago siya tuluya'ng umalis, sinalat niya uli ang noo ni Jiggo para tiyaki'ng wala na nga ito'ng lagnat.
"Sana naman, ay hindi malala ang sakit mo at sana hindi ka na lagnatin uli!"

Dumukwa'ng siya at dinampian ito ng halik sa labi.
"I love you, sooo much, bye!"

Siniguro niya'ng nakalock na ang gate bago siya umalis.
"Mahirap na baka matyempuhan ka ng akyat bahay gang!"

Naglakad pa siya na'ng medyo malayo bago siya nakakita ng bakante'ng tricycle, alangani'ng oras na kasi.
"Saan po tayo maam?"

"Sa bayan po kuya!"

Na'ng makasakay ay naisipa'ng magtanong ni Hannah.
"Matagal na po kayo'ng naghahatid ng mga pasahero dito kuya?"

"Medyo matagal na rin po, mga apat o lima'ng taon na, bakit niyo po naitanong?"

"W-wala ba'ng mga nakatira'ng artista dito?"

"Hindi ko lang po sigurado pero may mga haka-haka na may bahay daw dito si Jiggo Almazin pero wala pa nama'ng nakakita sa kanya. Mahigpit din sa pagbibigay ng information ang mga guwardiya kaya hindi pa rin kumpirmado!"

"Ah... Posible'ng may mga pinapapasok siya'ng mga... Bayara'ng babae, kaya iniwan niya'ng bukas ang gate. Siguro bago ako dumating ay may nauna na pero umalis din dahil sa kalagayan niya. Tama, ganun nga siguro!"

Dahil sa naisip, bigla'ng kinilabutan si Hannah at nakadama ng pagsisisi. Paano kung may aids pala si Jiggo?

Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitWhere stories live. Discover now