Chapter 43: Instant Travel Buddies

73 7 0
                                    

Pagkalipas lang ng ilang araw ay inihatid na ni Fernan sa airport si Edison patungong Espanya.
"O iho, don't stay long there ha? Alam mo namang hindi pa sanay sa business ang tito mo, baka pagbalik mo ay bagsak na'ng lahat ang mga pinaghirapan mo, haha!"

"Si tito talaga... I'm one hundred percent sure that you can do better than me, haha!"

Napatitig sa pamangkin si Fernan, noon pa man ay kinaiinggitan na niya si Elena sa pagkakaroon ng anak na tulad ni Edison na bukod sa malambing, matalino, magalang ay napaka-humble pa, napakalayo nito kay Jiggo na parang laging galit sa mundo.

"Sometimes i wonder if being a twins must have interchanged of characters or looks of their childrens, haha!"

Nagkatawanan ang magtiyo at hindi nila napapansin ang babaing nakatingin sa kanila na tila naghihintay ng chance. Kaya paglingon ni Edison ay nagtama ang mga mata nila.

"Doctora Cyrille? What a pleasant surprise! Don't tell me na iisa ang flight natin?"
Bulalas niya nang tuluyang mapagsino ito dahil ibang iba ang aura ngayon ng dalagang doktor, parang ngayon lang niya napansin na napaka ganda at napakaamo pala ng mukha nito.

"Hello sir Edison, sir?!"
Nakangiting bati nito sa binata sabay baling sa nakangiting si Fernan.

"Ah tito, siya po si Doctor Cyrille, pediatrician ng apo niyo! And doc, this is my tito Fernan, the very handsome and cool father of my famous cousin Jiggo! "
Walang ka gatul-gatol na pakilala niya dito.

"Oh, hi doc Cyrille, nice meeting you iha!"

"Nice to finally meet you also in person doctor Almazin!"
Kiming iniabot ng dalaga ang kamay kay Fernan.

"Whoa, cool! You really know  tito Fernan?"
Namamanghang bulalas ni Edison.

"Who doesn't know a very  famous and brilliant geologist like him? I'm so honored to shake your hand sir!"

Saglit muna silang nagpalitan ng mga pleasantries bago tuluyang nagtanong si Cyrille tungkol kila Hannah at EJay.

"I... I didn't find her until now, she's o-obviously hiding from me!"

"What?! B-but why? I'm sorry, i shouldn't have asked you such question. By the way, papunta ako'ng Madrid for a two weeks seminar kaya very eager ako'ng ma-check muna sana si EJay before i leave!"
Nahihiyang paliwanag ng dalaga.

"It's okey doc. I'm sure he's fine. Hannah is a smart woman, hindi niya pababayaan ang... Si EJay!"

Tinapik ni Fernan ang balikat ng pamangkin at tiningnan ang relos nito bilang hudyat na kailangan na niyang umuwe.
"Ah, sige po tito para hindi kayo masyadong gabihin sa daan. Thank you so much for driving me here and please, ingat po sa pagda-drive!"

"Okey. Ang bilin ko ha? Enjoy your break but don't take it too long!"
Sagot nito kay Edison na sinabayan pa ng kindat. Napaka gaan ng pakiramdam niya dahil nasisiguro niyang babalik agad ang pamangkin at babalik ito na maligaya.

Humalakhak ang binata nang makuha ang mensahe ng tiyuhin. Nang makasakay na sa kotse si Fernan ay binalingan uli ni Edison si Cyrille.
"So, are you ready to travel with me for approximately 20hours to Barajas airport? If yes, then let's go, haha!"

Naging napakasaya at napaka sigla ni Edison habang papunta sila sa gate ng mga papuntang Madrid.

           ****************
Samantala inumpisahan na ni Elena ang lihim na pagpapahanap sa mag inang Hannah at EJay.
" I'll make sure na pag uwe ng anak ko, ay may daratnan siyang good news. And i swear not to interfere with any of his affairs again, likewise to Lianne. H-hindi ko na gugustuhing makita'ng humikbi sino man sa kanila. Ang sakit pala sa dibdib my God!"

Ang unang hakbang niya ay ang pamanmanan ang bahay nina Hannah.
"Make sure na walang aalis at darating sa bahay nila nang hindi niyo nalalaman!"
Utos niya sa mga binabayarang private detectives.

"Yes maam, masusunod po!"

Pero mahigit isang linggo nang nagmamaman ang mga ito sa iba't ibang paraan ay wala pa rin silang nakikita o nasasabat na information. Pati sa mga incoming at out going calls ay negative dahil zero din sa information ang pamilya ni Hannah maging kay Barbie kaya labis labis na ang pag aalala nila sa hindi pagpaparamdam nito.

"Diyos ko'ng bata yun, ano ba kasi ang nasa utak niya? Mabuti sana kung solong katawan lang siya, kaso may dala siyang anak na bagong silang!"

"Eh kung humingi po kaya tayo ng tulong kay don Pepe tay?"
Suggestion ni Hailey na nagsisikap tumulong sa pag iisip.

"At anong tulong naman ang hihingin mo dun sa matanda? Gagawin mo siyang detective? Kesa kay don Pepe eh di sa mga pulis na lang! O di kaya'y magpo-post na lang ako ng picture nila sa social media at manawagan kung may nakakita sa kanila!"
Sabi naman ni Hugh.

"Hindi nga pwede yan Hugh, pinagtatago nga ni senyora Elena ang ate mo kay sir Edison di ba? Pag ginawa niyo yun, parang kayo na rin ang nagpahamak sa ate niyo!"

Noon lang sumabat si mang Hulyo.
"Hayaan niyo na muna ang ate niyo, may kutob ako na sinasadya niya ang lahat para hindi siya ma-trace ni Edison at may tiwala ako sa kanya. Bigyan natin siya ng kahit isang buwan lang, nagpapalamig lang ang ate niyo, hindi rin biro ang mga pinagdaanan at pinagdadaanan niya, kawawa naman!"

Nagkatinginan sina aling Miling at ang dalawa pang anak dahil ngayon lang nanguna sa pagbibigay ng pang unawa si mang Hulyo sa anak na panganay.

Patuloy pa rin sa pag iisip ng paraan si Elena kung paano mako-contact si Hannah para sabihin dito na hindi na siya tumututol sa kanila ni Edison, ayaw naman niyang idaan ito sa social media.
"Nakakahiya yun! Isa pa ay baka lumaki ang ulo, gumanti at ako naman ang pagmalakihan, huh!"

Wala silang kamalay malay na ang mga hinahanap nila ay nasa kalinga ng butihing si don Pepe sa isa sa mga rest house nito sa Centro Calayan, isa sa mga islang sakop ng Babuyan island or  Babuyan group of islands.

Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu