Chapter 51: May Problema Si Hailey

77 6 1
                                    

Samantala, dahil sa sulsol ng manager at handler ng Vinggo at para lalong lumakas ang publicity at promotion ng up coming movie nila at ang kauumpisa pa lang na teleserye ay binilhan na ni Jiggo ng diamond ring si Alvina at ini-announce na niya sa kanilang weekly show ang nalalapit na pamanhikan.

"I'LL JUST WAIT FOR MY MOTHER TO RETURN IN THE COUNTRY, THEN WE WILL GO TO ALVA'S HOUSE TO PERSONALLY ASK HER HANDS FROM HER PARENTS IN MARRIAGE!"
At syempre pa, nabuhayan at namula na naman ang mga hasang ng mga Vinggoans.

Kararating lang noon nina Hannah sa Laguna at hinihintay ang pagdating ni Elena na nagpasabing darating para sunduin silang mag ina.

"EJay ang daddy mo o, magpapakasal na sa iba! Ang saya saya di ba?"
Sabi ni Hailey na tila nang aasar, pinandilatan na ni aling Miling pero tuloy pa rin.

"Hindi bale, mabait na daw ang lola mong peke at papayag na ito'ng ikasal ang mommy mo sa duplicate ng daddy mo dahil wala pa ring alam,haha! Mas masaya yun di ba?"

"Hailey, ano bang problema mo?"
Singhal ni Hugh sa kapatid na bunso.

"Wala kuya, natutuwa lang ako dahil sa wakas magiging maayos na ang buhay ni ate, matatapos na rin ang gulo!"

"Yun naman pala, eh bakit para kang nang aasar?"
Sumabat na rin si mang Hulyo.

"Nang aasar? Ako? Hindi ah, sinasabi ko lang ang tutuo na malapit nang matapos ang mala teleseryeng buhay nila. Imagine, nakailang proxy ng ama, hahaha!"

Anyong sasampalin na ni Hugh ang kapatid nang awatin ni Hannah.
"Hugh, hayaan mo na. Ako na ang bahalang kumausap sa kanya!"

Pero bago pa muling naibuka ni Hannah ang bibig ay nakarinig na sila ng ugong ng tumigil na sasakyan sa tapat at ang pagbukas at pagsara nito.

Maya maya pa ay ang tinig naman ni Elena ang pumalit na tinatawag ang pangalan ni mang Hulyo. Nilabas ito ng ama ni Hannah.
"Senyora, tuloy po kayo sa aming abang tahanan!"

"Magandang hapon Hulyo, Miling, H-Hannah? Sa inyo din Hugh at Hailey!"

Sabay sabay na sumagot nang maayos ang apat, maliban kay Hailey na nagkibit lang ng balikat.
"I understand you're still mad at me. S-sana mapatawad niyo ako at m-magpanibago tayo n-ng buhay. M-maaari ba, Hulyo? Hannah?"

"W-wala na po sa amin yun senyora, kalimutan na natin ang nakaraan!"
Si aling Miling.

"Tama ang asawa ko senyora, sino ba naman kami para hindi magpatawad? Upo po tayo, pagpasensiyahan niyo na kung hindi kasing lambot ng sofa niyo ang upuan namin!"

Genuine ang tawang pinakawalan ni Elena.
"It's okey, sawa na ako sa masyadong malambot. Mainam din yung subukan kong umupo sa medyo matigas, paminsan minsan, haha!"

Nakitawa ang mag anak.
"Buweno, hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, alam niyo na siguro ang pakay ko hindi ba?"

"Ahm opo senyora, pero..."

"Tita, call me tita! At pag kasal na kayo ni Edison, mommy na rin ang itatawag mo sa akin, okey?"

"Yehey!"
Pumalakpak si Hailey na ikinalingon ni Elena at ipinalagay niyang tutuong natutuwa ito.

"You too iha, you can call me that also!"
Hindi na sumagot si Hailey dahil inambaan na ni Hugh ng suntok.

"As i was saying, sinusundo ko kayo ng apo ko!"

"Yun na nga po senyora, este... T-tita, dadalhin ko sana muna sa doktor bukas si EJay, hindi kasi natuloy nung nakaraang dalawang linggo!"

"Kung ganun, ipapadala ko ang driver bukas para siyang magdala sa inyo sa Maynila. At pagkatapos, ay diretso na kayo sa hasyenda, okey? Hinahanap na rin kasi ni papa si EJay, kaya please?"

"K-kayo pong bahala, sige po!"
Sagot ni Hannah na nababagbag ang loob sa sobrang awa kay Elena. Hindi birong sakripisyo ang ginagawa nito sa ngayon. Hindi madali sa isang sin tayog ng langit ang yumukod sa lupa.

"Thank you! Bueno, aalis na ako and please, l-let us see you tomorrow, okey?"

Nagbeso beso sila habang lihim namang nagsusuka sukahan si Hailey na pasimpleng binatukan ni Hugh.

"Aray, namuka!"
Pabulong na sabi nito sa kuya niya. Nagpupuyos naman ang loob ni mang Hulyo pero di niya magawang saktan ang bunsong anak sa harap ni Elena.

Nang makaalis na si Elena ay pinagalitan ni mang Hulyo si Hailey.
"Bakit ka ba gigil na gigil sa ate mo, ha?"

"Hindi lang sa kanya, kundi sa inyong lahat!"
Mahina pero madidiin at nanggigigil ang boses ni Hailey.

"Bakit? Kasi paulit ulit ulit na nagsisinungaling at nanloloko si ate, pero okey lang sa inyo. Akala ko okey na, nagpasalamat ako kasi okey na, nagsabi na ng tutuo, yun pala, mag uumpisa na naman!"

"Hailey, hindi mo kasi naiintindihan!"
Si Hannah na malapit nang umiyak.

"Alin ang hindi ko maintindihan ate, sabihin mo at baka sakaling maintindihan ko kung bakit paulit ulit kang nagpapanggap?"
Pagkasabi nun ay lumabas na ng bahay si Hailey.

"K-kailan pa po yun ganun?"
Naguguluhang tanong ni Hannah sa ina.

Si Hugh ang sumagot.
"Dati na, pero hindi ganyan katindi. Mas grabe ngayon at kung hindi ako makapagpigil baka..."

"Hugh anak, huwag ganun! Hayaan mo na akong kumausap sa kanya, ayokong nagkakasakitan kayo!"
Umiiyak na si aling Miling.

"May ideya ba kayo kung bakit siya nagkakaganun?"

"Narinig mo na ang sinabi niya, di ba ate?"

Umiling si Hannah, hindi siya kumbinsido na dahil lamang sa pagpapanggap niya.
"May palagay ako'ng may mas malalim pa na dahilan kaya siya ganun, at yun ang aalamin ko!"

"Paano mo gagawin eh titira ka na sa Mansion di ba?"
Sabat ni mang Hulyo.

"O-oo nga pala, pero babalik din naman ako dito. Hihintayin lang namin ni EJay doon si Edison para makabawi kami!"

"Kailan ba daw dadating?"
Tanong ni aling Miling na tila na-excite sa mangyayaring drama.

"Hindi daw po sinabi ang eksaktong dating, basta surprise daw po, ewan!"
Naguguluhang sagot ni Hannah.

Kinabukasan, tinupad nga ni Elena ang sinabi. Maagang dumating ang driver na maghahatid sa kanila sa Maynila.

Pero, wala pa rin si doc Cyrille sa hospital, ayun sa nurse ay na-extend daw ang siminar nito sa Madrid. Naalala ni Hannah ang anak na doktora ni don Pepe na si Lili.
"Lilipat na lang kaya ako ng Pedia?"

Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitWhere stories live. Discover now