Chapter 50: Nagtapat Ng Pag Ibig Si Don Pepe Kay Hannah

65 6 1
                                    

Bahagyang kumirot ang dibdib ni don Pepe.
"Huwag ka na kasing umasa!"

Marami pa sana silang pupuntahan pero tuluyan nang tumamlay ang pakiramdam ng don.
"Mukhang makulimlim ang panahon baka hindi natin maenjoy kapag inabutan tayo ng ulan. Ano kaya kung samantalahin na lang natin ang maligo habang maayos pa ang panahon?"
Pagdadahilan niya.

"Kayo pong bahala!"
Sagot ni Hannah

Halos lumuwa ang mga mata ni Hannah sa sobrang ganda ng Sibang Cove. Puti ang mga buhangin dito na tila hinaharot ng mga alon na nagmumula sa asul na dagat at parang kristal sa sobrang linaw.

Sa paligid ay maraming malalaking bato na tila mumunting bundok na may ibat  ibang hugis at sa ibabaw ay may mga berdeng halaman na tila nagsisilbing korona ng mga ito.

"Wow, sobrang ganda dito!"

"But not more than you!"
Nag ayang maligo ang don.

"Masarap ang tubig Hannah, huwag nating sayangin!"

"H-hindi po ako marunong lumangoy don Pepe!"

"Tuturuan kita, nakalimutan mo na bang dati akong kapitan ng barko? Hahaha!"

"S-sige po!"
Pero naudlot si Hannah, paano, hahawakan siya sa katawan?

"Ah, g-giniginaw po yata ako don Pepe, huwag na lang po kaya?"

Hinubad ng don ang suot na tshirt at isinampay sa dala nilang folding chair.
Nabigla si Hannah sa ginawa ng don at nasagi sa isip niya ang isang bahagi ng nakaraan na pinipilit na niyang kalimutan, yun ay ang paghuhubad din ni Jiggo ng tshirt at isinampay sa isang puno. Ipinilig niya ang ulo para pagpagin sa alaala ang imahe ng actor.

Nagulat pa siya ng bigla siyang hawakan ni don Pepe sa kamay at hatakin papunta sa tubig.
"S-sandali po, tatanggalin ko lang ang shades at ang tshirt ko! Wala po akong dalang pamalit pag nabasa ito!"

Ilang saglit pa at para nang aatakehin sa puso ang don dahil sa nadagdag na magandandang tanawin sa Sibang cove.

"Napakaganda mo iha, walang panama ang ganda ng mga tanawin dito kung ikukumpara sa iyo! Napakaswerte ni Edison at napakatanga ni Jiggo."

"Si don Pepe, m-marunong din pala'ng mambola! Sige po, t-tara na sa tubig, haha!" Nagpatiuna na ang dalaga sa dalampasigan.

Para hindi ma-dis appoint ang don ay pumayag din siyang turuan siya nitong lumangoy.
"Bahala na, isipin ko na lang na instructor ko siya. Kung ano man ang gawin at paraan ni don Pepe ay tiyak na ganun din ang gagawin ng ibang instructor kaya sige na lang!"

Matagal nang gusto ni Hannah na matutong lumangoy. Inggit na inggit siya noon sa mga kababata kapag lumalangoy ang mga ito sa malalim pagkatapos nilang maglaba.

Magaling na instructor si don Pepe, na naging professor din pala at swimming instructor ng mga marine engineering students.

Nadagdagan uli ang paghanga ni Hannah sa don. Bigla tuloy niyang naisip na sana si Jiggo na lang ito.

Madilim na nang makabalik sila sa Village.
"Nag enjoy ka ba?"
Tanong ng don nang tabihan siya nito sa sofa.

"Sobra sobra don Pepe! Sa tutuo lang po ay nabitin ako. P-pwede po ba kaming mamasyal dito ng pamilya ko at ni... E-Edison kung sakali?"

O-oo, syempre naman! Bigla ko tuloy naisip ngayon na sana ay ipinasyal ko na kayong mag anak dito noon. Hindi bale, hindi pa naman huli ang lahat! Bueno, maghanda ka na at maaga tayo bukas, magpapahinga na ako."
Nagkunwari ang don na okey lang kahit na ang tutuoy gusto na niyang bumigay.

"M-maraming salamat po sa lahat don Pepe, hinding hindi ko po makakalimutan ang lahat nang ito, h-habang buhay! H-hanggang sa kamatayan ko..."

Napatigil sa paglalakad ang don at biglang pumihit pabalik.
"D-don Pepe?!"

Walang babalang niyakap siya ng don.
"M-mahal kita Hannah, noon pa man. Noong una pa man kitang makita!"

Hindi nakakilos si Hannah, litong lito siya. Nahihiwatigan niya ito sa kilos ng don pero hindi niya inaasahan na gagawin niya ito kaya hindi niya napaghandaan. Hindi niya malaman ngayon kung itutulak niya o hahayaan na lang dahil ayaw niyang saktan ang loob ng matanda. Ayaw niyang saktan o gusto niya rin?

"D-don Pepe, h-hindi po ako makahinga!"
Sa wakas ay nasabi niya sa kawalan ng maisip.

Kumalas ang don at hiyang hiya sa sarili na ibinagsak ang katawan sa sofa sabay sapo sa dibdib. Noong una ay banayad lang ang pagmasahe nito hanggang sa daklutin na niya ang sariling balat habang nakapikit nang mariin na tila nasasaktan.

Naalarma si Hannah.
"Don Pepe? May masakit po ba sa inyo?"
Pero narealized niya agad na mali ang kanyang tanong dahil obvious na nasasaktan nga ito.

Hindi na siya nagdalawang isip na tawagan ang mga katiwala.
"Aling Sidra, mang Berting, halikayo dito!"
Tawag niya habang naghahagilap ng tubig ang mga mata. Mabuti na lang at palaging may handang tubig sa sala. Nagsalin siya sa baso at iniabot sa don na nahuli niyang nagsusubo ng gamot.

"S-salamat..."

Agad namang nagsidating ang mga tinawag.
"Sidra kunin mo ang gamot niya, dali!"

Marahang umiling ang don.
"Tapos na, nakainom na ako, huwag kayong magpanic. Tinatakot niyo si Hannah niyan eh!"

"Don Pepe, may sakit po ba kayo?"
Bakas pa rin ang takot at pag aalala sa mukha ni Hannah.

"Wala ito, normal na ito sa akin. Huwag ka nang mag alala, sige na magpahinga na kayo!"

"Sige po. Tawagin niyo lang po kami kapag may kailangan kayo, hindi po kami matutulog agad!"
Sabi ni mang Berting bago sila lumabas. Naiwang nakatayo si Hannah sa harap ng don.

"Ikaw din Hannah, magpahinga ka na rin at maaga tayo bukas!"
Baling nito sa kanya.

"S-sige po!"
Bantulot na sagot niya saka marahang tumalikod para pumasok sa kuwarto kung saan naroon ang natutulog na anak.

Pero bago pa siya nakalayo ay napalingon siya sa kinauupuan ng don, Malungkot itong nakatingin sa kanya.

Parang hinaplos ang puso ni Hannah sa sobrang awa. Binalikan niya ito at niyakap.
"S-sorry don Pepe, hindi ko gustong saktan ang loob niyo pero nagmahal na kayo ng dalawang beses o higit pa. Pero si... E-Edison ay hindi pa at ayaw niyang magmahal ng iba!"

"Naiintindihan kita at patawarin mo ako kung ginulo ko ang isip mo!"
Sagot ng don.

"Wala po kayong kasalanan. K-kung wala lang si Edison, ma-mamahalin ko kayo!"
Hindi alam ni Hannah kung bakit, pero tutuuo sa loob niya ang sinabi.

Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitWhere stories live. Discover now