Chapter13: The Cash Prize

74 5 0
                                    

Nang wala na sa kuwarto ang kaibigan ay binuksan ni Hannah ang kanyang bag at hinanap ang sobre ng cash prize.
"Huh!?"

Nagtaka siya dahil ang alam niya ay naka sealed ito nang abutin niya mula kay Edison.
"Baka, nabuksan lang sa kakadukot ko ng kung ano ano sa loob ng bag ko, tama!"

Pero lalo siyang nagulat nang mapansing pumuputok ang sobre,parang dumami ang laman.
"Si Jiggo?"

Nanginginig ang mga kamay na inumpisahan niyang bilangin ang laman ng sobre.
Umabot sa 100k ang pera. Biglang sumulak ang dugo sa ulo ng dalaga sa narealized.
"Sinamantala niya habang nagbibihis ako. B-binabayaran niya ng 70k ang nangyari sa amin o para selyuhan ang bunganga ko,hayop siya!"

Tinakbo niya ang kaibigan sa kabilang kwarto at sinabi dito ang natuklasan.
"Anong plano mong gawin ngayon?"

"Hindi ko alam, namamanhid na naman ang utak ko!"

Bakit di mo na lang itago o gamitin, kung tutuusin nga ay kulang pang kabayaran yan sa 'nakuha' niya sa yo, di ba? "

"Hindi ang 'nangyari' sa amin ang prenesyuhan niya ng 70k kundi ang pagmamahal ko sa kanya! Isosoli ko ito!"

"Paano? Pupuntahan mo sa condo niya, sa studio o sa mga show? Pag dadalhin mo naman sa hasyenda, malalaman ni Elena. Wala nang way para makausap mo uli siya nang private, its a once in a lifetime experience lang ang nangyari sa inyo kagabi. At kung sakali man na maulit yung chance na yun at ibalik mo sa kanya yan, yung judgemental niyang yun baka pag isipan ka pa na naliliitan sa 70k at gusto mo lang magpadagdag! "

" T-tama ka! Kung naisip niya na plinano kong makipagkita sa kanya para sirain siya, hindi malayong isipin niyang magpapadagdag ako. Itatabi ko na lang at hintayin ang araw na maisoli ko ito sa kanya nang personal pati ang panyo na ipinahiram niya noon! "

Kinabukasan guest ang Vinggo sa isang morning show para magpakita ng galing sa pagluluto. And in between, isinisingit ng mga host ang pagtatanong tungkol sa mga latest issue o events tungkol sa kanila.

"We Judged a singing contest in his father's hometown in San Pablo city, but he walked out after the award giving. We searched for him the whole night but we couldnt find him any where!"

"I already told you that i was drunked and slept inside my car in the roadside along Sumulong highway in Rizal!"

"Okey okey, i believed you! But what i dont understand is that... Why you left suddenly, right after the contest? Para kang may hinahabol na hindi namin alam!"

"Bakit nga ba Jiggo, may tinatakasan ka ba o hinahabol?"

Hindi agad nakasagot si Jiggo, halatang naiba ang ang aura ng mukha niya.
"O-okey, ganito kasi yun... All my relatives are against me by entering into show business. Before my father died in the hospital he asked me to come home and run the Hasyenda Almazin, pero hindi ko siya sinunod. Instead, i quitted school and start accepting a modelling job in Egypt. When i heard about 'Uncle Tommy's boarding house', nagpaalam ako sa mama ko na bumisita dito. Syempre, lahat sila nagulat nang makita ako sa loob ng boarding house. Since that day na na-evict ako, they started pushing me again to stay in hasyenda and help my cousin Edison to run the business."

"So, inisip mo na habang nandoon kayo ay ita-trap ka ng family mo para itali sa hasyenda, ganun?"
Natatawang tanong ng host.

"Nakuha mo, hahaha!"

Dali-daling pinatay ni Hannah ang tv at nag umpisa nang gumayak para pumasok.
"K-kaya pala..."

Bumalik ang simpatiya niya sa binata at ang pang unawa niya dito.
"Huwag kang mag alala, hindi kita guguluhin at patuloy kitang susuportahan diyan sa pagiging celebrity mo hanggang magsawa ka. At pag sawa ka na sa limelight, harapin mo na ang obligasyon mo sa hasyenda!"

Idineposito ni Hannah sa time deposit ang 100k sa bangko,  At naging motivation ito sa kanya na mag impok pang lalo.

Binawasan niya ang paglabas labas, at paggasta ng mga hindi importanteng bagay para hindi mabawasan ang ipinapadala niya sa mga magulang at mga kapatid sa Laguna.

Dalawang buwan ang lumipas nang may mapansin si Barbie sa kaibigan.
"Nangangayayat ka, humpak ang pisngi mo o!"

"Di nga? Masikip naman ang mga pants ko eh, gawa lang siguro ng insomnia ko kaya haggard ang face ko lately."

Minsan naman ay tamilmil itong kumain.
"Ano ka ba Hannah, nanghahawa ka sa ginagawa mo, iikotin mo na lang ba ng iikotin yang spaghetti sa tinidor mo? Pati ako nawawalan din ng gana sa yo eh!"

"Ewan ko ba? Parang nangangalay ang panga kong kumain, nakakatamad. Parang may hinahanap ang ngala-ngala ko na pagkain pero di ko matukoy kung ano!"

Napatitig sa kanya si Barbie.
"What? Kung makatingin ka parang may kasalanan ako sa yo e!"

"Kailan ang huling menstration mo?"

"Ano ka ob? Hindi po ako nagpunta dito para magpa check up dok, naghahanap lang po ako ng pagkain na makakapagpa-balik ng appetite ko!"

Tinampal ni Barbie ang mesa na ikinagulantang ni Hannah.
"Sagutin mo lang ang tanong ko pwede?"

"Nakakagulat ka naman tiyang, makukunan ako sa yo... Oh my God!"

"Huh, eh di natauhan ka? Joke pa more!"

"H-hindi ko napansin, k-kasi irregular naman talaga ang mens ko eh!"
Nanginginig na ang buong katawan ni Hannah at parang sasabog ang ulo niya sa biglang pagkirot.

"So, kelan nga ang huli?"

"N-noong gabi gabing nagpa-practice  tayo sa videokehan dun sa kanto!"

Nagbilang sa dalire si Barbie.
"Ibig sabihin, two weeks before may nangyari sa inyo ni Jiggo. Which is according to my mother, obviolation period yun. Which means, fertile ka nang gabing yun!"

Napasubsob sa mesang kainan si Hannah at umiyak nang umiyak kaya nilapitan siya ni Barbie at niyakap para pagaanin ang loob.
" T-tahan na, hindi pa naman sure eh! Tara sa pharmacy, bibili tayo ng pt kit."

Nag angat ng mukha si Hannah at tila nagpapaunawang tumingin sa kaibigan.
"K-kung tutuong buntis ako, gusto kong buhayin siya besh!"

"Pero, paano mo ipaliliwanag sa inyo?"

"Bahala na...S-siya na lang ang meron ako kapag nagkataon kahit itakwil ako sa amin!"

Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitWhere stories live. Discover now