Chapter 53: Mahal Na Ni Elena Sina Hannah At EJay

73 7 2
                                    

Kinabukasan at pangalawang araw na ng mag inang Hannah at EJay sa mansion na'ng tumawag si Edison via simcard, Si Elena ang kausap.
"Son, please come home, we have a very big surprise for you!"

"Really mom? Wow, im excited to see what you've got for me, but im afraid i can't come home yet!"

"Why?"
Parang batang nagmaktol sa dis appointment si Elena dahil sa sagot ng anak.

"Mommy, i didn't even go anywhere yet! Two weeks pa lang ako dito, you think that's enough for the break that im asking?"

"Son, i don't think you still need a break with what we have here bewaiting for you!"

"Patience mom, and thank you for trying. Though, i bet it's not more than what i got for all of you, specially for you!"
Kinabahan si Elena, parang kinutuban siya sa sinabi ng anak. Napatingin siya kay Hannah na nilalaro sa crib si EJay pero halata'ng nakikinig.

"Ah, o-okey, we'll see who's surprise is the most intense or interesting, we just have to wait then!"

Pagkababa ng telepono, ay tila nanghihina'ng humingalay sa sofa si Elena habang nakatingin sa mag ina. Kung magkataon na tutuo ang kutob niya, hindi niya mapapatawad ang sarili.

Tumingin din sa kanya si Hannah nang nakangiti, hindi nagsalita pero nagtatanong ang mga mata.

"N-nag eenjoy pa daw siya sa Madrid. H-hayaan na muna natin, he deserved to have a rest, masyado siyang naging workaholic eh!"

Lalong napangiti si Hannah na lalong nagpakislap sa mabilog at may kalakihang mga mata at nagpalitaw sa mapuputi at pantay pantay na mga ngipin. Parang namalikmata si Elena, noon lang niya napagmasdang mabuti ang inosente at mala anghel na kagandahan nito na marahil ay siyang bumihag sa damdamin ng anak.

"T-tama po kayo, kailangan niyang ipahinga sandali ang isip niya para ma-recharged. Ang dami dami kasi niyang iniisip at ginagawa!"
Napatingin sa kanya ang lahat.

"S-sorry po, h-hindi ako dapat nag comment. Patawad po..."
Napayuko siya sa sobrang hiya.

"Why are you saying sorry? There's nothing wrong with your comment, tama ka iha! Kailangan ni Edison na ma- unwind ang isip niya, mag release ng pressure, lalo na at malapit na siyang humarap sa panibagong estado ng buhay!"
Si donya Soledad .

"Mama is right, there's nothing to be sorry iha, relax we're not mad at you!"
Si Fernan.

Samantalang tuloy lang sa pagtitig sa kanya si Elena na parang mini-memorize ang kabuo-an niya mula ulo hanggang paa. Ang buhok, ang balat, ang hubog ng mga binti, braso at mga daliri. Sino bang magsasabi na anak lamang ito ng dati nilang obrero eh mas mukhang prinsesa pa ito kay Lianne kung tutuusin?

"Do you know how to cook iha?"
Hindi nakatiis na tanong niya, paraan lamang para malaman niya kung tumutulong o gumagawa ba ito ng gawaing bahay dahil sa sobrang kinis na hindi karaniwan sa mahirap o ordinaryong mamamayan na tulad nila

"O-opo! Lahat po ng gawaing bahay ay alam ko. Paborito po ni E-Edison ang luto kong okoy na hipon at paksiw na isda!"
Kiming sagot niya na ipinapalipat lipat ang tingin sa lahat na nakatingin din sa kanya.

"Really?"
Namamanghang tanong ni Elena.
"I want to taste it too, can you cook for us please?"

"P-po? S-sure, sige po!"
Dinampot niya ang baby carrier at anyong ikakabit sa katawan nang pigilan siya ni Fernan.

"No need to do that, ako ang magbabantay sa apo ko!"
Kinuha niya sa mga kamay ni Hannah si EJay at isinayaw sayaw.

"In fairness brod, bagay pa rin sa iyo ang maging daddy, haha!"

Hindi pinansin ni Fernan ang papuri ni Elena, masyado siyang naka focus sa sanggol na hawak.
"Ang sarap nga pala'ng maging lolo, haha!"

Iniwan na ni Hannah ang mga Almazin at tumungo sa kusina para maghanap ng lulutuin.

Tinulungan siya ng mga katulong sa paghahanda at bago pa umiyak sa gutom si EJay ay handa na ang mga menu niya.

"R-ready na po ang l-lunch!"
Bungad niya sa mga ito na nagkakatuwaan pa rin sa pagpapangiti at pakikipag selfie sa anak ni Jiggo.

"He's so handsome, ako naman, kunan mo kami while sitting here!"

"Hurry, dahil pupunta kami sa garden!"

Inulit ni Hannah ang announcement niya kanina na mukhang walang nakarinig sa sobrang hina.
"R-ready na po ang lunch!"

Napalingon sa kanya ang lahat at sabay sabay na suminghot sa hangin.
"Ummmm!"

"Smells delicious!"
Si donya Soledad

"I'm starving!"
Si Fernan

"Smells salivating!"
Si don Felipe

"Then what are we waiting for? Let's taste it out!"
Nakangiting aya ni Elena sa mga kasama.

"Tama, kakain muna ako bago pumunta sa rancho, lets go!"
Sabi ni Fernan habang ibinibigay kay Hannah ang apo.

Sa dining area, sa dami nang pagkaing nakahain tulad ng lobster, beefsteak, chicken cordon, kare kare at chopsuey ay ang pinatuyong paksiw na bangus na may toppings na ampalaya, talong at okra at okoy na hipon ang sabay sabay na nilantakan nila.

"Its perfect, how did you do this?"
Nakangiting tanong ni Fernan habang naghihiwa ng okoy.

"The fish also, first time kong kumain nito, masarap pala!"
Si donya Soledad, habang tahimik lang sa pagkain ng ampalaya at okra si don Felipe, na kahit hindi mag comment ay halatang nag eenjoy sa pagkain.

Ang belly naman ng bangus ang sinusungkit ni Elena na ginaya niya kay Hannah.
"It's really something else, so delicious. Will you please teach our cook to prepare these recipes?"

"M-marunong din po sila, hindi lang nila alam na magugustuhan niyo!"
Nakangiti ngunit kiming sagot ni Hannah.

At sa mag iisang linggong pag stay nina Hannah at EJay sa mansion ay napamahal na sila sa mga Almazin. Wala nang problema, wala nang hadlang kung tuluyan na siyang titira doon.

Pero handa na rin ba siyang ibigay ang puso niya kay Edison?
"I think yes, kaya ko na siyang mahalin at pipilitin kong kalimutan na si Jiggo, tutal hindi naman siya titira dito or hihikayatin ko si Edison na tumira kami sa ibang bahay!"

Ano nga kaya ang dalang surpresa ni Edison, ikatuwa kaya niya ang presence ng mag ina sa mansion?

Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitWhere stories live. Discover now