Chapter 52: Preparing For A Big Surprise

64 6 0
                                    

"Lilipat na lang ako kay Lili!"
Dinukot niya sa bag ang celphone at nang da-dial na siya kay don Pepe ay nagbago siya ng isip.

"Hindi pa pala ako handa'ng makipag usap sa kanya."
Bumalik sa isip niya ang huling pag uusap nila ng don.

    *******Flash back*******

"K-kung wala lang si... E-Edison, m-mamahalin kita don Pepe!"

"K-kung ganun, t-tinatanggap ko na ang kabiguan ko, dahil alam kong hindi ka isusuko ni Edison, hinding hindi ka niya kayang kalimutan kahit saang sulok pa siya ng mundo magpalipas ng sama ng loob. Dahil nararamdaman ko kung ano ang nararamdaman niya!"

"Sorry talaga don Pepe, hindi ko sinasadyang saktan ka!"

"Alam ko iha, alam ko, kaya hindi mo kailangang mag-sorry! Sapat na sa akin na malamang kaya mo rin akong mahalin kung sakaling walang nakapagitan sa atin."

Hindi na sila nagkausap mula noon kahit noong bumibiyahe sila, maliban sa mga importanteng short conversation.

*****End of Flashback *****

"Kukunin ko lang po ang number ng clinic ni doc Cyr para ma-check ko kung kelan siya duty!"
Sabi niya sa nurse ni doc Cyrille at binigyan naman agad siya.

Pagkasakay ng kotse ay sinabi niya sa driver ni Elena na didiretso na sila sa San Pablo. Yun ang dahilan kaya hindi siya nagpasama kay aling Miling, para hindi na dadaan pa sa kanila.

Tuwang tuwa ang mga tao sa mansion nang dumating sila, maging si Elena ay di na kababakasan ni katiting na pagka-disgusto.

"Akina ang apo ko, na miss ko yan eh! Saan ka ba galing at tila nangitim ka?"
Si don Felipe.

"Oo nga Hannah , saan mo ba dinala ang little Edison  namin?"
Sabat din ni donya Soledad.
Napatingin si Hannah kay Elena, nagtatanong ang mga mata kung dapat ba niyang sagutin ng tutuo ang tanong.

"A-eh, umuwe po pala sila ng probinsiya para makapag isip si Hannah, kaya ayun..."

"So, anong disisyon mo iha, Papayag ka na bang magpakasal kay Edison pag uwi niya?"
Si Fernan ang nagtanong.

Tumango muna si Hannah bago sumagot ng mahinang 'opo'. Kapansin pansin ang pagbabago ng expression ng mukha ni Fernan, para siyang nalito.
"G-good, hopefully..."

"What do you mean by 'hopefully' brother?"
Hindi nakaligtas sa matalas na pakiramdam ni Elena ang reaction ng kakambal.

"I mean...hopefully hindi na sila magkagalit at tuloy tuloy na ang kasal!"
Sagot ni Fernan

"Speaking of kasal, sino sa dalawa ang mauuna?"
Naalalang tanong ni don Felipe tungkol sa dalawang apo.

"Para sa akin, dapat mauna na kung sino yung mas may pananagutan, at si Edison yun. Kung ako lang ang masusunod, dapat, magpakasal na muna sila bago binyagan si EJay!"
Sabat ni donya Soledad.

"I agree with mama!"
Walang halong ka-plastikan na sang-ayon ni Elena.

Hindi naman maintindihan ni Hannah ang damdamin. Masaya siya sa nakikitang totohanang pagtanggap sa kanila ni Elena, pero natatakot din siya at the same time dahil hindi niya alam kung kaya na nga ba niyang mahalin si Edison, totally. Paano kung Pagdating ng binata ay hindi pa rin pala niya kaya? Ayaw na niyang makapanakit uli dahil alam niya ang pakiramdam ng nasasaktan, dahil at the moment ay nararamdaman niya iyon, ramdam na ramdam niya pa rin ang sakit na tuluyan na ngang magpakasal sa iba ang tunay na ama ng kanyang anak at lalaking pinagbigyan niya ng kanyang puso sapol sa kanyang pagka bata.

"Baka gusto mong magpahinga Hannah? Naisip kong sa room ni Edison na kayo matulog ni Ejay para lalo siyang masorpresa, haha!"

"N-naku, huwag po, b-baka..."

"Ow, come on Hannah, ngayon ka pa ba mag aalala sa mangyayari? Nabuo niyo na nga si EJay di ba?"
May kasamang sarcasm ang tanong ni Elena.

Napayuko sa pagka-pahiya si Hannah.

"Elena?!"
Saway ni Fernan sa kapatid.

"I'm sorry, i didn't mean to embarrassed you, i just want this surprise to be more dramatic, okey? Wala namang mangyayari kung hindi mo papayagan Hannah, kaya tara na, i will personally take you to his room!"

Walang nagawa si Hannah kundi sumunod sa ina ni Edison.
" Excuse me po! "
Yumukod siya sa mga maiiwan sa sala.

"Go ahead iha, dadalhin na lang namin sa iyo si EJay kapag umiyak!"
Sagot ni donya Soledad na siyang may karga sa sanggol.

Pinagmasdang mabuti ni don Felipe ang bata habang hinahagkan ang mga kamay nito.
"Bakit ang tingin ko ay mas kamukha ni Jiggo si EJay kaysa kay Edison? Lalo na ang mga mata na parang may eyeliner!"

"I agree with you papa, yun din ang napansin ko kanina nang una ko siya'ng makita!"
Sabi din ni Fernan.

"What's wrong with you two? Kataka taka ba eh magkamukha at magpinsang buo ang dalawa at kambal ang mga magulang nila?"
Napatango sa pagsang ayon ang mag ama.

Sa itaas, nakangiting binuksan ni Elena ang pinto ng Kuwarto ni Edison.
"Here we are! I can't imagine how my son would react when he comes home and found his own son and you lying here, in his bed!"

Sa halip na ma-excite ay kinilabutan si Hannah sa sinabi ni Elena. Bakit ganun,pakiramdam niya ay parang mas carry niya pang yakapin siya ni don Pepe?

"Bueno, iwan na kita dito para makapagpahinga ka,okey?"

"T-thank you po, t-tita!"
Naiilang na Sagot ni Hannah sa ina ni Edison. Nang wala na ito ay iginala ni Hannah ang tingin sa kabuo-an ng kuwarto. Mas malaki ito ng konti sa Kuwarto ni Jiggo at mas maraming gamit. Well, hindi naman kataka taka dahil hindi pumipirmi sa mansion si Jiggo di tulad ni Edison na walang ibang permanenting tirahan maliban sa private suit niya sa Al-Tor lux hotel sa Quezon City.

Natawag ang pansin niya sa helera ng mga picture frames na nasa ibabaw ng mesa na nagsisilbing study table ni Edison kapag tinatamad siyang pumunta sa study room o library. Umupo siya sa swivel chair at isa isang tiningnan ang mga ito. Lahat nang iyon ay kundi solo niya ay magkasama sila. Pinaka tampok at pinaka malaki ang printed picture nila sa restaurant na halatang kinopya ng binata sa YouTube dahil may mga caption pa.

May mga album din siyang nakita at nalusaw ang puso niya nang makita ang sarili niya sa loob niyon noong mga bata pa sila.
"Oh, Edison!"

Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum