Chapter 15: Jiggo Hunting

74 6 0
                                    

Naging maayos ang pagbubuntis ni Hannah dahil hindi na niya ito kailangang itago. Kaya pati ang mga ka-trabaho niya ay ini-spoil siya sa pagdadala ng kung ano anong prutas.

"Itong green apple ang kainin mo, para lalong maging makinis ang baby mo paglabas!"

"Huwag mong kakainin ang binibigay ni Edmon, baka maging kamukha niya ang baby mo, kawawa naman!"

"At sinong gusto mong magdala ng kakainin niya, si Jiggo Almazin para yun ang maging kamukha ng baby, ganun?"

Sabay na napaubo ang magkaibigang Barbie at Hannah sa sinabi ng office mate ng huli na si Edmon.

Nasa Canteen sila nang mga oras na yun kaya kasama nila si Barbie na taga kabilang department
"Huwag na kayong magtaka kung maging kamukha nga ni Jiggo ang magiging baby ni Hannah dahil si Jiggo ang. .."

"Besh?!"
Namumutlang pigil ni Hannah sa sasabihin ng kaibigan.

"Pinaglilihihan. Halos 50 times na yata niyang pinanood sa cd yung latest movie ng Vinggo eh. Pati mga commercials ni Jiggo, hindi pinalalampas. Pagpasok mo sa room niya, puro poster nito ang nakadikit sa dingding!"

Nakahinga nang maluwag si Hannah, buong akala niya ay ilalaglag na siya ng kaibigan, kaya pasimple niya itong kinurot.

Samantala, mula nang manggaling sa san Pablo ang Vinggo ay napapabalita na ang laging pagtatalo di umano ng dalawang Stars. Ang dahilan ay ang tila laging pagkawala ni Jiggo sa sarili at ang paulit ulit niyang pag alis nang walang paalam at parang nagtatago.

Bali balita din na may sekretong lugar itong pinupuntahan na hindi alam ni Alvina at ng media dahil mahigpit umano itong itinatago ng binata sa lahat.

Naalala ni Hannah ang gabing dinala siya ni Jiggo sa pad na yun.
"B-baka may makakita sa atin dito!"

"No one will see us, mag isa lang ako dito at walang nakakaalam sa place na ito kahit ang PA at manager ko, ikaw pa lang..."

Natatandaan ni Hannah ang lugar na yun sa Binangonan. Kaya niyang puntahan kung service vehicle ang gamit dahil hindi niya alam kung ano ang sasakyan papunta doon.

"Ano kaya't magbakasakali akong huntingin siya doon para sabihing buntis ako at isosoli ko na rin ang pera at panyo niya!"

Isang araw nga ay kinausap ni Hannah si Barbie.
"Besh, pakisabi sa bahay na hindi muna ako uuwe ngayon, nahihilo kasi ako sa biyahe eh! Next week na lang kamo para sakto sa sahod."

"Sige pero, mag iingat ka dito ha? Huwag kang lalabas tutal kompleto pa naman ang mga stocks natin. Kumain ka ng maayos, okey?"

"Yes dok!"
Pabirong sagot niya.

"Yes dok ka diyan! Kundi ko lang nami-miss yung pamilya ko, sasamahan na lang kita ngayon eh!"

"Naku naku, huwag na, hindi ako maaano dito, okey? Ikumusta mo na lang din ako sa kanila!"

Maghapong hindi mapalagay sa trabaho si Hannah, may chismis na naman kasi'ng kumakalat na hindi umano sinipot ni Jiggo ang commitment nila'ng mall tour kahapon at hangga'ng sa kasalukuyan ay wala'ng makuha'ng paliwanag mula sa kampo ng binata.
" Malakas ang kutob kong andun siya ngayon."

Kinahapunan, umuwe lang siya sandali sa boarding house para magshower at magpalit ng damit at saka nagmamadali'ng lumabas. Mula Lrt, sumakay siya ng jeep hangga'ng Antipolo Bayan. Saka siya sumakay ng taxi papunta sa lugar na natatandaan niya.

"Ituro niyo na lang po ang daan maam!"

"Sige kuya, ikaliwa niyo po! Sana lang ay hindi istrikto ang security nila dito!"

Himala nama'ng hindi sila pinansin ng security pagdating nila sa gate.
"B-bakit hindi tayo sinita ng mga guard kuya?"

"May sticker po kasi nila ang taxi ko maam, pwede ako maglabas masok dito ano mang oras. Kung sa iba'ng lugar kayo kumuha ng taxi, sigurado'ng tatanungin kayo dahil tiyak na wala'ng sticker yun!"
Nagmamalaki'ng sagot ng driver.

"Ah ganun ba? Ay saan na ba yun lumagpas yata tayo kuya!"

"Sige po maam, iikot ko na lang po kasi baka pag isipan tayo ng masama ng roving security pag aatras ako!"

Umikot nga ito pabalik saka pumasok sa kalye'ng itinuro ni Hannah.
"Saan na nga ba yun? Nasa banda'ng gitna yun eh! Bakit kasi di ko man lang naisip na kunin ang house number? Pero maiisip ko pa ba yun nung mga oras na yun? Dahan dahan lang po kuya! "

"Sino po ba'ng sadya niyo dito at mukha'ng di niyo kabisado ang bahay?"

"Eh, isa'ng beses pa la'ng kasi ako'ng dinala ng boyfriend ko dito at naka-kotse kami kaya di ko gaano natandaan. May LQ kasi kami ngayon kaya balak ko siya'ng sorpresahin, para alam mo na, makipagbati! "

"Ah, ganun po pala?"

"Parang ito yun! K-kuya, dito na la'ng po!"

Hindi pa rin siya sigurado pero nag-aalala siya sa mga tingin sa kanya ng driver. Kaya lalakarin na lang niya ang paghahanap tutal aniya ay marami'ng dumadaa'ng tricycle.

Lalayo na sana siya na'ng mapansin ang isa'ng medyo bukas na gate.
" P-parang ito yata!"
Lakas loob na itinulak niya ito at dahan daha'ng isinara pabalik.

Haba'ng pumapasok siya sa loob ay nagiging familiar ang lugar sa kanya.
"Oh my God, ito na nga yun! Ayun ang kotse niya, thank you lord."

Sinubukan niyang pihitin ang doorknob ng main door, bumukas ito.
Kakaba-kaba'ng naglakad papunta sa kuwarto'ng nilabasan niya nang gabing iyon.
"Anong ginagawa mo dito, may kasama ka ba'ng iba'ng babae? Magagalit ka ba pag nakita mo ako? Bahala na, ang importante ay magkita at magkausap tayo uli!"

Bukas na'ng bahagya ang kuwarto kaya sumilip muna siya at halos magbara ang puso niya sa lalamunan na'ng makita ang lalaking nakahiga sa kama.
" Ji... Jiggo! "

Maingat niya'ng nilapitan ang nakahiga. Tulog na tulog ito kaya malaya niya'ng napagmasdan ang guwapo ngunit malungkot nito'ng mukha.

"J-Jiggo!"

"Uhmmm!"
Pumihit sa pagkakahiga si Jiggo na para'ng nananaginip. Hindi napigilan ni Hannah ang sarili na hawakan ang mukha nito pero bigla din niya'ng nabawi ang kamay.

"Oh my God, ang init mo!"
Tumingin siya sa paligid, nagkalat ang mga bote ng beer at chips sa sahig

Patakbong hinanap ang kitchen para maghagilap ng mga kailangan saka bumalik sa kuwarto.
Hinubaran niya ito ng sapatos at pantalon saka pinunasan ng malamig na tubig ang mukha, leeg, mga kamay at paa.

Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitWhere stories live. Discover now