Chapter 69: Inatake Si Don Pepe

63 7 0
                                    

Madilim na nang bumalik sa village ang lovebirds dahil halos nagalugad na nila ang lahat ng beach, kuweba at magagandang tanawin sa isla Calayan at sa mga karatig na isla.
"Hello EJay, hindi mo ba pinahirapan si aling Sidra maghapon?"

Nag 'coo' si EJay, parang sinasagot ang ina na good boy siya maghapon.
"Ang bait na bata, ang sarap alagaan!"

Pagkatapos nilang mag dinner ay tumawag sa phone si don Pepe.
"Yes attorney,hindi ko na ipagpapabukas ito at baka mamatay na ako ngayong gabi sa sobrang kaligayahan. Pakinggan mong mabuti ang sasabihin ko..."

"Hahaha! sige, nakikinig ako mate!"

Pagkatapos nang pag uusap na yun ay parang lumulutang sa hangin sa sobrang saya si don Pepe, napaka gaan ng pakiramdam niya.
"Ano mang oras akong mawala, ay hindi na maghihirap muli ang mahal ko sampu ng pamilya niya, at nakakasiguro din ako na maiiwan sa mabubuting kamay ang hasyenda dahil sanay sa bukid ang mamamahala!"

Nasa ganun siyang pagmumuni muni nang kumatok sa pinto si Hannah.
"O mahal ko, bakit gising ka pa? Darating bukas nang maaga ang wedding coordinator natin at ang best friend mo,gusto mo bang datnan ka niyang haggard dito? Siguro nami-miss mo ang halik ko ano?"

"Ikaw talaga, napaka advance mong mag isip! Gusto ko lang siguruhin kung nakainom ka na ng gamot mo, sabi ko naman sa iyo na aalagaan kita di ba?"

"Tapos na po, kanina pa right after dinner. Halika nga dito, lalo mo akong sinasabik sa ginagawa mo eh!"
Lumapit si Hannah at pinagbigyan niya ito nang halikan siya sa mga labi. Kahit kulang ng karanasan si Hannah, alam niyang good kisser ang don, mabango ang hininga nito na parang alak na nakakalasing,dahil siguro buo pa ang mga ngipin .
"Ohh, Jiggo!"

Kaya naman naeenjoy niya din at madalas siyang natatangay, pero hindi pa sila humahantong sa sukdulan.
"Opps tama na, pagkatapos na ng kasal natin yung iba!"

"Nadaya na naman ako ng mandaraya!"

"Matulog ka na, muaah!"
Marahang hinila ni Hannah ang dahon ng pinto pasara nang lumabas siya.

Nang nasa sariling Kuwarto na siya nasalat niya ang labing katatapos lang angkinin ni don Pepe.
"Bakit ba hindi ko maiwasang isipin ka tuwing hahalikan niya ako? Hindi na dapat dahil unfair sa kanya! Malapit ka na ring ikasal at nakokonsensiya ako para kay Alvina na kahit sa isip ay inaagaw kita. Mas unfair sa kanya dahil wala siyang alam sa nakaraan natin, kaya please Jiggo, palayain mo na ang isip ko sa yo, bitiwan mo na ang puso ko!"
Napahikbi siya sa naisip. Kasi kung hindi lang sana unfair sa mga respective partners nila, hahayaan na lang sana niyang manahan si Jiggo sa puso at isip niya habang buhay.

"Kaso, unfair nga! Tama na, tahimik na ang buhay ko, tahimik na rin ang buhay mo at ni Edison, wala nang dahilan para magtagpo tagpo pa ang mga landas natin. "
Sabi niya habang pumipikit, wala siyang kamalay malay na bukas pag gising niya gugulo na naman ang isip, puso ang buong buhay niya.

Kinabukasan ginising siya nang mga nanlalamig na kamay, bumalikwas siya ng bangon.

"Hannah!"
Ang namumutlang si Barbie ang namulatan niyang nakaupo sa gilid ng kama.

"Tinakot mo ako, akala ko minumulto na ako ng asawa ni Pepe eh!"
Sapo niya ang kamay sa tapat ng dibdib.

"Kararating ko lang, naunahan ako ng mga Almazin. A-at si don Pepe..."
Humihingal sa pagsasalita si Barbie dahil sa tense.

"Si Pepe!"
Patalon na bumaba sa kama si Hannah diretso sa kuwarto ng don.

Sinundan siya ni Barbie.
"Naisakay na sa boat, hindi ka na hinintay na magising dahil emergency, nagsikip ang dibdib niya nang magtalo sila ni doc Cyrille kasama ni Jiggo!"

Napamaang si Hannah, anong kinalaman ni Cyrille sa kanila at bakit siya sumama sa isla?

"A-Anong lagay ni Pepe? S- Sinong kasama sa boat? Nasaan si Cyrille, Bakit siya nagpunta dito at makipagtalo kay..."
Siya rin ang nakaisip ng sagot sa sariling mga tanong.

"S-si L-Lili... S-si Cyrille?"
Marahang tumango si Barbie habang medyo nakangiwe. Napatakip sa bibig si Hannah, para siyang mahihimatay sa biglang pagsakit ng ulo dahil sa mga rebelasyong ipina-almusal sa kanya ng umagang yun.

"Kasama ni don Pepe sina mang Berting at ang mag asawang Cyrille at Edison. Nasa baba sina Jiggo at ang parents niya kinakarga si EJay!"

Napaluhod sa sahig si Hannah, pakiramdam niya ay naluno ang dalawang tuhod niya pati ang dalawang braso ay lumaylay, unti unti siyang humiga sa sahig hanggang sa tuluyan na siyang higupin ng kadiliman.

"Hannah, anong nangyayari sa yo?"

"Hannah, what's happening, Hannah, wake up!"
Yun ang mga huling salitang narinig niya hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay.

Naiiyak na binuhat ni Edison si Hannah at ibinalik ito sa kuwartong pinanggalingan.
"My love, wake up please? Give us a chance to talk!"

Gusto mang kiligin ni Barbie sa reaction at itinawag ni Jiggo sa kaibigan ay di na niya magawa sa sobrang pag aalala.

"Give me some ammonia or anything with a strong scent!"
Utos ni Nancy kay Sidra pero alam nitong wala silang ganun sa villa.

"T-tatawagan ko na lang po si doctor Ortiz!"
Sabi niya at hindi na naghintay ng sagot at agad na nagdial.

Mabilis namang rumesponde si doctor Ortiz at pinagyaman siya.
"How is she doc, bakit siya nag faint?"
Tanong ni Jiggo, sila na lang ni Barbie ang kasama ng doktor sa kuwarto.

"Sobrang tensed at fear pero okey na siya, nothing to worry about. Maya maya lang ay babalik na ang malay niya!"

Ang hindi nila alam ay may malay na uli si Hannah pero hindi siya nagmulat ng mga hanggang sa makaalis ang doktor para makaiwas kay Jiggo,dahil para sa kanya ay wala silang dapat pag usapan.

"Bakit hindi pa siya gumigising? I'm so worried about her!"
Kumulo ang dugo ni Hannah sa narinig, kailan pa nagkaroon ng concern sa kanya ang taong ito sa dami ng hirap ng loob at pagdurusang pinagdaanan niya?

"Please call my mother!"
Gustong pigilan ni Hannah ang kaibigan na umalis at iwanan siyang mag isa sa kuwarto na kasama ang lalaking ito.
"Huwag besh"


Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin