Chapter 29: Barbie And Garry's Wedding Day

70 5 0
                                    

Isang linggo bago manganak si Hanna ay idinaos ang kasal nina Barbie at Garry dahil malapit na'ng matapos ang tatlong buwan na bakasyon ng huli at nais niyang mabuo kahit man lang isang linggo ang honeymoon nila sa Boracay. Sa bahay lang nila ginanap ang reception para makadalo ang mga ka-Baranggay.

Kahit hirap na hirap ay sinikap ni Hannah na makadalo sa kasal ng tangi at nag iisang kaibigan nito. Binigyan pa siya ng pagkakataon na makapagbigay ng mensahe sa reception.
"Seven years ago na'ng dumating sa akin ang tinatawag na 'Blessing in disguise' dahil kahit sinama'ng palad kami na mapaalis sa dati naming lugar ay nakilala kita at sa iyo ko naranasan ang magkaroon ng tinatawag na best friend. Isang taong naging karamay ko sa loob ng mahigit pitong taon. Nang magtapos tayo ng pag aaral at pinalad na mapasok sa trabaho sa iisang kompanya ay dinaig pa natin ang mag asawa dahil halos 24 hours na tayong magkasama. Lagi kang nariyan para sa akin, tumutulong, nakaalalay kahit pa ang pinakamamahal mong si Garry ay willing ka'ng ipahiram sa akin,haha!"

Bahagyang tumigil si Hannah para payapain ang pamimikig ng lalamunan habang naluluhang nakatingin lang sa kanya si Barbie. Pinisil naman ni Edison ang kamay niya na envited din sa kasal para lalong ipamukha sa mga tao na siya talaga ang responsable sa kalagayan niya.

"Mabuti na nga lang at pareho tayong straight na babae, dahil kung hindi ay ako sana ang ikinasal sa yo at hindi si Garry, haha! At dahil diyan, kailangan na nating maghiwalay. Anyways, maraming maraming salamat besh, hindi ako magsasawang magpasalamat sa iyo at kay Garry na rin sa pakikisama sa mga kalokohan natin. Congratulations sa inyong dalawa at sana, biyayaan kayo ng anim na set ng twins o triplets. Cheeers! "
Sabay angat ng baso niya at sabay sabay din na nag angat ng baso ang lahat. 'CHEERS!'

Habang kumakain ay nagkaroon ng lakas ng loob si Hannah na itanong sa binata ang matagal na niyang gustong itanong dito.
"H-hindi ba kayo nagkikita ni... ng pinsan mo?"

"You mean, Jiggo?"

"Siya lang naman ang pinsan mo di ba?"

"No, i have a lot sa father's side,haha! Well, about Jiggo, the last time i saw him was when he was at the hospital with that typhoid thing, like the one that hits you! Why? "
Bigla tuloy nagsisi si Hannah kung bakit naitanong pa niya ang bagay na yun, baka kung saan pa mapunta ang usapan at maipagkanulo niya ang sarili.

"W-wala naman, g-gusto ko lang malaman kung a-anong reaction niya. K-kasi di ba dati parang iritado siya kapag lumalapit at nakikipag usap ka sa akin at since viral ang mga kuha natin sa restaurant noon, imposibleng hindi nakarating sa kanila ng mommy mo at hindi sila nag comment ng negative tungkol sa a-atin! "

Dumilim ang mukha ng binata, patunay na tutuo ang mga sinabi ni Hannah.
"Dont mind them, hindi naman sila ang pakikisamahan mo kung sakali eh! Kung... sakali lang, haha!"

Hindi satisfied sa sagot ni Edison si Hannah. Gusto sana niya'ng malaman ang eksaktong reaction ni Jiggo tungkol sa pagbubuntis niya at kung hindi ba ito nagdududa kung sino ang ama ng dinadala niya.
"Hi-hindi ka ba nila pinagbabawalan na p-panindigan ako, n-na-convinced mo ba sila na i-kaw nga ang..."

"Im not a kid anymore, infact i am the one running the 70% total of the family business kaya hinding hindi nila ako pwedeng diktahan kung ano ang gagawin at hindi ko pwedeng gawin, kaya relax, okey?"

Hindi na nagpumilit pa si Hannah dahil baka magduda na si Edison pag kulitin niya ito ng tungkol sa reaction ng pinsan.
"O-okey! "

Hindi rin nakaligtas sa kantiyaw ng mga taga baranggay si aling Miling na naroon din para tumulong sa pag aasikaso sa mga bisita, bagay na nakasanayan na niya kapag may mga ikinakasal sa lugar nila.
"Kailan naman kaya kami makakahigop ng mamantikang sabaw sa inyo aling Miling, wala pa bang plano sina Hannah at ang superyaman  mo'ng mamanugangin?"

Umiling si aling Miling.
"Hindi na namin saklaw ang disisyon ng anak namin dahil siya lang naman ang hinihintay ni sir Edison kung kailan siya papayag na magpakasal!"

"Ibang klase din naman si Hannah ano? Kung naibang babae pa yan ay magkakandakumahog na sa pagpayag. Aba'y buntis na't lahat eh siya pa ang tumatanggi'ng panagutan ng isang napakaguwapo at napakayaman na lalaki!"

"Hindi ko naman po masisisi si Hannah, dahil nga medyo magkasalungat ang ugali nina Edison at ang mommy niya. Ayaw ni Hannah na guluhin uli kami nun, sapat na sa amin na paninindigan niya ang bata, yun lang ang importante!"
Gusto sana'ng idugtong ng ina ni Hannah na para hindi sinasabing 'putok sa buho' ang magiging apo niya.

"Eh, kung ayaw naman pala niya na guluhin uli kayo ni senyora Elena, bakit siya nakipagrelasyon kay sir Edison at kung kelan nabuntis, saka siya nakipagkalas at tumatangging magpakasal? Ang gulo yata!"

"Huwag niyo na po'ng guluhin ang utak niyo aling Ebyang, ang mahalaga ay naiintindihan namin si Hannah at matiyaga naman sa panunuyo at paghihintay si Edison kaya bahala na sila, nasa tamang edad na'ng pareho, alam na nila ang tama at mali!"
Pagkasabi nun ay tinalikuran na ni aling Miling ang kapitbahay na usisera at nilapitan sina Hannah at Edison para magpaalam na mauuna na'ng umuwe.

"Ihahatid ko po kayo ng sasakyan, mukhang marami rami kayo'ng dala, mabibigatan po kayo!"
Alok ni Edison habang nakatingin sa mga plastic bag na nasa magkabilang kamay ng ina ni Hannah.

"Eh, ito kasing si kapitana ang mapilit eh, hehe! Para daw makatikim din ng handa yung mga naiwan sa bahay. Pero, kayang kaya ko na ito anak, marami namang tricycle diyan sa labas!"
Pero mapilit si Edison.

"Dito ka lang muna, babalik ako agad, okey?"
Bilin niya kay Hannah na noon ay kakuwentuhan ng mga bagong kasal.

Pero may iba pang motibo si Edison bukod sa pagmamalasakit sa ina ng babaing minamahal niya, susubukan niyang kumuha ng information kay aling Miling na hindi kaharap si Hannah.

Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon