Chapter 64: Jiggo Wants To Have A Concert

74 8 5
                                    

Walang nagawa ang pamilya ni Jiggo kundi sundin ang disisyon niyang ituloy ang pamanhikan kay Alvina. Itinaon nila ito right after ng premiere night ng latest movie nila. Syempre pa maraming press ang envited para sa publicity. Nagkaka-gulo ang mga fans sa labas ng bahay ng pamilya ng actress na karamihan ay nanggaling pa sa sinehan.

'We love you Vinggo, long live Vinggo, God bless Vinggo!'
Ganito ang mga isinisigaw ng mga tao sa labas ng gate, hindi alintana ang humid at ang pagharang sa kanila ng mga security guards at ang kapalit ng sakripisyong yun ay ang simple at maikling 'love you too guys' at flying kiss mula sa loveteam na iniidolo,ganun lang at halos himatayin na sila.

Ganyan ang mga fans pag nagmahal ng artista, gumagastos ng pamasahe para mapuntahan ang lugar kung nasaan ang mga ito, mag-load para updated lagi sa mga balita at makikipag away sa social media para ipagtanggol ang mga idolo at ang kapalit? Ngiti at kaway lang sapat na.

"Now i understand why Jiggo can't choose Hannah over that actress. Look how these people are going wild every time they see them together? They will certainly crucify the poor girl if she will take our son away from Alvina!"
Sabi ni Nancy habang pinagmamasdan ang mga fans na nasa labas.

"Yah, you're right! As his parents, tayo na lang ang kikilos. Pupunta tayo kila Hannah para makipag usap and to give our acknowledgement to our grandson!"
Sagot ni Fernan.

"Okey. Tanungin natin si Hannah kung gusto niyang pabinyagan na si EJay, kailan at saan!"

"Guys, we're here for Alvina, doon niyo na pag usapan si Hannah, sa bahay pag uwe natin, okey?
Bulong ni donya Soledad sa kanila.

Hindi na kumibo ang mag asawa habang hinihintay ang pamilya ni Alvina.

Hindi nagtagal at Nagkaharap harap na ang dalawang pamilya para pag usapan ang kasal ng Vinggo at tulad ng inaasahan ni donya Soledad, naniniwala din sa pamahiin ang pamilya ni Alvina kaya next year pa pwedeng mangyari ito.

"That's okey for me! So we still have enough time to prepare and to reduce some weight, gusto ko'ng sexy ako sa wedding ng baby girl ko, haha!"
Sabi ng mommy ni Alvina na inismiran ng lihim ni donya Soledad, hindi niya talaga gaanong feel ang buong angkan ng actress, lalo na sa mommy nito, naaartehan siya.

Hating gabi na natapos ang Pamanhikan kaya sa Al-to hotel na lang nagpalipas ng magdamag ang mga Almazin maliban kay Jiggo na piniling umuwe sa sariling condo para makapaghanda sa gagawing cinema tour sa susunod na araw.

"Good night, la, ma, pa, thank you for the support. Bye!"
Isa isa niyang hinalikan ang tatlong kasama sa pamanhikan. Silang apat lang ang nagpunta dahil yun ang gusto ni Jiggo.

"Night son, congratulations and good luck for your movie!"
Sabi ni Nancy habang hinahawakan ang braso ng anak. Pagkatapos ng mga nalaman niya tungkol dito sa naging pag uusap nila sa harap ng dinner ay parang gusto niya itong yakapin lagi at bumawi sa mga panahong nasayang. Nung mga panahong wala silang mag asawa at naiiwan ang anak sa kalinga ng amat ina sa Cairo.

"It will be a big hit, im sure!"
Sabi din ni Fernan na tutuong humanga sa nakitang galing at husay ng anak sa pag arte,palibhasa'y first time niyang makapanood ng movie nito, kaya noon lamang din niya naunawaan kung bakit ito ang buhay na pinili.

"As always. I'm always been your fan apo, you know that!"
Si donya Soledad na tutuong walang movie na pinagbidahan ng apo ang pinalagpas,lagi itong kasama ni Jiggo sa mga premiere nights.

"Thanks guys!"
Ngumiti si Jiggo pero bakas pa rin ang lungkot na kinikimkim sa puso.

Kinabukasan, maagang naglibot sa mga sinehan sina Jiggo at Alvina kasama ang buong cast ng pelikula. At tulad nang dapat asahan, umaga pa lang ay dagsa na ang mga tao sa mga sinehang pinagpalabasan nito, nakadagdag ng malaki ang viral na mga video at pictures sa Pamanhikan,kaya tuwang tuwa ang mga handers ng dalawa.

"Siguradong box office hit na naman ito mga anak! "
sabi ni Jimmie.

"I hope so, para naman may follow up agad before the wedding!"
Sabi ni Alvina.

"Do it alone because i have something else in my mind."
Sagot ni Jiggo na mula pa kahapon ay hindi pinakitaan ng sigla at ngiti ang dalaga.

"What is it?"
Interasadong tanong ng babae

"I want to do a concert before we got married!"

"Concert? Sabagay medyo matagal na rin yung huling concert tour niyo, kaya... Pwede!"
Si Jimmie

"I want the concert to be just mine and locally!"
Paglilinaw ni Jiggo sa malamig na boses.

"Oh!"
Tanging naisagot ni Jimmie dahil alam niyang kapag ganon ang timbre ni Jiggo ay wala ito sa mood.

"Solo concert?"
Si Alvina na tinanguan niya.

"Ah, okey. Pero for sure, ako ang special guest mo, di ba? Treat ba natin ito sa mga fans before we finally knot the tie?"
Nakangiti at halata ang excitement sa boses ni Alvina.

Umiling muna si Jiggo bago sumagot.
"I said it would only be mine, mine alone! No guest, not even you!"
Shocked na nagkatinginan sina Jimmie at Alvina.

"B-but why? P-paano kung hindi kagatin ng mga fans natin? Alam mo namang yung team up natin ang hinahabol nila! Paano kung malugi ang..."

"I'll be the one to produce it, kaya kung malugi man, ako lang ang mawawalan, okey?"

"P-pero bakit nga?!"
Pangungulit ni Alvina habang nakikinig lang si Jimmie, takot siya pag ganito ang mood ng actor/singer.

"You asked me if it's a treat for the fans? No! It's a treat for my self as a bachelor! All songs will be dedicated to Hannah, alone. Kaya ayaw kitang kasama!"

"Okey, Fine! Kelan natin uumpisahan ang preparation?"
Tanong ni Jimmie para matigil na sa pangungulit si Alvina.

"As soon as possible, umpisahan mo nang magplano ng magagandang publicity na hindi involved si Alva. It would be Just 'Jiggo Salem Almazin, the bachelor's solo concert, at bahala ka na' ng mamili ng mga makakasama sa team!"

Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitWhere stories live. Discover now