Chapter 59: Galit Si Cyrille Kay Hannah

78 6 6
                                    

*****Flashback cont*****

Nang matapos silang 'sumayaw', saka lang sila nag usap.

Nauna si Cyrille;
"I-i know you're getting married but i can't help my self, i... I like you!"

Umiling si Edison na nagsasalin uli ng alak, sabay tungga.

"What does that means? Tell me, i can listen! "

"H-Hannah and i... W-we're not engaged!"

"Then how come you... Wait, did you raped her?"

Dala ng kalasingan o ng alak, dumulas ang dila ni Edison.
"The baby's not mine, it's Jiggo's!"

"W-what? How?!"
Ikinuwento niya sa garil na pananalita ang abot ng kanyang nalalaman.
"S-she can't love me cause her heart is already with him, whom who can't love her but somebody else!"

Nang maalala niya kinabukasan ay nagsisi siya sa mga nagawa at nasabi.

Pero nangako si Cyrille na ititikom ang mga labi at hindi rin maghahabol sa mga nangyari sa kanila.
"You and Hannah are equally crazy, loving someone who cant love you in return. I will never be like any of you because after this, i will never see you again, ever!"

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Edison, biglang nahimasmasan.
"You mean, what happened to us last night is just pure sex and no feelings involved?"

"I-i have feelings for you, but..."

"Marry me Cyrille, right here and now!"

"B-but you love someone else, not me!"

"I don't want to beg anymore, Pipilitin ko nang kalimutan siya at alam kong magagawa ko yun kung tutulungan mo ako!"

Pumayag si Cyrille and the  rest is history.

***End of Flashback ***

Bago nakalabas ng mansion si Edison ay may tumawag kay Fernan na isang babae.
"Hello, sino ito? "
Ini-on niya ang speaker para marinig ng lahat.

"Nanay po ako ng kaibigan at officemate ni Hannah,
pinakiusapan niya akong tawagan kayo para ipaalam na wala siya sa kanila. Baka mag abala daw po kayong hanapin siya doon. Okey po ang mag ina kaya huwag na kayong mag alala, ipinapaabot niya sa inyo at kay maam Elena ang pasasalamat sa naging mabuting pagtanggap niyo sa kanya, paalam po!"

"Wait, where is she? I want to see her!"
Sabat ni Edison pero pinutol na ng caller ang linya.

"Damn!"
Nahilamusan ni Edison ng palad ang mukha sa sobrang dis appointment. Kitang kita iyon ni Cyrille at nasasaktan siya, at nag uumpisa na siyang makadama ng selos  kay Hannah.
"W-why?"

"What why? T-to explain of course!"

At ang selos ay unti unting nagiging inis.
"Why do you need to see her? Di ba hinahanap niyo lang siya para mag explain, para huwag siyang gumawa ng hindi tama? Ok na daw siya, and she's not doing anything wrong!"
Medyo tumaas na ang boses ni Cyrille.

Natauhan si Edison, naalala niyang asawa na nga pala niya ang babaing kausap, Nilapitan niya ito at niyakap.
"I'm sorry! "

"Alright! So, what's your plan now Edison?"
Tanong ni Fernan sa pamangkin Pagkatapos magpakawala ng malalim na buntong hininga. Sa airport pa lang ay nahulaan na niya na ganito ang mangyayari, pero nanghihinayang siya kay Hannah, magaan ang loob niya dito at naaawa siya kay EJay na mawawalan ng ama. Kung alam niya lang...

"About what, tito?"

"About you and Cyrille, okey na ba sa kanya yung kasal niyo sa España? What will her parent's say? And how about EJay?"

"O-okey na po sa akin yung marriage namin tito. Saka na lang siguro yung church wedding kung totally na siyang nakaka get over kay Hannah!"

"Cyrille, what's that?"
Sita sa kanya ni Edison.

"Excuse me!"
Patakbo itong umakyat sa hagdanan.

"Cyrille!"
Pero hindi pinansin ni Cyrille si Edison.

Pagdating niya sa itaas, nagdalawang isip siya kung saang kuwarto tutuloy dahil nasa isa sa mga guest room pa ang mga luggage niya.

Hinanap niya ang kuwarto ni Edison, doon siya magmumukmok at ipalilipat na lang niya ang mga gamit doon mamaya. And why not? Asawa siya ni Edison, natural lang na doon siya.

Pero pagpasok niya sa loob ng kuwarto, mga picture frames na puro mukha ni Hannah ang sumalubong sa kanya. Hindi niya ito napansin kanina dahil bukod sa madilim ay hindi rin sila nagtagal sa loob.

Umahon ang galit sa puso niya at ang inis na nag umpisa sa selos, ngayon ay hatred na.
"I hate you Hannah!"

Dinampot niya ang unan na ilang araw na ginamit ni Hannah at ipinukol iyon sa helera ng mga picture frames.

KRASSSS!
Basag ang mga salamin ng frames. Hindi pa siya nasiyahan, dinampot niya ang ilan sa mga ito at pinagpupunit.

Ilang minuto pa ang lumipas bago nakasunod si Edison sa kanya at nang makita ang nangyari ay sumulak ang dugo nito sa ulo.
"What the... Anong ginawa mo?"

"Galit ka dahil pinunit ng asawa mo ang pictures ng babaing mahal mo? Come on Sampalin mo ako, hit me!"

Lumapit sa kanya si Edison at hinawakan ang dalawang kamay nito.
"Why did you do this?"

"Tinatanong pa ba yun Edison? For God's sake, asawa mo ako, pero pictures ng ibang babae ang naka display sa kuwarto mo?"

"Kararating lang natin di ba? Alangan namang samsamin at iligpit ko ang mga yan sa harap niya. Bakit di ko inalis bago ako umalis? Kasi hindi ko alam na makakapag asawa ako. Hindi ko ipinatanggal kila mommy? Dahil surprise nga di ba?"
Hindi nakakibo si Cyrille.

Hinila siyang paupo ni Edison sa kama, at kinausap nang mahinahon.
"Look, what happen between us is like a whirlwind romance, sudden and un expected kaya hindi ka dapat magalit. Alam mong siya lang ang minahal ko mula pagkabata, i told you everything, remember? Nangako kang tutulungan mo akong kalimutan siya, at hindi ganito ang tamang paraan. Show me your good side, show me that you are worth loving than her, pwede ba yun, hmm?"

"I'm sorry! O-okey, I'll try..."

Tumawag ng mga katulong si Edison at ipinaligpit ang mga bubog at mga pinunit na litrato.
"Pakilipat na rin dito yung mga luggage na nasa green guest room, okey?"
Dagdag utos pa niya na agad namang nasunod.

Nang maayos na ang lahat, niyakap niya si Cyrille.
"Okey ka na?!"

Sumandal ang doktora sa dibdib niya at saka ngumiti.
"Yes thank you, i love you!"
Halik sa ulo ang isinagot niya sa sinabi ng asawa. Hindi pa niya kayang sabihin ang 'I love you too!'.

Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitWhere stories live. Discover now