Chapter 75: Jiggo Is Hoping

66 6 2
                                    

Sa loob ng 90 minutes na concert tatlong beses nagbreakdown si Jiggo kaya tatlong beses din siyang nag break. Sa huling piece niya, hinayaan na niyang makita ng buong mundo ang pagtangis habang kinakanta ang pinaka final song na inaasahan niyang makakapasok sa puso ni Hannah.

Maybe i didnt love you
Quite as often as i could have
And maybe i didnt treat you
Quite as good as i should have
If i made you feel second best
Girl im sorry i was blind

You were always on my mind
You are always on my mind

And maybe i didnt hold you
All those lonely lonely times.

Tama siya, bawat liriko ng kanta ay tumitimo, bumabaon sa puso ni Hannah at naglakbay pabalik sa nakaraan ang isip niya. Nung mga panahong nag iisip siya kung sino ang ituturong ama ng anak niya. Nung panahong halos ikamatay niya ang lagnat at pagsusuka, nung ilang beses siyang naglakad sa lansangan habang karga ang anak at di alam kung saan sila pupunta at may isang don Pepe na sumaklolo sa kanya.

I guess i never told you
Im so happy that you're mine
Little things i should have said and done
I just never took the time

Noong panahong naghahanap siya ng pagmamahal sa lalaking ito pero si Edison ang nagbigay.

You were always on my mind
You were always on my mind.

I'm sorry Jiggo...Huli na, huli na...
Umiiyak at patakbong umalis sa harap ng tv si Hannah.

             ***************

Sa Al-To hotel, nasa isang malaking suite ang mga Almazin, kasalukuyang pinagagalitan ni don Felipe ang apo.
"Nag iisa ka na lamang na pag asa kong magpapatuloy sa apeyedong Almazin pero mukhang mas bibiguin mo pa ako kaysa sa papa mo na iisa lang ang nagawa!"

"Bakit mo naman nasabing bibiguin ka ni Jiggo?"
Tanong ni donya Soledad sa asawa.

"Abay sa tingin mo sa hitsura niyang yan ay magagawa pa niyang magmahal ng iba?"

"Kaya kakaunti lang tayong mga Almazin dahil masyado tayong one woman man,di ba hon?"
Sabat ni Fernan sabay baling sa nakangiting si Nancy.

"Ano pa ba ang gusto niyo, di pa ba sapat si EJay?"
Tanong ni Jiggo sa minamalat na boses.

"Ang tanong, magiging Almazin pa ba ang anak mo pagkatapos ng kasal nina Hannah at don Pepe?"
Sabat ni Nancy na agad ding pinagsisihan ang sinabi nang walang imik na tumayo ang anak at tuloy tuloy na umalis papunta sa sariling suite.

"I still believe in miracle, that somehow she will change her mind and come back to me!"

Gumaan ang pakiramdam niya sa naisip dahil umaasa siya na sa pamamagitan ng mga inawit niya ay magigising ang puso ni Hannah at iuurong na ang kasal nito sa matanda. Kanina, Pagkatapos ng concert ay tinawagan siya ni Edison para i-congratulate sa success ng kanyang show at tiniyak sa kanya ng pinsan na nanood si Hannah at nag absorb lahat nang mga kinanta niya sa babae.

"She was crying the whole time. Specifically dun sa last song mo, she broke down. Kaya who knows, maybe tomorrow i will be giving you the best news of your entire life, haha!"

Yun ang pinanananganan niya ngayon at madali siyang nakatulog baon ang pag asang mabubuo din ang pamilya niya.

Kinabukasan, ginising siya ng ama para sa lunch.

" Oh! Fu**k!"
Napabalikwas siya ng bangon, tanghali na pala, bakit hindi agad siya nagising? Tatawagan pa niya ang pinsan...

"Watch your mouth Jiggo, you know that i hate curses!"
Sita sa kanya ng ama.

"Sorry pa, what time is it?"
Tanong niya habang papunta sa bathroom.

"It's twelve noon, bilisan mo at baka maunahan pa tayo ng mga Torres sa pag uwi!"

Nanghina ang tuhod niya pagkarinig sa apelyedo ng pinsan. Bakit di siya tumawag, anong nangyari? Umurong ba si Hannah? Kasama ba silang mag ina ni EJay na luluwas ng Maynila? Ano na? Lumabas siya uli ng banyo para tanungin ang ama kung may ibinalita sa kanila si Edison, pero wala na sa room niya ang ama.

Kinuha niya ang celphone at ini-on ito, kaso deadbatt, nakalimutan niyang ipa-charge sa PA niya kagabi. Hinanap niya ang iba pa niyang gadgets pero walang miscall o messages sa kanya ang pinsan.

Itinuloy muna niya ang pagba-banyo.
"Baka balak niya akong i-surprise kaya hindi muna siya nagpaparamdam? Yah, right!"
Pagpapalubag niya ng loob.

Ilang sandali pa ay magkakasama na sa restaurant ng hotel ang mga Almazin para maglunch.

Gustong itanong ni Jiggo sa mga kaharap kung may balita ba ang mga Torres tungkol sa mga kaganapan sa isla pero natatakot siya sa magiging sagot ng mga ito, kaya pinili niyang manahimik.

"So, that was totally, unbelievably amazing! I still can't move on son, you were so fantastic with your performance. You've made every one in that arena sob, i can't stop myself from crying, my God, im so proud of you!"

"Me too. Not just inside the arena, but even those who watched infront of the television... Around the world!"
Sabi ni Fernan, sabay pasimpling sumulyap sa anak na nakatungo sa pagkain.

"You're such a big loss in the showbiz world iho, why do you have to quit?"
Si donya Soledad.

Pabagsak na binitawan ni don Felipe ang mga hawak na kubyertos.
"Ano ba kayo? You knew how much i hated the idea of him entering the world of show business, and now that he's quitting you're giving him an idea to continue!"

Noon nag angat ng mukha si Jiggo.
"Don't worry lo, I'm not changing my mind. Specially if my son and my woman are with me, I'm willing to spend my life in this place with them 24/7 and fill the wasted time!"

Napangiti ang don.
"That's good. So perhaps you can join your father to run the realm and..."

"Aalis siya papa, babalik siya sa Egypt para ituloy ang pag aaral niya!"
Putol ni Nancy sa sinasabi ng biyanan.

Si donya Soledad naman ang nagreact. Padabog siyang tumayo at naluluhang pinamewangan ang apo.
"Bakit ba puro pangingibang bansa ang nasa isip niyo? Di na ba tayo pwedeng mabuo?"

"Pwede pa po la, kapag hindi natuloy ang kasal ni Hannah kay don Pepe, hindi na ako aalis!"

Nagkatinginan ang apat na pares ng mga mata, at sabay sabay ding bumaling kay Jiggo.

Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitWhere stories live. Discover now