Chapter 20: Namanhikan Na Si Garry

76 7 0
                                    

Kumalat ang balita sa kanilang lugar at ang lahat ng kakilala nila ay nakipaghintay na rin sa pagbaba sa barko ng boyfriend ni Hannah at lahat ay excited sa magaganap na kasalan.

"Besh, paano ito? Hindi ko napigilan si nanay sa pag Sagot. Saan ba ako maghahanap ng Garry Alfonso sa loob ng dalawang buwan, huhu!"

"Oo nga no? Mali yata ang na isip nating solution! Paano ba natin ito maitatama, bakit kasi hindi mo na lang sabihin ang tutuo, eh ano kung masira ang career ng hayup na Jiggo na yan?"

"P-papano kung ideny niya? Lalo lang akong mapapahiya. Isa pa, hindi ko kayang sirain siya, ako rin ang unang malulungkot kapag bumagsak siya! Iisip na lang ako ng ibang paraan, im sure meron pa."

"Kung ideny ka, anong ginagawa ng DNA test?"

"Hindi ko talaga kayang guluhin ang buhay niya Besh, magtatago na lang siguro ako!"

"Hayy naku, lintik na pag-ibig yan! Kung pwede ko lang ipaubaya sa yo si Garry, ginawa ko na. Im sure sa ganda mong yan eh hindi ka tatanggihan nun kahit may laman ka na! Kaso, paano naman ako? Mamamatay din ako pag mawala siya sa akin!"

"Sira! Huwag mo nga'ng gawing biro yan, nakakakilabot haha! Saka sobrang mahal ka nung tao, hindi ka nun ipagpapalit kahit kay Alvina pa!"

Lumipas pa uli ang dalawang buwan, eksaktong anim na buwan mula nang mangyari ang gabing yun kina Hannah at Jiggo pero wala pa rin siyang naiisip na solusyon sa problema niya.

"Besh, uuwe na si Garry, pano yan? Jack en Poy tayo kung kanino siya tutuloy haha!"

"Ayan ka na naman sa joke mong nakakakilabot eh! Wag kang mag alala, may naisip akong bigla ngayon ngayon lang. Sasabihin kong na-extend si Garry ng isang taon kaya hindi pa makakauwe!"

"Ah, pwede pwede!"

Ganun nga ang sinabi ni Hannah sa mga magulang at sa mga kapitbahay na nag aabang ng kasal niya.

"Ay naku sayang naman, akala namin ay makakakain na naman kami ng bonggang handa! Umasa pa naman ako na kukunin akong isa sa magluluto eh!"
Sabi ni aling Dioning nang makarating sa kanya ang balita.

Samantala sa Mansion ng mga Almazin, kausap ni Edison ang mga taong inutusan niya para hanapin si Hannah.
"Ikakasal na daw pala boss, katunayan ay malapit nang manganak!"

Inilabas ng isa ang mga litratong kuha nila kay Hannah na mukhang kabuwanan na kahit anim na buwan pa lang ang tiyan.
"Kung ganun, kahit nung fiesta ay huli na talaga ako!"

Dinamdam ni Edison ang tuluyang pagkabigo sa kababata. Ginabi gabi ang pag inom at madalas na umiiyak.
Nakikita ni Elena ang pagdurusa ng anak pero wala siyang lakas ng loob na kausapin ito at alamin ang ipinagkaka ganoon.

"Im sorry son, kung hindi kita pinag aral sa London at kung hindi ko pinaalis ang pamilya ni Hulyo, baka masaya kayo ngayon ni Hannah!"

Sa showbiz, balita na rin ang planong Pagpo-propose ni Jiggo kay Alvina na ipinagbubunyi ng husto ng mga fans nila. Naghihintay lang umano ng magandang chance ang actor dahil gusto niyang maging espesyal at memorable ang araw na yun para sa kanila ng nobya.

Si Hannah naman ang umiiyak ng lihim dahil sa balitang yun.
"Mabuti ka pa, wala kang ibang pino-problema kundi maghintay ng magandang chance para mag propose. Samantalang ako, ang dami kong problema. Nag aalala pa ako kung anong hitsura ng anak natin paglabas niya! Pano kung may down syndrome siya? Anyway, mamahalin at aalagaan ko pa rin siya nang husto dahil anak ko siya, kahit ano pa ang maging hitsura niya! "

Isang araw, kinausap si Hannah ng kanilang team leader dahil nakikita nilang nahihirapan na ito.
"Magfile ka na ng leave, ako ang nahihirapan sa hitsura mo eh! Alagaan mo na lang nang mabuti ang nasa tiyan mo para makatiyak kang healthy siyang lalabas dito sa outside world."

Hindi na nag isip pa si Hannah agad niyang sinunod ang advice ng team leader niya. Umuwe siya sa kanila para maalagaan siya ng ina.
"Mabuti naman at naisipan mong mag leave na. Ikaw na lang ang tumao sa tindahan tutal eh nakaupo ka lang naman. Ako naman eh, tutulong sa bukid dahil mag aanihan na!"

"Sige po inay, ako na po ang bahala..."

Okey na sana ang lahat, pero hindi inaasahan ni Barbie ang biglaang pamamanhikan sa kanya ni Garry nang bumaba ito ng barko.

Syempre, dahil mahal niya ang nobyo, hindi na siya nagpakipot pa. At dahil biglaan, hindi sila nakapaghanda ng pagsasalu saluhan.

"Kay aling Dioning na tayo magpaluto, mas mabilis kaysa mamalengke pa tayo nang ganitong oras!"
Suggestion ng nanay ni Barbie na sinang ayunan ng ama.

"Kayo po ang bahala, huwag niyo pong alalahanin ang bayad!"
Sagot naman ni Garry sabay akbay kay Barbie na balisa at kinakabahan.

"Bakit matamlay ka, ayaw mo na yatang pakasal sa akin eh, may iba ka na bang mahal?"

Kinurot ni Barbie ang tagiliran ng nobyo.
"Sira! Hindi lang ako komportable na kay aling Dioning sila umorder. Pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari, di lang ako sure kung ano, basta kinakabahan lang ako!"

Tuwang tuwa naman si aling Dioning dahil madodoble ang kita niya sa araw na yun.
"Ano po bang okasyon kapitan at bakit parang biglaan yata?"

"Ay itong nobyo ng anak ko, kabababa lang sa barko ay hindi man lang kami inabisuhan na mamamanhikan na pala! Ayun, hindi tuloy kami nakapaghanda."

"Aba'y ka-sweet na bata! Kaninong anak ba ang masuwerting binata'ng yan kapitan?"

"Taga Maynila sila, pamilyang Alfonso!"

"Ah, ganun ba? Sikat na apelyedo ang mga Alfonso. Kailan ko lang narinig yan. Kanino ko na nga ba narinig yan? Ah, kay aling Miling. Di ba't matalik na magkaibigan sina Hannah at Barbie?"

"Oo, parang magkapatid na ang turingan nila sa isa't isa."

"Ayun,kaya pati mga nobyo nila ay magkapatid din o di kaya'y magkamag anak. Alfonso din kasi ang apelyedo'ng sinabi ni aling Miling eh!"

"Siya nga, aba'y mabuti kung ganun para hindi na talaga sila maghiwalay na magkaibigan. Magkakatulungan sila sa lahat ng bagay!"

Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ