Chapter 23: Nag Pretend Si Edison

72 6 0
                                    

Once a month ay umaabsent si Barbie para samahan si Hannah sa pre-natal nito.
"Pasensiya ka na besh, nasasayang tuloy ang isang araw mo dahil sa akin, instead na buo ang sahod mo..."

"Shh, ayan ka na naman sa mga hingi mo nang pasensiya. Alalahanin mo, i'm getting married soon at mangyayari din sa akin ito lalo na at laging wala sa tabi ko si Garry sa panaho'ng yun, hindi mo ba ako sasamahan kung sakali? Haha!"

"Syempre gagawin ko lahat para sa yo kahit na hindi nangyari ito sa akin, mahalaga ka sa akin besh e!"
Nakangusong sagot ni Hannah habang palabas sila sa kalye para mag abang ng sasakyan.

Saktong may dumaraan na bakante kaya agad itong pinara ni Barbie, pasakay na si Hannah nang biglang may tumigil na magarang kotse sa unahan ng tricycle at bumaba ang driver nito.

Pare-parehong napatunganga sina Barbie, Hannah at ang tricycle driver na'ng lapitan sila ni Edison.
"Oh my God!"
Bulalas ni Barbie.

"Hi Annie, remember me?"
Nakapamulsa si Edison habang nakangiti'ng lumalapit sa kanila,hindi naman agad nakasagot si Hannah, nerbiyos na nerbiyos siya at di malaman kung paano ikukubli ang sarili na para ba'ng malalaman ng binata na si Jiggo ang may kagagawan nito kapag nasilayan ang tiyan niya.

"S-sir Edison? B-bakit andito ka? "

"Mabuti naman at naaalala mo pa rin ako, haha! Galing ako sa Libis may sinadya ako doon at naisipan kong mag short cut dito. Kaya pala, dahil makikita pala kita . Saan kayo pupunta, ihahatid ko na kayo!"

"H-hindi na sir, n-nakakahiya. Isa pa napara na namin siya!"
Sagot ni Hannah sabay turo sa tricycle driver.

Walang imik na dinukot ni Edison ang wallet at naglabas ng buong isang libo saka iniabot sa driver.
"Bayad po sa abala, ako na ang bahala'ng maghatid sa kanila, ingat po sa pagmamaneho at salamat!"

"T-thanks sir Jiggo, idol, hindi ka lang pala guapo sa personal, ang bait niyo rin pala at galante, whoa!" Hindi na kinontra ni Edison ang sinabi ng driver.

Hindi naman nakakibo ang magkaibigan lalo na na'ng sabay na binuksan ni Edison ang passenger's at back seat.
"Hannah dito ka!"

"K-kilala mo ako?"

Humalakhak nang malutong ang binata sa sobrang amusement dahil sa nakikitang reaction ng dalawang babae.
"You think i'm gullible? Seven years ain't so long to forget how you look. You're still looks the same the last time i saw you with those big hat you used to wear Hannah, haha! Get in please?"

Para nama'ng na-budol budol na sunuran ang dalawa sa pagsakay sa kotse ng binata. Nang maisara ang mga pinto ay mabilis na umikot si Edison papunta sa driver's seat.
"So, where will we go?"

"Ahm, sa d-doktor please?"

"Alright, just be my navigator, okey?"

"O-okey! Siya nga pala, si Barbie, best friend ko. Besh si sir Edison, former boss..."

"Former suitor, haha! Actuality, hanggang ngayon!"
Pasideway na sinulyapan ni Edison si Hannah habang nakangiti. Namula naman ang pisngi ng huli habang kinikilig na nakatingin lang si Barbie sa kanila, may naglalaro sa isipan niya.

Pagdating nila sa hospital, agad na nagbulungan ang mga taong inabutan nila, may namamangha at may nagtatalo habang lihim na kumukuha ng pictures.

"Siya!"

"Hindi!"

"Siya, kaya lang bakit iba ang kasama, asan si Alvina?"

"Di ba nasa Singapore, may concert tour sila di ba?"

"Ang swerte naman ni ate girl, in fairness maganda siya kahit juntis!"
May mga sumunod pa sa kanila hanggang sa clinic ni dok Cyrille para mag usyuso.

Alam nang tatlo ang pinag uusapan ng mga tao pero cool lang si Edison, wala siyang pakialam kung pagkamalan siya'ng si Jiggo.
"Not a problem for me, hahaha!"
Sabi nito na ikinatutuwa ni Barbie.

Pati ang nurse at si doktor Cyrille ay namangha nang makita ang binata.
"My gosh, kung hindi mo titiga'ng mabuti ay mapagkakamalan ka talaga na si sir Jiggo sir!"

"Hindi kataka taka dahil kambal ang parents namin, haha!"

"Ay, kaya po pala, haha!"
Binalingan ng doktor si Hannah.
"Bakit niyo po kasama si sir maam, ano po ang..."

Bago nakasagot si Hannah ay naunahan na siya ni Edison.
"I'm her fiance and the father of her child."
Sabay kabig sa balikat ni Hannah.

"E-Edison?!"

"Shh, huwag mo naman ako'ng ikahiya please? Nasasaktan ako eh!"
Nakangiting tinakpan ni Edison ng dalawang daliri ang mga labi ni Hannah dahilan para mapabalik ito, pitong buwan na ang nakakaraan.

"Samahan mo muna ako, kailangan ko na'ng makakausap!"

"Maam?"

"Hannah, the doktor is talking to you!"

"H-ha?"
Nahihiyang pinalipat lipat ni Hannah ang tingin sa mga kaharap.

"Besh,parang lumilipad sa malayo ang utak mo, haha!"

"S-sorry, ano po yun dok?"

"Kumusta kako ang pakiramdam mo, iniinom mo ba sa tamang oras ang mga gamot at vitamins mo?"

"Ah, oo dok,nasa tamang oras ang pag inom ko ng gamot. Mahigpit po itong nurse ko sa bahay, haha! At okey naman ang pakiramdam ko, hindi na ako nagsusuka at nahihilo!"

"Im sorry sweetheart if i can't do the job, mahigpit ang parents mo eh!"
Patuloy na pagda-drama ni Edison na unti unti na'ng nakakapag pairita kay Hannah.

"Ang sweet naman ng fiance niyo maam, swerte niyo ni baby. Basta tuloy lang po ang vitamins niya sir at bawal po siya'ng ma-stress ha? At huwag niyo po'ng iniisip lagi ang tungkol sa baby, may awa po ang diyos at lalabas siyang malusog at walang proble..."

"Wait,may problema ba ang b-baby namin? Anong problema?"

"Edison!"

"Tungkol po dun sa pagkakasakit ni maam ng typhoid fever, few months ago, may tendency kasi na maapektuhan ang baby niyo dahil dun kaya nga tuloy tuloy lang dapat ang vitamins niya at hindi siya pwedeng ma-stress! God is good, hindi niya hahayaan na..."

"N-nagka-typhoid ka? Oh my God, i... I didn't know, i'm sorry!"

Doon na nagalit si Hannah at pumiksi para makalas ang pagkaka-akbay sa kanya ni Edison.
"You don't need to know and please stop pretending that you..."

Sinaway siya ni Barbie at pinigilan siyang ihayag ang tutuo.
"Besh, hayaan mo na!"

"Ay may LQ?"
Bulalas ng mga usyuso habang tuloy sa pasimpleng pagkuha ng picture.

Nananatili namang shock si Edison at tila nag iisip.

Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitWhere stories live. Discover now