Chapter 31: The Real Identity of The Father Revealed .

70 7 0
                                    

Sabay na nag-circulate sa social media ang picture at kuwento ng tunay na mag amang EJay at Jiggo na umabot agad ng tig million views, reactions and comments sa loob lamang ng ilang oras.

Syempre kahit papaano ay nakarating ito kay Elena na nakadama ng bahagyang Lukso ng dugo dahil sa malaking similarity nina EJay at nung baby pa si Edison, agad niyang kinuha ang photo album ng binata na naglalaman ng mga pictures nilang mag ina habang nasa recovery room pa lang sila ng hospital at karga ito ng asawa nung kalalabas pa lang sa sinapupunan niya.
"A-apo ko nga ang bata, huhu! I can't deny it!"

Back to hospital, hindi pa rin iniiwan ni Edison ang mag ina at si aling Miling. Ikinuha niya ng private room ang mga ito at binilhan ng mga kailangan para sa bata.

"Kahit sanggol pa lang at hindi pa gaanong umaayos ang mukha ay walang kaduda duda'ng anak mo nga ito sir Edison. Napaka gandang bata, haha!"

Sa halip na makitawa ay iniba ng binata ang usapan.
"Kumain po muna kayo nay Miling, ako na muna dito habang tulog pa si Hannah. May canteen po sa baba, doon na kayo para makapamili kayo ng gusto niyong ulam!"

Inabutan niya ito ng isang libo.
"S-salamat!"

"Wala po yun at huwag po kayo'ng magmamadali ha? Enjoy niyo lang po ang pagkain, haha!"
Ampaw ang tawa ng binata, halatang may pinagdadaanan habang panay ang dotdot at kalikot sa cellphone at manaka nakang idinidikit sa tenga, pero mukhang cannot be reach ang tinatawagan.

"Sa lahat naman ng bagong ama ay mukhang ikaw lang yata ang hindi masaya? Ano bang iniisip mo eh, tiniyak naman ng doktor na malusog ang anak niyo at kamukhang kamukha mo pa!"

"Wala lang po ito nay Miling, m-medyo nalulungkot lang po ako dahil lumabas siya sa outside world na isang illegitimate. A-ang ibig kong sabihin ay walang basbas ng kasal!"

Bumuntong hininga ang matandang babae sabay sulyap sa nakapikit na anak.
"Ganun talaga! Pero hindi bale, ang importante naman ay hindi siya lumaki na walang kikilalaning ama, kahit pa hindi kayo magkatuluyan ni Hannah, alam ko namang hindi mo pababayaan ang bata. Siya sige, baba na muna ako!"

Wala silang kamalay malay na gising na si Hannah pero piniling huwag munang magmulat ng mga mata.
"Bakit hindi ka sa akin kumuha ng mukha anak, bakit sa ama mo pa? Paano pa kita itatago ngayon? "

Na'ng wala na si aling Miling, dahan dahang nagmulat ng mga mata si Hannah at nasalubong niya ang matitiim na tingin ni Edison na napapalooban ng maraming katanungan.
"E-Edison?! "

"Why and how Hannah?"

"W-what do you mean?"

"Damn, you know exactly well what i mean Hannah!"
Madilim na madilim ang mukha ni Edison at may bahid ng luha ang palibot nito. Daig pa niya ang isang lalaking ofw na pinagtaksilan ng misis niya.

Sukol na si Hannah, at sa nangangatal na boses at nanlalamig na mga kamay ay sinubukan niyang magpaliwanag kay Edison. Hindi niya alam kung ano'ng gagawin niya ngayon kapag hindi na makiisa sa kanya ang binata. Sa pangatlong pagkakataon ba ay ibang lalaki na naman ang ituturo niyang ama ng anak niya? Isang lalaking parang langit sa taas kung ituring niya, na bagama't hindi niya maabot o mahawakan ay tanaw na tanaw naman niya. Magiging isang malaking katanungan para sa lahat kung paano niya naabot ang langit, Ano na lang ang mukhang ihaharap uli ng pamilya niya sa mga tao? Ilang kasinungalingan na ang nalubid niya?

Napahagolgol si Hannah at muli niyang nahiling na sana'y hindi na lang siya nagising at tuluyan na lang siyang nilulon ng kadiliman habang nanganganak siya.
"H-hindi ko alam kung p-paano ko ipaliliwanag na h-hindi ka ma-magagalit o magdaramdam!"
Teka, bakit siya magagalit, sila ba?

"Try Hannah, kasi lalo lang sasakit ang dibdib at ulo ko kapag hindi ko nalaman kung paano nangyari ito? Na-rape ba kita habang wala ako sa sarili ko, kailan, saan at paano, unless..."

"I'm sorry Edison k-kung nadamay ka sa... sa gulong kinasangkutan ko. H-hindi namin pareho s-sinasadya. Mula't sapul alam kong a-ayaw n-niya sa akin, ni hindi nga ako m-matingnan o k-kausapin, p-pero s-siya lang ang ka-isa isang lalaking minahal ko. S-sana nga sa iyo ko na lang n-naramdaman ito p-pero ang hirap... T-turuan ng p-puso eh! "
Sabi niya sa nagsisikip na dibdib dahil sa paghikbi.

"Damn Hannah, bakit siya pa? Mas madali sana'ng tanggapin kung ibang tao ang dumaig sa akin at gumawa sa yo niyan, para okey lang kahit mapatay ko pa! Pero si... P-paano ko magagawang durugin sa mga kamao ko ang mukha niya, tell me how?"

"E-Edison, h-hindi mo kailangang gawin yun, w-wala siyang kasalanan. K-kung may dapat ma'ng parusahan at magdusa dito ay a-ako lang, dahil baliw at nagpakatanga ako! A-at choice ko din na manahimik para h-huwag masira ang c-career niya!"

"A-ano bang meron siya na wala ako, bakit sa kanya pa when we almost have the same looks and everything in common except the feelings and the characters, because i loved you from the moment i saw you while he do the opposite thing?"
Hindi na pinigilan ni Edison ang paglaglag ng mga luha.

"K-kung iniisip mong bumitaw na sa usapan o-okey lang. P-pero pakiusap, h-huwag na natin siyang idamay. L-let him out from this situation, let alone h-hurting him, p-please i'm begging you? B-bahala na akong gumawa uli ng i-ibang kwento!"

Nagpahid ng luha si Edison saka marahas na tumayo.
"A-aalis muna ako, at huwag kang magsasalita ng kung ano ano, don't do and say anything stupid while I'm away. Babalik din ako, i just want to breathe it out! "

"E-Edison, I'm so sorry, you... D-dont, don't do any thing S-stupid!"

Hindi na siya narinig ng binata, muntik pa silang magka banggaan ni Dok Cyrille sa pinto.
"Opps!"

"I-im sorry!"

Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitWhere stories live. Discover now