Chapter 1: The Home Coming

367 11 2
                                    

"Good morning lolo, anong oras po darating dito sina tito Fernando at ang family niya?"

"Any moment apo, excited ka na bang makita ang pinsan mong si Jiggo?"

Bahagyang itinaas ni Edison ang kanang balikat.
"Yah, but im more excited to know if we're really look alike as twin!"

"Me too, apo. I just hope na pati sa ugali at talino ay magkapareho kayo. Then, i'll be the happiest lolo in the planet!"

Dalawa lang ang anak ng mag asawang Don Felipe at Donya Soledad, sila ay ang magkambal na Fernando at Elena na magkaibang magkaiba ang ugali. Mataray at matapobre ang babae samantalang mabait at palakaibigan naman ang lalake kaya't marami ang nalungkot nang tanggapin nito ang alok na trabaho sa Egypt bilang isang Geologist.

Binata pa si Fernan nang magpunta sa Cairo, kaya nang makilala ang half Filipina/Egyptian nurse na si Nancy ay pinakasalan agad ito at piniling doon na manirahan at doon na rin ipinanganak si Jiggo. At ngayon nga after more than twelve years of being away, ay uuwe na rin sa wakas ang uniko iho ni don Felipe kasama ang kanyang mag ina.

"They're here!"
Napalingon ang maglolo sa kinaroroonan ni donya Soledad kasabay ng sunod sunod na busina ng sasakyan sa labas ng malaking gate.

Magkasabay na lumabas ng mansion ang mag aguelo para salubungin ang mga bagong dating. Nagmamadaling bumaba si Fernan kasunod ang isang maganda ngunit malungkot na babae.
"Papa, mama, i missed you!"

"Welcome home mga anak!"
Hinayaan ng donya na malaglag ang mga luha niya habang sinasalubong ng yakap ang anak na mahigit thirteen years niyang hindi nakita.

"Ang lagalag kong anak is finally home. You know, i hate to say this, but somehow nagpapasalamat ako na dahil sa nangyayaring gulo ngayon sa bansa'ng iyon ay napauwe kayo nang wala sa oras. Other wise, baka makamatayan na lang namin ng mama niyo ang pangungulila sa inyo!"
Bakas sa tinig ng don ang pagdaramdam.

"Sorry po papa, mama, masyado lang po kaming naging abala sa trabaho. Pero, naghihintay lang kami ng tamang pagkakataon para umuwe sa inyo, and i guess ito na yun! By the way, i want you to finally meet my wife, and my... Hon, where's Jiggo?"

Si Edison na ang buluntaryong kumaon sa pinsan na ayaw pa ring bumaba ng sasakyan. Ipinagbukas niya ito ng pinto at namangha nang titigan siya nito, pakiramdam niya ay nasa harap siya ng isang life size na salamin.
"Hi couz, welcome home!"

"Join us here Jiggo!"
Saka pa lang lumapit si Jiggo at walang ka-gana ganang nakiyakap sa lolo at lola.

Nang matapos ang madamdaming group hug at magkalas ang mag-anak, ay saka lang napagtuonan ng pansin ng don at donya ang itsura ng dalawang apo.

"Oh my God, its true, you really look like twins! Both are very good looking and adorable.
Namamanghang bulalas ng donya.

"Which is not impossible, dahil kambal ang mama at papa nila, haha!"
Sabi naman ng don.

"Asan nga pala ang mabait kong kakambal?"
Sinuyod ng tingin ni Fernan ang paligid.

"Go call your mother Edison, hindi siguro narinig ang busina ng sasakyan kanina!"
Utos ng donya na agad sinunod ng apo.

Binalingan ng don sina Nancy at Jiggo na wala pa ring imik.
"How's the trip iha? You and Jiggo look so tired!"

"Okey lang po mama, m-medyo tiring nga po!"

"Pasensiya na kayo sa mag ina ko mama, papa, naninibago lang sila sa paligid, although halos wala namang pinagkaiba ang Cairo at Maynila,same traffic, same populations and the same pollution. The only difference is, mas matatangos ang ilong ng mga tao doon, haha! "

Papanhik na sana sa mga kuwarto nila ang mag anak nang bumaba si Elena.
" Brother dear, long time no see, i missed you! Welcome back, how was your trip? "

" Bumaba ka pa? You really missed me ha? Haha! "
Nangangantiyaw na tanong ni Fernando na inismiran lang ng kapatid.

"Sino kaya ang halos ayaw nang umuwe para makita ang mga kaanak? At least ako, andito lang sa Pilipinas, huh!"

Niyakap ni Fernando ang kakambal at tulad ng dating ginagawa pag inaasar ito ay ginugulo niya ang buhok.
"Bastard, you never changed a bit, grrr!"

" I already told you the exact time of our arrival, tapos hindi ka bumababa?"

"Brother dear, dont be spoiled ha? I cancelled all my appointments today just to welcome you home, isnt that enough? Hi Nancy, nice to finally meeting you! Welcome to the family! "
Bumaling si Elena sa hipag at beneso ito.

"Helo Elena, thank you!"
Tipid na sagot ni Nancy dahil kabisado na niya kung gaano ka bilis magpalit ng mood ang hipag.

"Go up to your rooms and freshen up, ipapatawag ko na lang kayo sa lunch time!"
Inutusan ng donya ang isa sa mga katulong na ihatid ang mag ina sa kani-kaniyang kuwarto.

Malaki ang mansiyon sa Hasyenda Almazin, tatlong palapag ito kasama ang rooftop na may dalawang kuwartong pahingahan. Sampo ang kuwarto sa second floor at anim naman sa baba, at bawat kuwarto kabilang ang mga servants quarters ay may mga sariling banyo at cr.

Lima ang tagapagsilbi ng mga Almazin maliban sa driver at hardinero kaya siyam lahat ang tauhan sa loob ng mansion, kabilang ang dalawang guwardiya na halili sa pagbabantay.

"How's the life of our great geologist?"
Muling kantiyaw ni Elena nang nasa harap na sila ng tanghalian.

"Tiring! Sometimes i work almost fifteen hours a day out in the dessert then back to lab if i need to examine something."

"How about you Nancy, is it okey with you if he stays out longer than be with you and Jiggo?"
Sabat ni don Felipe na tinawanan lang ng mag asawa.

"She also stay most of her life in the hospital, how can she complain? They both stay out most of their time and leave me to my grand parents care!"
Si Jiggo na ang sumagot.

Naaawang sabay sabay na tumingin kay Jiggo ang don at donya at saka si Edison.

"No wonder why he's like that, he's longing for their atention!"
Sa loob loob ni Edison habang lihim na pinagmamasdan ang pinsan na mula nang dumating ay noon lang narinig ang boses.

"Hows your studies Jiggo? I guess, you're good too like Edison, he's always on the top, haha! "

"Okey lang po, lolo."
Halos hindi lumabas sa lalamunan nito ang sinabi.

"Mabuti naman at marunong palang magsalita ng tagalog ang anak mo!"
Nakangiting sabat ni donya Soledad.

"Lagi naman kaming nag uusap ng tagalog ni Nancy kapag nasa bahay, thats why it took him long before he learned how to speak kasi three languages ang pinag aralan niya."

Tatanawin Ko Na Lang Ang LangitWhere stories live. Discover now