Chapter 59 Above The Skies

5.2K 95 24
                                    

========================================================

A/N: If you have time, check niyo yung slideshow na ginawa ko for Pabo and Baka... ^___^ Click niyo na lang iyong video diyan sa may gilid. Mas maganda kapag sa youtube niyo i-open yun. Hehehe...

Ang gwapo lang ni JiHoo dun... Hahaha...Adik lang....Basta imagine niyo yun si JiHoo at syempre si LIZ/Aya... Woot! Woot!

========================================================

Makalipas ang 15 minutes, tapos na akong maligo, magtoothbrush, at mag-ayos. Bumaba na ako ng hagdan. Nang nasa baba na ako, nakita ko si Lolo Jack, kausap ang isang sa mga hardinero sa bahay. Napansin yata ako ni Lolo at kumaway ito sa akin. Gumanti din ako ng kaway.

Maglalakad na ako papunta kina Lolo dahil nga dun yung daan papunta sa front door ng mansion ng bigla na lang ako harangin ng driver ni Lolo Jack.

“Good morning po Manong.” Bati ko dito.

“Good morning Liz.” Liz lang tawag sa akin ng lahat ng kasambahay sa mansion. Noong una, puro sila Ma’am. Tapos sinabihan ko na ayoko nagpapatawag ng Ma’am at okay na yung Liz sa akin. Pero di pa rin sila sumunod at tinawag naman akong Ms. Liz. Anong ginawa ko para tawagin nila akong Liz? Hehe… Tuwing tatawagin akong Miss Liz, di ako sumasagot. Once lang na tinawag akong LIZ, saka lang ako nakangiting sasagot. Later on, nasanay na din sila sa aking tawagin na lang akong LIZ, minus the formalities.

“Ano pong meron Manong?” nakangiti kong tanong.

Hindi ito umimik.

Pinagmasdan ko ito at napansin kong para itong balisa at may mabigat na dinadala.

“May problema po ba?” nababahalang tanong ko.

Tumingin ito sa akin. Kapagkuwan ay nag-iwas ito ng tingin bago sumagot. “Sorry iha kaya lang kailangan ko lang talaga itong gawin.”

“A-ano pong ibig niyong sabihin?”

“Sumunod ka na lang sa akin iha. Napag-utusan lang ako.”

Tinambol ng kaba ang puso ko dahil sa sinabi nito. Anong ibig sabihin ni Manong? Tuta ba ito ni Mr. Fuentebella? Nadiskubre na ba nito kung sino ako at nagawa pa nitong ibribe si Manong at utusang kidnapin ako?

“Paano pag ayoko pong sumunod?” tiim bagang kong sagot.

Hindi ito sumagot. Sa halip ay tumingin ito sa direksyon ni Lolo Jack na kausap nga nung gardener namin. Dun tumagal tingin nito. Tapos napansin kong tumango dito yung gardener namin.

Naestatwa yata ako sa napagtanto.

Kasabwat din yung hardinero!

Nakuha ko agad ang nais iparating ni Manong. Kapag hindi ako sumunod dito, may mangyayaring masama kay Lolo Jack. Naikuyom ko ang palad dahil sa galit na nararamdaman.

Liz [Completed]Where stories live. Discover now