Chapter 50 Boyfriend

5.3K 78 8
                                    

A/N: Hahaha... walang kuwenta title ko ng chapter na ito.... wala ako maisip eh.... [edit: Pinalitan ko na title.... hahaha] 

At dahil nagpromise ako na basta maka-8 yung 49 ay ipopost ko ito...tinupad ko na nga lol!

P.S. Ang wais mo @Rima ha! Wahahaha! Natawa talaga ako sa ginawa mo...

P.S.S. @YumingRui thanks sa pagvote sa lahat yata ng chapter! Much much appreciated! ^__^

--------------------------------------------------

One month na nakalipas since nung umalis si JiHoo…

One month ko na rin itong gustong-gustong makita…

And once na makita ko ito, humanda ito!

I’m gonna wring his neck and punch his face and kick him all over until I’m satisfied.

Joke! Lol… How could I do that to him? Mahal ko yun eh.

♪ ♫ ♪ If I was your boyfriend, I'd never let you go 
I can take you places you ain't never been before 
Baby take a chance or you'll never ever know 
I got money in my hands that I'd really like you to blow 
Swag swag swag, on you 
Chillin' by the fire while we are eating fondue 
I don't know about me but I know about you 
So say hello to falsetto in three two 
Swag 
♪ ♫ ♪

[A/N: click video to hear the song....]

“Whooooooooooooo!”

“HAHAHAHAHA!”

“Let’s all dance!!!”

Napatingin ako sa mga nagkakasiyahan. Tinignan ko din paligid ko. Lahat nag-eenjoy sa pagsayaw, pag-inom at pakikipagkuwentuhan. Habang ako naman, eto nasa isang sulok ng bar at umiinom ng……..tubig!

Aishhhhhhhh! Bakit nagtubig nga ba ako?

“Pahingi nga ako niyan…” agad kong utos sa dumaang waiter. Binigay naman nito kaagad ang isa sa mga nasa tray nito at umalis na.

Kulay pink yung drink at medyo foamy yung top nun. Parang strawberry shake nga eh.

“Malalasing kaya ako dito?” nag-aalalang tanong ko.

Tinikman ko yun. “Whoa! Ang sarap naman nito!” Hindi naman siguro ako malalasing ng ganito ano? Matamis kasi iyon at parang wala man lang bahid ng alcohol akong nalasahan. So I gulped the whole glass in one shot at kumuha ulit ng isa pa sa dumaan ulit na waiter.

“Ang tagal ni Jessica…..” himutok ko habang tinitignan ang wristwatch ko.

Thirty minutes na yata akong nandito sa loob ng bar na ito eh. Si Jessica kasi nagyaya sa akin dito. Birthday kasi ng isa nitong classmate. Dapat si Reid ang kasama ni Jessica pero hindi ko alam nangyari at hindi masasamahan ni Reid si Je. Ako na lang tuloy niyaya ni Je. Ang resulta naman, wala naman si Je ngayon dito at ako lang ang pumunta.

Liz [Completed]Kde žijí příběhy. Začni objevovat