Chapter 54 Mine

5.4K 90 24
                                    

A/N: Alam kong maraming pagsegway-segway chapter na ito... Hehehe... Pagpasensiyahan niyo na... at least.......... Toot.....hahaha....

--------------------------------------------------------------

Ilang araw na lang at pasukan na naman. Pero hindi ako excited. Hindi ako excited dahil hindi na ako papasok sa SKY. Sa susunod na linggo ay aalis na muna ako. Kung saan ako pupunta ay hindi ko pa rin alam. Sinabi ko na kay Lolo ang balak ko at pumayag naman ito. Ang paalam ko kasi ay gusto ko munang magpakalayo. Mukhang naintindihan naman ni Lolo at pumayag ito.

Hindi ko rin alam kung magpapaalam pa ba ako kina Jessica, Reid, Alex, Dave, Cloud, at Hero. Ano na lang sasabihin ko? Na baka hindi na ako babalik? At ano namang idadahilan ko? Na dahil sa tatay ni Hero?

More questions will be asked kapag ipagtatapat ko sa kanilang lahat ang totoo. Lalong-lalo na kay Hero. Di ko pa rin kasi sigurado kung may alam ba ito o wala sa totoong business ng pamilya nito.

“That would be two hundred twenty eight pesos Ma’am………..”

Paano kung may alam nga si Hero?  Anong gagawin ko?

“Ma’am?”

At si JiHoo….. Asan na ba si JiHoo?

“Ma’am!  Yuhooooooooo?????”

Kailan ko kaya siya ulit makikita. Sana makita ko  na siya. Ang dami kong gustong sabihin sa Bakang iyon. Lagot talaga iyon sa akin. >_<

“MA’AAAAAAAAAM!!!!!!!!”

Gulat akong napatingin sa kaharap kong cashier. Iritadong-iritado na itsura nito.

“Sorry…” Kasi! Kung saan-saan gumagala isip ko. “M-magkano na nga ulit?” alanganing tanong ko.

“Two hundred twenty eight….” Nakasimangot na sagot nung kahera.

Kumuha ako ng  limandaan sa wallet ko at inabot dito. Padaskol na kinuha iyon ng kahera at pabulong-bulong na sinuklian ako.

Patay malisyang umalis na ako pagkakuha ko ng sukli at ng mga pinamili ko.

“Saan na nga ba ulit ako pupunta?” confused kong tanong pagkalabas ko ng grocery store.

********

Napagpasiyahan kong maglakad–lakad na lang muna. Kasi naman, hindi ko ba alam kung saan ako pupunta. Hindi ko nga din alam kung bakit ako lumabas at bumili. Teka……… Ano nga ba mga binili ko? (-_-)?

Sinilip ko yung laman ng plastic bag. Whaaaaaaa! Puro mga pagkain mga laman. Kung anu-anong klaseng mga chips , chocolates, drinks, at candies laman nun. Kaya pala ang bigat! Hahahaha

Nawawala na nga ako sa sarili!

But come to think of it…… At least my sense pa rin naman mga binili ko…. Hehehe…. Magtataka na ako sa sarili ko pag bumili ako ng mga semento at bato…. Hihihi

Liz [Completed]Where stories live. Discover now