Chapter 31 It Begins.....

5.9K 70 10
                                    

Bago pa ito nakasagot ay nagulat sila ng bigla silang palibutan ng tatlong kalalakihan. Kahit madilim, mahahalatang maaskad ang mga pagmumukha dahil sa porma ng pagkakatayo ng mga ito. Mukhang mga miyembro ng mga gang!

Sino naman mga ito???

 

“Wow!  Andito ka nga gaya ng nabalita. Hindi namin inaasahan ito.  At may kasama ka pang chicks ha!” saad ng isa.

“F*UCK!!!” malakas na sigaw ni BAKA.

“Kilala mo sila?” nagtatakang tanong ko dito.

“No time to explain.” Mahinang bulong nito sa akin. “Kapag sinabi kong takbo,Takbo. Ok?”


“Bakit, sino ba sila?” tanong ko sa mahinang boses.

“Basta gawin mo na lang sinabi ko.” Pabulong pa ring utos nito.

Nagsilapitan ang mga ito sa amin.

“RUN! NOW!” malakas na sigaw ni BAKA.

Agad naman akong sumunod at tumakbo. Nagtago ako sa isang parte na madilim.

Pinanood ko ang mga pangyayari. Pinagtutulungan ng tatlo si Baka. Dehado si Baka.

Ahhhhh! Dapat tulungan ko si Baka. Kawawa naman ito!

Akmang babalik na ako para tulungan ito ng nagbago ang ihip ng hangin.

Yung tatlo naman ang mukhang dehado. Nahihirapan silang sanggahin yung mga suntok at sipa ni Baka. Di naglaon isa-isang napatumba na ni Baka yung tatlo.

Agad akong lumabas sa aking pinagtataguan.

Liz [Completed]Where stories live. Discover now