Chapter 6 The G-5

6.7K 88 12
                                    

 Author's Note:

Nasa side yung slideshow ng G-5! Pakitignan na lang......

 Kung nagbabasa po kayo nitong Liz, paramdam naman kayo...ahehehe.... 

____________________________________________________________

Pagbalik niya sa classroom wala sina Hero, Alex at yung 3 pa nilang kasama.

Dumating na yung Prof wala pa rin sila. Nag-absent nga yung lima.

Ayos na sana dahil ayaw rin niya silang makita, kaya lang mukha naman siyang outcasted sa classroom dahil napalibutan siya ng mga absent. (-__-)

As usual, wala pa ring kumausap sa kanya. Takot siguro silang lahat kay Hero kaya ganun.

Natapos ang klase at uwian na. Half-day lang ngayon kaya sa bahay na lang siya mag-lulunch.

Naglalakad siya sa hallway habang ang kanyang isip ay busy sa panghuhula kung ano kaya ang inhihanda nilang ulam sa bahay.

Nang biglang………

*TOGSSS*

“Ouch!.. Ang sakit!” Di niya napansin na pader na pala ang kaharap niya dahil lumilipad ang kanyang utak at wala sa daan ang kanyang atensyon.

“Agh –“ Hinaplos niya yung noo niyang nabukulan yata.

Hawak pa rin niya ang noong may malaki na ngang bukol ng makita niya ang isang babaeng naglalakad na may hawak-hawak na kahon. Mukhang mabigat ang dala nito dahil tila hirap na hirap ito sa pagbitbit.

Di nga naglaon ay nabitawan nito yung hawak kaya kumalat sa daan ang laman ng kahon. Mga newspapers at magazines ang laman nun.

Agad niyang dinaluhan ang babae at tinulungan ito sa pag-aayos.

“Thanks.” Nakangiting pasasalamat nito.

Ngayon niya napagmasdan ng malapitan ang babae. Hindi ito maganda. Hindi rin pangit. Sakto lang. Pero nagmumukha itong maganda dahil sa pagdadala nito sa sarili. May aura kasi itong hindi niya maipaliwanag. Kaya kahit sino siguro ay mapapatingin dito. Mukha din itong mabait.

“You’re welcome.” Sabi ko na lang. “Tulungan na kita. Saan mo ba ito dadalhin?”

“Doon sa Library. Salamat talaga ha.”

Magkatulong nga kami sa pagbitbit sa kahon hanggang sa library.

“Tara. Treat kita ng lunch.” Aya nito sa kanya.

“Wag na.” Tanggi ko. “Wala lang naman yung pagbitbit na iyon.”

“I insist! You can’t say no!” pilit nito.

Liz [Completed]Where stories live. Discover now