Chapter 33 Dragon

5.7K 79 12
                                    

A/N: Pakitignan naman yung picture diyan sa right, dun sa multimedia... Hehe... Kyut ba? (^_^)v Dapat hindi yan yung ilalagay ko eh. Kaya lang nung nag-eedit ako bigla na lang ako nainspire gumawa ng poster nilang dalawa. Ahahaha! Sorry kung labs ko sina Pabo at Baka! Bias much me eh.... ^_^

 

 ---------------------------------------------------------

 Monday na! Yeheeeeeey!

 Bakit ako masaya? Dahil ilang araw na lang bakasyon na! Yipeeeeeeeee! Makakapamasyal na ako at magagawa lahat ng gusto ko. ^_^

 Speaking of bakasyon, inaaya ako nina Alex na magbakasyon daw sa Europe. Napalunok ako ng marinig iyon. Europe??? Wala akong kapera-pera! At kahit may pera ako, ayaw ko galawin iyon noh! O_o Sabi nila, wag ko daw problemahin ang pera, dahil treat daw nila. Kahit itreat pa nila akong itour buong mundo, hindi ko pa rin tatanggapin. Napagpasiyahan ko kasing magstay muna sa house para magbakasyon at saka ako mamasyal kasama si Lolo. Sorry na lang sila, nakapangako na ako kay Lolo eh. Isa pa, for sure na kasama yung dalawang peste! >:( Masira pa niyan bakasyon ko! Kaya nga bakasyon di ba para magrelax at huwag mastress.

 “Girl, nabalitaan mo ba yung nangyari nung Saturday?”

 Maya-maya ay narinig kong tanong nung isa kong classmate na nasa harap ko sa katabi nito.

 “Ano yun friend? Sabihin mo na! Dali!!!”

 Masama man makinig sa usapan ng iba, hindi ko naman mapigilan dahil ang lakas ng boses nila! >_<  Alangan naman magtakip ako ng tainga para lang huwag silang marinig. Magmumukha akong tanga nun!

 “Nagkaroon ng engkwentro between sa leader ng DRAGONS at sa mga miyembro ng BLOODS!”

 Tumaas kilay ko sa narinig. Narinig ko na ang dalawang grupong iyon mula kay Jessica nun. Hindi ko tuloy maiwasang macurious.

 Kaya sa pagkakataong ito, nag-eeavesdrop na talaga ako! Hehehe…

 “Talaga? Mag-isa lang nung leader ng DRAGONS versus sa BLOODS?”

 “Oo friend. Ang dami nga nung mga miyembro ng BLOODS eh. Hulaan mo kung sino nanalo.”

 “Yung BLOODS?”

 “Ennnnng! Mali! Yung leader ng DRAGONS! KYAAAAAAHHHH!”

 “Wow! Talaga! Galing naman! Teka, bakit ka kinikilig? Wag mong sabihing –“

 “Tomooooooooooooo! Andun ako nung mangyari yun!” kinikilig pa ring sagot nito.

 “Ay! Sana pala sumama na lang talaga ako sayo nun. Eh di sana nakita ko na rin si Dragon.” Nakapout  na reklamo nung isa.

 Dragon? Ah, yun siguro name ng leader ng DRAGONS…. Make sense….

Liz [Completed]Where stories live. Discover now