Chapter 16 I'm Famous! >_<

6K 78 6
                                    

Dahil gulong-gulo ang isip niya, halos dalawang gabi na siyang hindi nakakatulog.

Ang laki-laki tuloy ng eyebags niya dahil wala pa talaga siyang tulog.

(Note: Sat. nung lumabas sila ni Hero. Sat night, then Sunday night... so 2 nights)

Mukha tuloy siyang bangkay na naglalakad patungo sa school. >_<

Nasa school gate na siya ng mapansin niyang parang sa kanya nakatingin lahat ng estudyante ng SKY. Tapos maya't maya ay nagbubulungan ang mga ito.

Tumingin siya sa kanyang kanan... (。_。)

Tumingin siya sa kanyang kaliwa... (;¬_¬)

Pati sa kanyang likod at sa taas ng kanyang ulo tumingin siya para lang tiyakin kung sa siya nga ba talaga ang pinagtitinginan o baka naman ibang tao o bagay pala.

Pero wala naman siyang makitang kakaiba sa kanyang paligid.... (•ิ_•ิ)?

Oh!oh! Hindi kaya natatakot sila sa kanyang itsurang zombie ngayon???? (O_o)

Naglakad siya ng normal na parang wala lang sa kanya ang mga mapanuring tingin at bulungan. Kahit sa totoo lang ay gustong-gusto na niyang magtanong kung nakakatakot nga ba talaga siyang tignan.

Hala! Bakit ang tatalim naman ng tinigin ng mga babaeng studyante sa SKY sa kanya? pansin niya ng makaramdam ng kakaiba sa tingin ng mga ito.

Kung makatingin naman kasi sila, parang gusto na siyang patayin ah! (━┳━ _ ━┳━)

Ganun ba siya kapangit sa kanyang itsura ngayon??????????? (´Д`)

Lalo tuloy siyang nakaconscious at nagtaka.

"LIZ!!!!!" narinig niyang tawag ng isang pamilyar na boses.

Si Jessica iyon.

Nagliwanag ang kanyang mukha ng dahil kahit paano hindi na siya magmumukhang outcast. Yehey! Thank you Je! You are my friend talaga!

Humihingal na lumapit sa kanya si Je. Tapos bigla na lang siya nito kinaladkad at dinala sa isang bahagi ng school na walang katao-tao.

Liz [Completed]Where stories live. Discover now