Chapter 52 Face to Face

5.2K 61 6
                                    

A/N:  Thanks sa  walang sawang pagsubaybay at pagread ng LIZ.... Salamat! ^___^

------------------------------------------------------

Matagal na akong nakatayo at naghihintay ng taxi ngunit wala pa ring dumadaan. Ano ba yan! Hilong-hilo na ako at masama na pakiramdam ko. Waaaaaaa! Traydor talaga yung kung anumang pink drink na iyon. Matapang pala iyon?

Isama na rin ang pagtalon-talon, pagsipa, at kung anu-ano pang ginawa ko kanina habang nakikiapaglaban. Nasusuka na talaga ako! >_<

At inaantok na din ako.  <yawn>

About kanina. ASKFJDKJGLDJGDLKGJLGJ! -______-

No comment. XD

Tchhhh! Wala pa ring taxi! >_<

 Kung lakarin ko kaya hanggang bahay? Hahahaha! Baka sa susunod na araw pa ako makarating niyan.

Suddenly, may tumigil na kotse sa harap ko.

?????

Ibinaba ng driver yung bintana ng kotse at unti-unting nareveal nagmamay-ari nun.

“Hop on!” aya sa akin ni Hero.

Anong ginagawa ni Hero dito?

“Papunta ka pa lang ba dun sa party?” takang tanong ko. Yun lang possible na naisip kong sagot kung bakit andun ito ngayon.

“Yes…But since mukhang pauwi ka na, ihahatid na lang kita.”

“Ay, huwag na… Maistorbo ka pa. Magtataxi na lang ako.” tanggi ko.

“Are you sure? Pero kahit maghintay ka ng taxi dito, baka walang dumaan.”

Mukha ngang nagsasabi ng totoo si Hero na walang daraan na taxi dun. Kanina pa kasi akong naghihintay pero ni isa man lang wala man lang dumaang taxi. Puro mga private cars lang.

No choice… -_-

“Sige. Pero hatid mo na lang ako sa downtown….” Pumayag na ako dahil gustong-gusto ko na talagang makauwi at mahiga sa kama ko.

“Sure…” nakangiting sagot ni Hero.

Sumakay na nga ako sa kotse.

******************

Habang nasa loob ng kotse, tahimik lang kaming dalawa ni Hero. Mukhang seryoso si Hero sa pagdridrive, habang ako naman ay inaantok na talaga. Pumipikit-pikit na nga mata ko eh.

“Are you avoiding me Liz?” biglang basag ni Hero sa katahimikan.

Liz [Completed]Where stories live. Discover now