KABANATA CCCV

184 4 1
                                    

“Bilisan mo na, kailangan ko na bayaran ang utang ng biyenan ko.” Umiling si Darryl.


Nakadikit ito sa kaniyang prinsipyo.



Kailangan nitong magbayad kahit na kasamahan niya si Caelan, dahil magkaiba ang dalawang bagay na iyon.



“Hall Master, huwag niyo akong ilagay sa mahirap na posisyon. Paano kita sisingilin?” may paghihirap na tanong ni Caelan.



“Bakit hindi?” pagputol ni Sophie sa dalawa, lumapit ito at sinabing. “Nanalo ako ng dalawang milyon! Caelan, hindi kaya’y nagkamali ka lang ng tingin at hindi siya ang taong sinasabi mo? Isa lang siyang nakikitirang manugang! Bakit ka natatakot sa kaniya!”




“Tita, pakiusap! Huwag ka nang magsalita!” kinabog nito ang kaniyang dibdib at malapit na rin siyang masiraan ng bait. Inilagay nito ang kaniyang ulo sa sahig. “Darryl, hindi alam ni Tita ko ang mga panuntunan, humihingi ako ng tawad para sa kaniya, I’m sorry…”



Paulit-ulit nitong idinikit ang ulo sa sahig habang humihingi ng tawad, nagsimula nang magdugo nag noo nito.



“Sige, tumayo ka na.” nagkaway ng kamay si Darryl bilang pagpapaalis.



Sa wakas ay tinikom na ni Sophie ang kaniyang bibig at pinilit na ngumiti. “Samantha, well… may gagawin pa ako at kailangan nang umalis.”


Dali daling umalis si Sophie at ang mga kasama nito.




Gulat na napatitig si Samantha kay Darryl. ‘Bakit kilala ng basurang ito ang mga iyon? May mga nakilala ba siyang mafia boss noong nagnakaw siya? Bakit takot ang pamangkin ni Sophie rito?’




Lumapit si Darryl sa higaan at pinakalma si Lily. “Okay na, okay na aang lahat ngayon.”



Hinalikan niya ang noo nito bago lingunin si Caelan, “Sundan mo ko.” Lumabas na ito sa kwarto.




Walang pag aatubiling sumunod si Caelan, sumunod din ang mga kasamahan nito.



Seryoso ang tono ni Darryl noong nasa hallway na sila. “Caelan, may hihingin ako sayo. Pakiusap, kailangan niyong gumawa ng paraan para malaman ang lahat tungkol sa pamilya Dixon.”



Pamilya Dixon?


Nagtaka ng ilang sandal si Caelan, may bigla itong naisip at saka nagsalita. “Hall Master, ang ibig mo bang sabihin ay ang pamilya Dixon mula sa Yunzhou City? Napaka makapangyarihan ng kanilaang pamilya sa siyudad.”



Ngumisi si Darryl at may pagbabanta sa mga mata nito. “Wala akong pakialam kung gaano sila makapangyarihan, maglalaho ang buong pamilya Dixon.”



‘Sinaktan nila ang asawa ko, kailangan kong maghiganti!’



Na sense nito ang kayang pumatay na aura mula kay Darryl, kinilabutan si Caelan at mabilis na sumagot. “Naiintindihan ko.”



Tumango si Darryl bilang pagkilala. “Siya nga pala, sabihan moa ng lahat na magtungo sa Donghai International Hotel ngayong gabi. Pag-uusapan natin kung ano ang pinakamainam na paraan sap ag sira sa pamilya Dixon.”








8:00 pm, Donghai International Hotel.



Maganda ang paligid ng hotel  dahil nakatayo ito sa baybayin ng Donghai City, sumunod sa Oriental Pearl.



Pina-reserba niya ang buong first floor sa kanilang pagtitipon.



Ang 1000 square feet hall ay napuno ng halos 200 na miyembro ng Eternal Palace Sect.


Si Darryl ay nakaupo sa main seat ng pinakamalaking lamesa, nasa kanan si Caelan bilang Vice Hall Master. Puno ng baso ng beer ang kanilang lamesa.


“Caelan, may natuklasan ka ba tungkol sa pamilya Dixon?” tanong ni Darryl.



“Hall Master, sinubukan kong kumuha ng impormasyon. Ang head ng pamilya ay si Timothy Dixon, may anak ito na nagngangalang Donoghue Dixon. Maliban doon ay mayroong apat na stepson si Timothy at pinangalanan niya ang mga ito base sa natural phenomena, Zephyr Dixon, Nimbus Dixon, Levin Dixon, at Volt Dixon.”



Pfft.


Volt Dixon?



‘Haha, creative siyang magbigay ng pangalan.’


Hindi rin napigilan ni Caelan ang kaniyang tawa, pero naibalik nito agad ang kaniyang control. “Hall Master, hindi dapat maliitin ang apat na ito dahil sila ang pinakamalakas at pinakamagaling sa pamilya Dixon. Narinig ko na ang apat ay Level Five Masters.”



Level Five Masters?



Napakunot si Caelan. “Maliban sa apat na stepsons, mayroon ding tauhan ang pamilya Dixon na hindi bababa sa 200.”



Tumango si Darryl. “Gusto kong maglaho ang buong pamilya Dixon, anong masasabi mo?”




Nagkamot ng ulo si Caelan at sumagot ng seryoso. “Nagsagawa ng pagsusuri ang aking mga tauhan, mayroon tayong sumatotal na 198 na tauhan kaya hindi maganda ang pwesto natin pagdating sa numero. Hindi rin Malaki ang tiyansa nating Manalo kung magtutuos tayo, magiging mahirap na pagkapanalo ang mangyayari kung Manalo man tayo, hindi woth it.”



Napahinto ng ilang sandal si Caelan at nagpatuloy. “Tapos, nakaisip ako ng plano.”



“Ano yun?” tanong ni Darryl.




Ngumiti si Caelan at nagpatuloy. “May natuklasan ako tungkol sa stepsons ng pamilya Dixon. Mahilig uminom sina Zephyr at Levin, mahilig naman sa sugal si Volt. Nagkaroon ako ng plano kung paano sila papatumbahin dahil sa interes nila!”



Malakas ang loob ni Caelan nang nagsalita ito. “Hindi na masyadong problema ang ibang miyembro ng pamilya Dixon basta mabantayan nating maigi itong apat.”



“Magandang ideya!” tumango si Darryl at tinapik ang balikat ni Caelan. “Ikaw na ang paghahawakin ko. Isa pa, dapat mahuli ng buhay ang stepsons ni Timothy Dixon, at kailangang tapusin naag lahat ng miyembro ng Dixon.”




Ang apat na iyon ay Level Five Master.



Magagamit sila, saying naman kung papatayin lamang ang mga ito.



Mas gugustuhin ni Darryl na maging tauhan niya ang mga ito.



Sabik na tumango si Caelan. “Walang problema, Hall Master. Sinisigurado sa inyong makukumpleto ko ang misyon.”



Tumango si Darryl at nagtaas ng baso, tumawa ito at nagsalita. “Magaling, napakahusay! Cheers, mga kapatid. Hangad ko ay magtagumpay kayo!”



“Nasa atin ang tagumpay!”



Tumayo ang lahat at sabay sabay na itinaas ang kanilang baso, tila ba sumabog ang boses nang mga ito at isang inumang naubos ang kanilaang beer!


Uminom at nagsalo ang mga ito bago matapos ang meeting.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz