KABANATA CCXLVIII

613 8 3
                                    

Bumukas ang pinto habang sila ay nag uusap, nagmamadaling pumasok si Darryl papunta sa higaan at may hawak itong itim na pill.

“Dax, bilis, inumin mo to!”

Mukhang kinakabahan si Darryl.

Agad ngumanga si Dax para inumin ang pill ng walang hesitasyon.

Nakakunot ito ng noo at ngumiwi matapos niyang lunukin ang pill. “Damnit! Anong pinainom mo sakin? Ang weird ng lasa at ang baho!”

Napakasama ng lasa nito na para bang galling sa imburnal.

“Hehe, mabaho talaga ang pill na ito. Pero elegante ang pangalan – the Five Beasts Reincarnation Pill.” Sabi ng may misteryosong ngiti na si Darryl.

Huh?

Five Beasts Reincarnation Pill?

Nanlaki ang mata ni Dax habang nakatitig sa kaniya.

Pinunasan ni Darryl ang kaniyang kamay ng wet tissue at nakangiting nag explain.

“Napanood mo ba ang Journey to the West? Isa sa mga senaryo, rotasyong pumunta ang apat sa kanila sac r at ang tawag sa cr na iyon ay the ‘Place of Reincarnation”. Gawa ang pill na ito sa dumi ng limang uri ng hayop, kabilang rito ang dumi ng kabayo, dumi ng tupa, dumi ng baka at ....."

Noong isang gabi, habang nagbabasa si Darryl ng Infinite Elixir Manual, nabasa nito ang tungkol sa spiritual elixir na nagngangalang the Five Beasts Reincarnation Pill. Sinasabi ng manual na ang pill na ito ay kayang ayusin ang baling buto at epektibo sa paggamot ng mga sugat. Ito ang kailangan ni Dax.

Nakakagulat lang na nakuha ni Darryl ang mga kailangang spiritual na halaman na galing pang isla para sa pill na ito. Maliban sa kailangan rare herbs, ang main ingredients ay ang limang uri ng dumi. Pumunta na sa labas ng siyudad si Darryl dahil ang materyales ay nasa probinsya at wala sa malaking siyudad.

Matapos nitong pinuhin ang pill, dali daling pumunta si Darryl sa ospital at pinainom ito kay Dax.

Matapos matapos makinig kay Darryl ay nagberde ang mukha ni Dax. Sinubukan nitong idura ang nainom na pill.

"Ano? Dumj ng kabayo, dumi ng tupa..... Darryl! Bakit mo naman ako pinakain ng t*e? Hayop ka! Sinusubukan mo ba akong patayin habang may sakit pa ako?"


Hayp! Limang klase ng dumi na pinaghalo....

Biglang sumama ang pakiramdam ni Dax at gusto na niyang ilabas sa lalamunan ang pill. Sobrang nakakadiri!

Masama ang tingin ni Nancy kay Darryl at dali dali itong lumapit kay Dax para tapikin ang likod nito.


"Darryl, isa kang.... Darling ayos ka lang ba? Bibigyan kita ng baso ng tubig...."

Ano ba ang iniisip ni Darryl? Bakit niya hinayaang makakain ng nakakadiring pill si Dax?

Hindi na lubusang nagpaliwanag pa ang nakangiting nakatayo na si Darryl.


Matapos ang ilang segundo.


"Dear, huwag mo kong tapikin sa likod."

Bigla nalang naramdaman ni Dax ang mga braso at binti nito! Ilang segundo lang ang nakaraan ay sinubukan pa nitong ilabas ang pill, pero ngayon ay para na siyang makulit na bata! Nag backflip pa ito bago umalis sa higaan, pati ang kaniyang legs ay nakakagalaw na!?

Huh?

Hindi kayang mag backflip ni Dax noong bago pa siya masugatan!

Gulat na gulat si Nancy. "Dax, nakaka....."

Malinaw na sinabi ni doctor Shelly na severly injured at sira ang hamstrings muscla ni Dax. Sinuwerte lamang siya at nabuhay pa siya pero habang buhay na dapat siyang naka wheelchair.

Anong nangyari? Hindi lamang nakakatayo si Dax pero nag backflip pa ito?


Hindi ito kapanipaniwala! Hindi maniniwala si Nancy kung hindi niya ito mismong nakita! Nanginginig siya sa excitement ngayon, pero hindi pa dito nagtatapos ang lahat.

Humakbabg ng dalawa o isa si Dax bago nagtatakbo sa ward na parang unggoy, tumatalon ang humahakbang na para bang hindi na injured.

"Nakakagalaw na ko! Nakarecover na ang mga binti ko! Haha!"

Mahigpit niyang niyakap si Darryl habang tumatawa sa tuwa.


"Wow Darryl! Magaling ka pala sa ganito, umepekto ang pill na parang magic! Hindi ako kumain ng t*e para sa wala!"


Sobra ring natuwa si Darryl pero nang yakapin siya nito at tinulak niya palayo si Dax habang nandidiring nakatingin.


"Hayop, ang baho ng hininga mo amoy t*e. Lumayo ka sa akin....."

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now