KABANATA CCLXXXII

485 7 2
                                    

Kasalukuyang nagmemeditate ang Abbess Mother Serendipity sa bakuran ng tinutuluyan nilang mansion nang maglabas ito ng isang napakaganda at napakalakas na aura sa mahaba at kulay puti niyang dress.



Habang isa namang imahe ng tao nag mapapnsing nakasilip at malademonyong nakangiti sa pintuan papasok sa bakuran. Ito ay walang iba kundi si Florian Darby.



Mula noong tumuloy ang naggagandahang mga tagasunod ng Emei Sect sa masyadong katabi ng tirahan ng mga Darby, umasa na si Florian na magkakaroon siya ng isang hindi makakalimutang sandal kasama ng mga ito.




Pero madalang lang lumabas sa kanilang mansion ang Abbess Mother Serendipity at ang ibang mga tagasunod ng Emei Sect. madalas na tumatambay ang mga ito sa bakuran ng tinutuluyan nilang mansion.



Hindi nagawang suwayin ni Florian ang utos ng kaniyang lolo kaya tumayo lang siya sa bakuran para tingnan ang mga babaeng ito. Ditto na biglang pumasok sa kaniyang isipan ang isang ideya.


Napansin ng Abbess Mother Serendipity si Florian at sinabing. “Mister Florian.” Magalang nitong bati. “May maitutulong ba kami sa iyo?”



“Pasensya nap o sa istorbo Abbess Mother Serendipity.” Seryoso nitong tawa.



“Pero nag iisip kasi ako… dahil gaganapin na ang Mid Autumn Festival sa loob ng dlawang araw, gusto ko sanang imbitahin ka at ang iba pang mga tagasunod ng Emei para kumain sa aming mansion.”


Pinag isipan ng Abbess Mother Serendipity ang offer na ito ni Florian. “Masyado nang maganda ang ibinigay ninyong pagtrato sa amin.” Sagot nito habang namumula sa hiya na kaniyang nararamdaman.



Natuwa siya ng husto matapos silang bigyan ng pamilya Darby ng lugar na matutuluyan. Kaya sobra sobra na para sa kanila ang paghahanda ng mga ito ng isang banquet para sa kanila.



“Sa sandaling ddumalo ang mga tagasunod ng Emei sa banquet na ito, magagawa ko na ring mapalapit sa kanila. Lalo na sa Abbess Mother Serendipity sa sandaling malasing na ito.”



Hanggat magagawa niyang mapapunta ang mga tagasunod ng Emei sa banquet na kanilang idadaos sa Mid Autumn Fextival, magkakaroon si Florian ng tiyansa na mapalapit sa mga ito, lalo na sa Abbess Mother Serendipity sa sandaling malasing niya ito, isip ni Florian.



“Maliit na bagay lang ito!” tawa ni Florian.



“Kaya huwag po kayong mag alala.”



“Pag iisipan muna naming ang tungkol sa bagay na ito.” Sagot nito.


Nasasabik na tumawa si Florian at sinabing. “Sige! Hihintayin ko ang sagot mo!”



Ditto na siya tumalikod at umalis.



Samantalang sa HexaD, Physical Education ang huli nilang subject sa araw na ito. Nagkataong ito rin ang klase ng Class 17 na katabi ng kanilang klase.



Ang mga estudyante ng dalawang mga kaklase na ito ay nagmula sa mayayamang mga pamilya sa Donghai City.



Sina Lily, Yvonne, at Kent ay nagmula sa class 17.


Ang Physical Education ay parang nagging isang free period para gawin ng mga estudyante ang sinumang gustuhin nila.


Ang iba ay naglaro ng basketball sa court, habang ang iba naman ay naglaro sa kanilang mga cellphone, at ang iba ay naglakad habang nakikipag usap sa isa’t isa.


Nakaupo si Darryl sa ilalim ng isang puno habang naghuhum sa kaniyang sarili nang lumapit ang isang payat na babae sa kaniya. Ito ay walang iba kundi si Lily.



Binigyan ni Lily si Darryl ng isang bote ng tubig na kaniyang binili para rito.


Naramdaman ni Drryl na mas nagging mahinahon si Lily sa kaniya nitong mga nakaraang araw, nagawa rin nitong magpakita ng care sa kaniya.



Naiinggit namang tiningnan ng mga lalaki sa court si Darryl lalo na ng mga lalaking nagmula sa class 17. Nanlaki ang kanilang mga mata sa kanilang nakita.



Si Lily ang nagging belle ng kanilang klase. Kaya bakit siya nagging malapit sa lalaking nagmula sa ibang klase? Nagselos sila rito.


Hindi ba’t si Darryl ang nakikitirang manugang na hindi nagawang hawakan si Lily sa tatlong taon nilang pagsasama? Bakit ganito na sila kalapit sa isa’t isa ngayon?



At pagkatapos ay isa nanamang imahe ang lumapit sa kanila. Ito ay walang iba kundi si Yvonne Young. Mayroon di siyang hawak na bote ng tubig na kaniyang ibinigay kay Darryl. “Uminom ka muna, Darryl.” Sabi nito.



Mukhang mas gumanda si Yvonnce ngayon kaysa noong huli silang magkita. Nakasuot ito ng isang kulay putting pang itaas at isang masikip na jeans. Siya ang nagging sentro ng atensyon ng lahat  kahit saan man siya magpunta.



Umupo siya sa tabi ni Darryl at naglabas ng isang piraso ng kulay putting jade.



“Darryl, alam mo ba kung anong klase ng jade ito? Tanong niya.



Ilamng araw na niya itong hindi nakikita, pero hindi pa rin nito magawang maalis si Darryl sa kaniyang isipan.




Alam ni Yvonne na magkakasabay ang kanilang mga klase sa huling subject ngayong araw kaya nagdala siya ng jade para ipatingin ditto.



Hindi alam maging ni Kingston ang kasaysayan sa likod ng kulay putting jade na ito kaya naisip niyang itanong ito kay Darryl.



Ginamit niya na rin ang pagkakataong ito para lumapit kay Darryl.



“Isa itong White Nephrite Jade mula sa Hetian, ito ang uri ng jade na hinahanap ng llahat. Masyado itong madulas para hawakan at mayroon ding napakaselang texture.” Detalyadong tingin ni Darryl sa jade.




Nagpatuloy siya sa pagsasalita. “Kung hindi ako nagkamali, mukhang nagmula ito sa palasyo noong Tang Dynasty.”



Nagkunwari namang naglalaro ng basketball ang mga lalaki sa court, pero nakatingin pa rin silang lahat kay Darryl.



“Ano ang nangyayari? Bakit nagawa ng dalawang naggagandahang babae na umupo katabi ng isang nakikitirang manugang?”




“Mahilig na ba ang lahat ng babae sa mga magnanakaw ngayon?” tawa ng magkapatid na Palmer habang naglalakad malapit sa tatlo.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now