KABANATA CCLXV

579 8 0
                                    

Ang Oriental Pear ang pinakamagandang hotel sa siyudad. Siyempre ay pinili nito ang best hotel para sa kaunaunahan nilang pagsasama.


Sumaya ang lahat ng marinig na sa Oriental Pearl sila pupunta. Ang lahat ay masayang lumabas ng classroom at nagtungo sa kani-kanilang sasakyan. Dahil nagmula sa mayayamang pamilya ang karamihan sa kanila kaya naman mayroon silang sariling sasakyan at kung minsan pa ay sinasabay ng mga ito ang mga walang sasakyan.


Kinailangan ni Darryl ng masasakyan pero puno na ang karamihan sa mga ito. Pumalibot ang tingin ni Darryl at nakita nitong may bakante pang upuan sa sasakyan ni Declan.


Si Declan ang maagmamaneho, katabi nito si Miles na nasa passenger’s seat at nasa likod naman ang mga pinsan ni Dax na sina Daisy at Daphne, ay mayroong bakante sa tabi nila.


Binuksan ni Darryl ang pinto, papasok na dapat ito nang bigla siya tinulak ni Daisy at nandidiri itong tiningnan. “Darryl, puwede bang sumakay ka nalang sa iba?”


“Bakit? Puno na ang lahat ng sasakyan at ito nalang ang may bakante.” Sabi ni Darryl.


Tiningnan ito ng masama ni Daisy. “Sinuwerte ka nga at naimbita ka sa pagsasalo, pero ngayon ay gusto mo pang umupo sa sasakyan niya? Isa pa, mukha kang madumi kaya mag taxi ka nalang!”


Ayaw nitong umupo katabi ng isang walang kuwentang manugang.


Dinagdagan pa ito ni Declan. “Darryl, nakikita mo bang ayaw kang katabi ng dalawang magandang babae? Hindi kita matutulungan, mag taxi ka nalang.”


Nagtawanan ang lahat ng nasa sasakyan matapos niya itong sabihin, tumingin rin ang mga ito kay Darryl ng may pandidiri.


Nakakalungkot ang pangyayari. Walang may gusto sa nakikitirang manugang na si Darryl, kaya naman sumakay nalang siya ng taxi.


Napabuntong hininga si Darryl. ‘Napaka materialistic ng mga tao sa panahon ngayon. Hindi ba’t parang pagkain lang iyon?’


Handa na itong umalis. Nilapitan ito ni Katherine at nagsalita. “Darryl isasakay na kita.”



Ang sasakyan nito ay kulay pink na BMW. Nakita nitong walang may gusto kay Darryl, at nakaramdam ito ng responsibilidad na tulungan ito bilang teacher niya kaysa magtaxi ito.



Amoy floral ang sasakyan nito. Narelax ang nakaupong si Darryl, sumulyap rin ito sa teacher. Napakaganda niya, ang pagiging istrikto nito ang hindi maganda sa kaniya.



Habang nagmamaneho ay nagsalita ito.



“Darryl, sa nakikita mo ay hindi ka gusto ng mga estudyante sa klase natin at ayaw ka rin nilang isakay o makatabi sa loob ng sasakyan. Kaya kailangan mong magsipag at magtrabahong maigi, dahil kung hindi lagi ka lang nilang mamaliitin at mananatii ka bilang isang nakikitirang manugang buong buhay mo.”



Mapait na ngumiti si Darryl. “Huwag kang mag alala Miss Ktherine, magtatrabaho akong maigi. Puwede ko nap o bang makuha ang phone ko?”



Kinuha nito ang kaniyang cellphone at hindi pa nababalik.



Nangitim ang mukha ni Katherine at tumingin ng masama kay Darryl.


“hindi k aba nakikinig kanina? Kinumpiska ko ang phone mo at ngayon ay hinihingi mo na ito? Sabi ko, ibabalik ko ang phone mo bukas kapag hindi ka na pasaway.”

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now