KABANATA CCXLVIII

596 14 7
                                    

‘Isang napakamalas na araw.” Naisip ni Dax.


Naghihingalo si Dax at mukhang bato ang ekspresyon nito dahil sa pagtakbo ng napakaraming laps kasama si Darryl.


“Buwiset siya! Tatandaan ko tong Katherine na to. Hindi pa ako naiinsulto ng ganito buong buhay ko!” pag rant ni Dax Habang tumatakbo.


Apat na beses itong sinampal at pinarusahan pa na tumakbo ng hundred laps.


Nakakainsulto ito para sa kaniya.


“Sige, pero sa kung anong meron tayo ngayon, sa tingin ko ay hindi pa ito ang tamang oras para maghiganti. Kung mas mababa ka kaysa sa kaniya, kailangan mo munang alisin ang ego mo.” Pinakal ito ng walang laban na si Darryl.


Samantalang sa classrooms na nasa taas nila, hinayaan lang ng mga teachers na mag self-study ang mga estudyante pagtapos magpakilala ng mga ito.


Sa year One Class Seventeen, nakaupo si Kent Hough sa tabi ng bintana. Na bored siya at napatingin sa kung ano ang nangyayari sa field.


“Haha! Tingnan niyo oh! Di bay an yung walang kuwentang manugang? Pinaparusahan siya ng pagtakbo ng laps sa palibot ng field!” excited na sigaw nito.


Ang buong klase ay lumapit sa bintana at pinagtawanan si Darryl.


“Siya nga yun!”


Hindi lang sila, pero tumingin rin ang mga estudyante mula sa iba’t ibang klase. Nakakatawa nga naman na parusahan ka sa unang araw palang ng klase. Hindi rin nakapagpigil na makinood sina Lily at Yvonne.


Ngayong araw ang opening ng Hexad School, ito rin ang unang araw ng klase. Pero iilan lang sa mga ‘sikat’ ang nasa itaas ang pangalan.


Nasa pinakaitaas ang pangalan ni Circe Newman dahil siya ang tagapagmana ng pamilya Newman. Kaagad itong nagging popular dahil sa napaka makapangyarihan nitong background at dahil na rin sa napakaganda nitong itsura. Wala halos sa lahat ng lalaki ang hindi nagkakagusto rito.


Ang pangalawang sikat na nasa listahan ay si Gordon Claydon. Nasa fashion industry ang pamilya nito kaya naman magaling itong pumustura, hind ilang iyon marami ring nagkakagusto rito dsahil sa napaka guwapo nitong itsura.


Natural lang na maging pinaka popular sina Circe at Gordon bilang lady at gentlemen sa school.


Ang sumunod sa listahan ay walang iba kundi si Darryl. Hindi dahil sa pagtakbo nito ng hundred laps, kundi dahil kilala ito bilang isang walang kuwentang manugang. Narinig ng lahat ang balitang tatlong taon na niting kasama ang asawa pero hindi niya pa ito nagagalaw, sinong mag aakalang magiging isang joke si Darryl sa buong school bago pa man matapos ang araw?


Dahil ngayon ang unang araw ng school, walang naka schedule na klase at nagtapos ang araw ng hapon. Wala pang kalahating oras ay nakaalis na ang halos lahat ng estudyante sa complex, pero alas tres ng hapon natapos nina Dax at Darryl ang isang daang laps.


“Hayop, pagod na pagod n ako!” pag aangal ni Dax Habang palabas ng school, balot ito ng pawis; basing basa ang damit nito. Hinawakan nito ang balikat ni Darryl.


“Magshower tayo kung san man, balot na ako ng pawis!”


Habang nag uusap ang dalawa ay may biglang sumulpot na magandang babae, si Lily.


May dala itong dalawang bote ng tubig, lumapit ito kaagad nang makita ang dalawa. Inabot nito ang dalang tubig.


“Dinalhan ko kayo ng maiinom. Darryl inumin mo ito.”


“Haha! Napaka maalalahanin mo naman!” tinanggap ni Dax ang bote at ininom ito nang may malaking lagok, naglabas ito ng refreshing na pagbuntong hininga pagtapos.


Hindi tinanggap ni Darryl ang tubig at hinila ang braso ni Dax.


“Dax, maghanap tayo ng pwedeng pagliguan.”


Nagpanic ang napakagat labing si Lily.


“Darryl please huwag ka nang magalit. Pwede ka bang sumama sakin pauwi? I’m really sorry. Nagmamakaawa ako.”

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now