KABANATA CCLXI

572 13 3
                                    

‘Pinsan ni Jade ang matabang lalaking ito? Maganda si Jade kaya nakakapagtakang may pinsan itong napakapangit at mataba.” Sa isip isip ni Darryl.


Umiling si Darryl. “Lisa at Jack tama? Umuwi na kayo, makikinig sila sakin, hindi namin ipagbibili sa inyo ang No.99.”


Nagulat si Lisa, dinuro nito si Darryl at pagalit na nagsalita. “Makikinig sayo? Anong sinasabi mo? Na hindi mo ibebenta ang villa sa amin? Hindi ba staff member ka lang dito? Tsk, tsk, tsk, sabi na ng aba. Security guard ka dito hindi ba? Kalian pa nagkaroon ng karapatan ang security guard na tanggihan ang buyer, eh?”


Malakas at malinaw ang boses nito at pumalibot sa kanila ang mga nakarinig.


Namula ang pisngi ni Dora, hinila nito si Darryl. “Umalis nalang tayo.”


“huwag muna kayong umalis! Tatawagan ko ang pinsan ko at tatanggalan ng trabaho ang security guard mong boyfriend.” Natatawang sabi ni Jack.


Tinawagan nito si Jade at agad maman itong sumagot.


“Jade pumunta ka rito, urgent.” Sabi ni Jack.


“Please, please huwag kang tumawag!” nagpapanic si Dora.


Napagtanto nitong nandito si Darryl hindi para bumisita, baka nga isa itong part time security guard sa lugar.


‘Hindi siya puwedeng mawalan ng trabaho dahil sakin!’ nasa isip ni Dora, bahagya itong lumapit.


“Nanghihingi ako ng tawad sa inyong lahat, please huwag na kayong tumawag. Aalis na kami ni Darryl ngayon.”


“Huli na ang lahat.” Nasa bulsa nito ang phone.


“Ganito nalang, lumuhod kayo ng boyfriend mo sa harapan ko at magmakaawa? Hindi ko siya ipapatanggal sa trabaho at gagawin ko siyang head ng security.”


“Kailangan ko ba talagang lumuhod?” ngumiti si Daryyl.


“Oo, lumuhod ka! Hindi na kita ipapatanggal kung luluhod ka at magmamakaawa ka.” Sabi ni Jack.


“Kailangan ko ba talagang gawin iyon?” tanong ni Darryl.


“Oo!” singhal ni Jack “Hindi lang ikaw, pati ang girlfriend mo na si Dora ay kinakailangan ding lumuhod. Sumasagot sagot ka pa sa akin kanina at iniinis mo ako, aalisin kota sa trabaho kung hindi ka luluhod sa sahig.”


Habang nagsasalita ito ay mayroong papalapit na isang sexy na babae, nagmamadali ito.


Si Jade.


Nakasuot ito ng puting shirt at hapit na formal skirt na nagpapakita ng kaakit akit nitong kurbada. Nasa malapit lang ito kanina kaya naman agad itong pumunta nang tumawag si Jack dahil sa urgent na nangyayari.


“Jade!” lumapit dito ang nakangiting si Jack.


Tumango si Jade at nagbigay tingin kay Lisa. Kilala niya ang kaniyang pinsan bilang babaero. Narinig nito na naghahanap si Jack ng villa kaya nilaan niya ang No.99 para dito at binigyan niya pa ito ng discount, kaya naman nagging reasonable na ang presyo nito.


“Jade, bastos ang guwardiyang ito. Tanggalin mo na siya!” tinuro nito si Darryl.


Sinundan nito ang direksyon ng daliri ni Jack at nakita ang nakatinging si Darryl.


“Si-sinong security guard?” nagulat na tanong ni Jade.


“Siya!’ tinuro ni Jack si Darryl.


“Jade alisin mo na siya ngayon! Nakakadiri siya at bumababa ang class ng lugar na ito kung mananatili siya ditong magtrabaho.”


Slap!



Itinaas ni Jade ang kamay at sinampal ng malakas si Jack.


“Itikom moa ng bibig mo!” nanginginig sa galit si Jade habng naglalakad ito papalapit kay Darryl.


“Daddy….”


‘Huh?’ Gulat na gulat si Jack. ‘Nasa twenties pa lang si Darryl. Paanong… paano siya nagging daddy?’


Ngumiti si Darryl kay Jade. “Nakakamangha ang pinsan mo, gusto niya akong humingi ng tawad sa kaniya. Ano sa tingin mo? Luluhod ba ako?”


Biglang nagblangko ang isip nito, kinilabutan ang buong katawan at nagmistulang jelly ang mga binti. Hindi niya mapigilang tumingin ng masama kay Jack, lagi nalang nagdudulot ng problema ang pinsan niyang ito!


Bago pa man magsalita si Jade ay agad na lumuhod sa sahig ang namumutlang si Jack.


“Bro… Sir, nagkamali ako. Napaka ignorante ko sa bastos na pananalita ko sayo. Please, please patawarin niyo ako.” Nauutal na sabi ni Jack.


Nagpanic si Jack. Ngayon ay nakikita ng lahat na hindi isang security guard si Darryl. Mukhang siya ang may ari ng Windon Real Estate at dahil tinawag itong Daddy ng kaniyang pinsan, maaari niya lamang itong tawaging Sir.


Maya maya pa ay napakunot si Lisa at sinundan si Jack na lumuhod sa sahig. Namuti sa putla ang mukha nito at kinilabutan ito dahil sa kaba, hindi rin ito makapagsalita.


‘Sino siya?’ nasa isip ng isang napadaan lamang.


Nagulat ang mga napadaan na nakapalibot, hindi sila makapaniwala at nagpigil hininga.


“Huh? Di ba ako ang pinapaluhod mo? Bakit ikaw na ngayon ang nakaluhod?’ inasae at tiningnan ni Darryl si Jack.


“Sir, nagkamali ako. Please patawarin ninyo ako.” Nahihiyang ngumiti si Jack. Tumingin rin it okay Jade at umaasang tutulungan siya nito.


“Daddy, paano… anong dapat gawin natin?” kinagat ni Jade ang labi at maingat na nagtanong.


Upang maging patas, mahirap basagin ang ekspresyon ni Darryl. Mukha itong ngumingiti per hindi talaga, kaya naman mas lalong kinabahan si Jade. Si Darryl ang nagbigay rito ng kung anong meron siya ngayon, maaaring matanggal siya sa trabaho kung magagalit si Darryl.


Nang makita ang kinakabahang si Jade, ngumiti si Darryl. “Paano ko malalaman? Di ba pinsan mo siya? Ikaw na ang magdesisyon.”


Pasikretong nagbuntong hininga si Jade. Hindi galit si Darryl kaya hindi na masama.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now