KABANATA CCLIII

767 14 4
                                    

Ang kotse ay nakakabaliw na, mayroon pang daang daang kalalakihan ang nakabantay rito, talagang nakakamangha ang senaryo. Marahil ang tao sa loob nito ay napaka importante at hindi maikukumpara sa maliit na pamilya.

'Sino kaya ito? Isang estudyante sa school?' nag iisip ang lahat.

Lahat ng mata ay hindi maalis sa sasakyan habang dahan dahan itong umaandar. Daang daang lalaki ay nakapila sa dalawang linya at binuksan ng lead guard ang pinto.

Isang sexy at napakagandang babae ang lumabas sa Lincoln.

Nagpigil hininga ang lahat.

'Ang ganda! Napakaganda niya!' sa isip isip ng lahat

Nakabihis ito ng mahaba at itim na dress at nakakapaglabas ng air of style ang elegance. Nakakaakit ang katawan nito, hind lang ang ordinaryong kalalakihan ang nakatingin sa kaniya pero pati na rin ang mga mayayaman ay napatitig ng hindi kumukurap!

"God! Papasok rin siya dito?" may isang sumigaw sa sobrang excitement, at ang lugar ay muling nagkagulo.


Ang pamilya Newman mula sa Kyoto ay isang malaking pamilya na may mahabang history, mayroon silang properties at businesses sa buong lugar. Hindi lang iyon, ang ilan sa miyembro ng pamilya ay Elders ng Tianshan school. Walang nag akala na ang tagapagmana ng pamilya Newman ay pupunta roon.

"Napakaganda ni Circe Newman! Masaya akong mamamatay makatabi lang siya ng isang gabi!" sabi ng isa sa kanila.

"In your dreams! Wala siya sa league natin." Sagot ng isa sa kanila.

Habang nag uusap ang mga ito, may isang staff member ang nagpaskil ng listahan ng pangalan sa board.

May isang private car ang pumarada, lumabas ditto sina Dax at Darryl.

'Damn it, bakit napakaraming tao?' nasa isip ni Darryl.

Nagulat sa dami ng tao sa square. Grabe ang traffic papunta rito at inakala niya na hindi masyadong crowded sa school pero mali siya. Ang school na ito ay binubuo ng Six Sect, majestic lahat kahit ang gate, may haba itong forty meters. Sa kaliwang banda ng gate ay may nakaukit na 'Six Sect' habang ang 'The Hexad School' naman ang nasa bandang kanan.


"Damn it, Darryl. Nalabas na ang listahan, tingnan na natin!" sabi ni Dax.


Masyadong maraming tao, inabot rin sila ng ilang sandal bago nakita kung saang class sila mapupunta.


"Hahaha, Darryl nasa parehong class tayo! Kasama rin natin ang dalawa kong pinsan. Apat tayong magkakasama sa iisang class." Natatawang sabi ni Dax.


Muling tiningnan ni Darryl ang listahan at nakita nito na magkakasama sila sa Year One Class Sixteen.


"Darryl." Tawag ng pamilyar na boses.


Isang tao ang may pamilyar na itsura ang naglakad palapit kay Darryl, si Lily.


Lahat ay napatitig rito at napaisip ang lahat ng kalalakihan kung sino sino ang mga masuwerteng lalaki ang makakasama nito sa class.


Huminto ito sa harap ni Darryl at hinila ang kamay nito. "Darryl, galit ka pa ba sa akin? I'm so very sorry."


Napakaliit ng boses nito at si Darryl lang ang makakarinig noon, pero hindi niya ito sinagot. At ayaw rin nitong kausapin si Lily.


"Lily nandito ka rin? Haha." Bati ng papalapit na si Dax.


Kahit na lubos siyang nasugatan dahil kay Lily ay napatawad niya parin ito dahil asawa ito ni Darryl.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now