KABANATA CCLXXXVI

748 11 3
                                    

Huminga nang malalim si Katherine bago magpatuloy sa kaniyang pagsasalita. "Ang posibilidad na mamaster mo ang mga manual na ito ay nasa 1:1000 lamang. Kaya huwag ka sanang umasa nang husto na mamaster ang mga manual ma ito sa una mong pagkakataon na maaccess ang mga ito."

Gaano nga ba ito kahirap?

Sumimangot si Darryl at sinabing. "Kailan po ako puwedeng pumasok dito, Miss Katherine?" tanong ni Darryl.

"Puwede na kita dalhin doon ngayon." sagot ni Katherine.

"Hintayin niyo po muna ako rito, Miss Katherine." Putol ni Darryl sa sinasabi ni Katherine. Agad siyang tumakbo papunta kay Circe nang may mukhang humihingi ng tawad.

"Pasensya ka na talaga Circe."

Humingi siya ng tawad dito. "Mayroon kasing ipinapagawa si Miss Katherine kaya mukhang hindi ako makakapunta mamaya. Puwede ba natin itong gawin sa ibang araw?"

Masyadong nakakasabik ang pagkain kasama ng isang napakagandang babae, pero sino nga ba ang mas makakatiis sa oportunidad na imaster ang mga manual mula sa anim na orthodox sect?

“Okay.” Hindi natutuwang tumango at direktang sumagot na si Circe. Wala pang kahit na sino ang tumanggi sa kaniya si Darryl pa lang ang gumawa nito.

Pagkatapos ng kalahating oras, sinundan ni Darryl si Katherine papasok sa library. Nagring na ang bell ng school kaya marami ring mga estudyante ang kasabay nilang pumasok.

Dahan dahan silang naglakad papunta sa isang tagong sulok na may nakasabit na painting sa dingding. Inalis Katherine ang painting na nagpakita sa isang pintuan.

Pinindot niya ito at dahan dahang bumukas ang dingding na nagpakita sa isang hagdan papunta sa ibabang bahagi ng library.

“Bukas na ang pinto pero hindi kita pupwedeng sundan pababa.” Paliwanag nito.

“Kaulangan mo itong gawin nang nag iisa. Tandaan mo, hindi mo maaaring dalhin ang manual palabas. Maari mo lang itong sanayin sa baba. Dahil kung hindi, agad kang ipapaexpel sa ewskwelahang ito.”

Ang basement ng school library ay isang pinagbabawal na lugar. Maging ang mga guro ay hindi maaaring pumasok nang walang pahintulot mula sa school.

“Opo Miss Katherine.”

Bumaba si Darryl sa matarik na hagdan pero matapos ang dalawa hanggang tatlong daang halbang isang kuwarto ang nagpakita sa kaniyang harapan. Mayroon itong anim na magkakapantay na dingding na kumakatawan sa anim na mga sekta.

Mayroon isang platform sa gitna ng kuwartong ito, pero maliban dito, wala itong kahit na isang bookshelf.

“Nasaan na ang mga manual?” isip ni Darryl.

Nang biglang lumutang ang napakaraming libro sa anim nitong mga dingding. Lumutang ito sa paligid ng kuwartona nakapagpahilo sa kaniya.

Ring! Ring!

Nagring ang cellphone ni Darryl. Sinagot niya ito at agad na nalamang si Katherine ang tumawag sa kaniya.

Sinabi nito na. “Isang manual lang ang puwede mong makuha, Darryl. Kinakailangan mo itong saluhin, tandaan mo may isang pagkakataon ka lang para gawin ito! Kaya pag isipan mo nang maigi ang iyong napili.”

Ano? Kinakailangan niyang kumuha ng manual mula sa gitna ng ere?

Halos maluha si Darryl sa kaniyang nakita. Kasing bilis ng liwanag na lumilipad ang mga manual na ito kaya hindi niya magawang makita maging ang mga nakasulat sa cover ng mga ito.

“Pero Miss Katherine, hindi ko po mababasa ang mga nakasulat sa manual!” reklamo ni Darryl.

Masyado itong random. Ang pagkuha ng manual dito ay parang pagbili ng isang ticket sa lotto – nakabase ito sa mga purong suwerte.

Tumawa rito si Katherine. “Pumili ka na lang ng isa! Isa nang malaking karangalan ang pagpasook sa basement na ito. Kaya dapat lang na matuwa ka sa pagkakataong ito! Pareparehong magaganda ang mga manual na ito. Kaya pumili ka na lang ng isa sa mga ito!” at pagkatapos ay agad na niyang ibinaba ang tawag.

Huminga nang malalim si Darryl. Dito na niya narealize na kumupas na sa kulay dilaw o puti ang mga manual maliban sa isang manual --na nagkaroon ng kulay ng pula.

Ito na iyon!

Agad niyang nakuha ang manual gamit ang mabilis niyang mga reflex. Agad na nawala ang ibang mga manual nang makuha niya ito.



Huminga nang malalim habang tinitingnan ang manual na ito. Makikita sa cover nito ang ilang mga naglalakihang salita.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now