KABANATA CCLXXIX

866 8 7
                                    

Ano?



Halos matumba ang lahat ng makita nila ang listahan. Napapigil sa paghinga ang ilang mga kababaihan sa sobrang pagkamangha.



Five million.



Paano nagawa ng nakikitirang manugang na itong magdonate nang ganito kalaki? Saan niya nakuha ang perang ito.



agad namang napatanong ang walang kamuang muang na si Katherine ng, "Ano ang nangyari? Bakit kayo nagulat?"



"Miss Katheerine." sagot ng isa sa kaniyang estudyante.




"Tingnan niyo po ang online donation platform."




Dito na chineck ni Katherine ang kaniyang cellphone at nanginig sa kaniyang nakita.




Ano? Nagdonate si Darryl ng five million? Siya na ang estudyanteng may pinakamalaking donasyon sa buong Hexad!




Natigilan siya sa kaniyang kinatatayuan habang hindi makapaniwalang tumingin kay Darryl.



Himdi maiwasang mapatingin si Circe kay Darryl, dumilim nang bahagya ang kaniyang mga mata. Kung magagawa niyang magdonate ng five million, bakit siya magnanakaw ng mga cellphone? Maliban nalang kung totoo ang mga sinabi niya kanina?



Kasama sa estudyanteng natigilan ay ang magkapatid na Palmer --sina Daisy at Daphne-- naguluhan sila sa kanilang nakita. Hindi nila ito maintindihan. Paano nagawang magdonate ni Darryl nang ganito kalaking halaga?




Lumapit si Darryl kay Declan at sinabing. "Sinabi mong mahirap lang ako Declan kaya kinakailangan kong magnakaw ng mga cellphone?" akusa nito.



"Sabihin mo nga sa akin kung gaano karaming cellphone ang dapat kong nakawin para maidonate ang five million na ito?"



Nabalot ng katahimikan ang lahat.



Namula ang mukha ni Declan. Hindi na siya makapagsalita pa rito, pero hindi pa rin siya nakukumbinsi. Paano nagawa ng lalaking ito na magkameron ng ganito kalaking halagang pera? Nag isip siya sa loob ng ilang sandali. At biglang naalala na isa nga lang palang nakikitirang manugang si Darryl kaya siguradong pera ng kaniyang asawa ang ginastos nito.




Nagngitngit ang ngipin ni Declan, kinuha ang kaniyang phone at nagdonate ng karagdagang five million.



"Grabe! Nagdonate ulit si Declan ng five million!" sabi ng isa sa mga estudyante.




Dito na muling natigilan ang klase. maraming mga babae ang tumingin nang may kasamang paghanga kay Declan. Napakamapagbigay talaga ng lalaking ito.



Iwinagayway muli ni Declan ang kaniyang phone sa harapan ni Darryl at naghahamong sinabing. "Huwag ka nang magkunwari Darryl."



Nang aasar nitong ngiti. "Huwag mong isipin na hindi ko alam na nanggaling talaga sa pera ng asawa mo ang five million na iyan! Natatakot ka na bang masermonan nito pag uwi mamaya? Kaya nagawa mo ito para iligtas ang iyong sarili?"




"Naiiba ako sa iyo;" pagmamayabang ni Declan.



"Tatay ko ang nagbigay sa akin ng pera kaya magagawa ko itong gamitin san ko man gustuhin habang ikaw naman ay dumedepende sa asawa mo. Isa ka talagang talunan! Pero nagawa mo pa ring magpanggap na mayaman."



Dito na nagising sa realidad ang buong klase. Oo nga! Isa siyang nakikitirang manugang. Pero saan naman nakuha ang perang ito? Siguradong ,ula ito sa kaniyang asawa.



Malakas namanag bumungisngis si Declan dito habang nagdurugo ang kaniyang puso. Nagawa na niyang magdonate ng seven milliom. Masyado na itong malaki para sa kaniya. Pero nakatingin sa kaniya ang buong klase kaya hindi siya maaaring magpatalo!




Si Darryl naman-- nang hindi pinapansin ang kaniyang paligid -- ay ngumiti kay Declan at sinabing. "Kung ganoon, magbid tayong dalawa."




Dito na muling nag donate si Darryl.



Ten million! dito na napanganga ang lahat.




Nagalit at nagulat nang husto si Declan. Siguradong ninakaw ni Darryl ang pera ng kaniyang asawa! Paano niya nagawang magdagdag ng ten million sa kaniyang donasyon? Naguluhan na dito si Declan matapos bumaba sa eighteen million ang laman ng kaniyang account.



Dito na isinugal ni Declan ang lahat. Nanlalamig niyang tiningnan si Darryl at nagngingitngit na nagdonate ng karagdagang ten million. Nanginig ang kaniyang kamay nang makita niya ang amount ng kaniyang phone.



"Buwisit! Imposibleng malamangan ng nakikitirang manugang na ito ang donasyon ko." isip ni Declan.




Bumalik na si Declan sa pagiging highest donor, na may donasyong umaabot ng seventeen million! Napakabait talaga nito!"

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now