KABANATA CCXLII

950 14 9
                                    

KABANATA CCXLII

Aha! Tagumpay!

Level One Master General!

Naramdaman ni Darryl ang pag apaw ng enerhiya sa kaniyang katawan kaya hindi na niya napigilan ang kaniyang sarili na tumawa nang malakas.

……

Sa Donghai City Fist Hospital.

Sumakay si Darryl sa isang taxi at agad na naglakad papasok sa lobby. Nakatanggap siya ng sampung mga missed calls mula kay Dax Sanders nang makarating siya sa ospital. Nang sagutin ni Darryl ang tawag, si Nancy pala ang siyang tumatawag sa kaniya. Maririnig ang namamaos nitong boses mula sap ag iyak na nakapagpagalit kay Darryl nanng marinig niyang nasugatan nang husto si Dax.

Nang makapasok siya sa ward ni Dax, agad niyang nakita na nakabandage ang buong katawan ni Dax habang lumalabas ang sariwa niyang dugo. Nagmukha siyang isang mummy kung saan makikita lamang ang isang pares ng mga mata nito.

“Dax!”

Agad na namula ang kaniyang mga mata nang makita niya si Dax.

“Patawarin mo ako dahil ngayon ko lang nagawang dumating Dax. Patawarin mo ako…” nakaramdam ng matinding guilt si Darryl habang malakas na tumutulo ang mga hindi niya makontrol na luha sa kaniyang mukha. Naramdaman niya na para bang sinasaksak ang kaniyang puso sa mga sandaling ito.

Nagkaroon na ng malay si Dax noong dumating si Darryl. Sinabi ng doctor na ligtas na ang kaniyang buhay pero Malaki ang tiyansa na mabaldado ang buo niyang katawan.

“Hindi pa ako patay Darryl. Kaya bakit mo ako iniiyakan?”

Nanghihinang sinabi ni Dax habang kumukurap ang kaniyang mga mata.

“Hindi ako umiiyak siyempre! Magpagaling ka!”

Pinunasan ni Darryl ang kaniyang mga luha habang pinipilit na ngumiti. Ditto na siya humarap kay Nancy at nagtanong ng, “Ano ba ang nangyari? Sino ang nanakit kay Dax?”

Hinila ni Nancy si Darryl palabras at sinabing. “Nakita naming ni Dax kagabi ang asawa mong nakikipagdate sa ibabang lalaki. Nakita naming na nilagyan ng lalaking iyon ng gamot ang inumin ng iyong asawa kaya sinubukan siyang pigilan ni Dax.”

Ano?

Naguluhan ditto si Darryl. Tumayo lang roon si Darryl habang nanginginig ang buo nitong katawan sa galit matapos marinig ang mga sinabi ni Nancy tungkol kay Lily.

Nasugatan si Dax ng dahil kay Lily?

Hindi ba’t naglalive stream siya ngayon? Bakit siya nakikipagdate sa ibang lalaki? Sa mga sandaling iyon, agad na naoverwhelm ng galit at guilt si Darryl.

Argh!

Huminga ng malalim si Darryl at agad na tumawag kay Lily.

Agad naman nitong sinagot ang tawag. Masyadong maingay sa kabilang dulo ng tawag dahil sa kasalukuyang pagshoshopping ni Lily. Mas lalo pa nitong ginalit si Darryl na para bang nagdadagdag ng langis sa nagliliyab na apoy.

“Nasan ka?” sinubukang pigilan ni Darryl ang kaaniyang galit.

Nanlalamig naamang sumagot si Lily ng. “Nagshoshopping ako. Bakit ka tumawag?”

Galit pa rin ito sa kaniya matapos siyang paalisin noon ni Darryl sa ospital kasama ng ina niyang si Samantha noong bisitahin nila ito.

Suminghal naman si Darryl ng “Nagshoshopping? Kaasama nino?”

Nabastos ng tono ni Darryl si Lily kaya naiinis itong sumagot ng. “Sino ka ba para itanong iyan sa akin? Ang unang bagay na gagawin mo pagkatapos mong makalaya ay ang panghaharas sa akin?”

“Tinatanong kita ngayon, ano ang nangyari kagabi?”

Unti unti nang hindi nakokontrol ni Darryl ang kaniyang galit habang habang nagsisimulang sumigaw ng. “Alam mo bang nasugatan ng husto si Dax nang dahil sa iyo? Halos mamatay na siya nang dahil sa iyo! At ngayon ay baldado na siyang tatanda nang dahil sa iyo!”

Halos sumigaw na hanggang sa dulo ng kaniyang lalamunan si Darryl sa huli niyang sinabi.

“Darryl Darby! Bakit mob a ako sinisigawan!”

Unti unti na ring nagalit si Lily sa kabilang linya, namula ang kaniyang mga pisngi habang sinasabing. “Nakikipagkita lang ako sa isang sa aking fan, pero nagawa ni Dax na guluhin at sirain ang aming pagkikita. Kaya sino ang dapat na sisihin sa mga tinamo niyang sugat?”

Magsimula ng gulo?

Haah!

Nanlolokong tumawa si Darryl. “Siya ang nanggulo sa inyo? Hah! Nagtataka ako kung paano ito lumabas sa bibig mo! Sabihin mo nga sa akin, sino baa ng fan mong iyan?”

“Ang pangalan niya ay Dononghue. Guwapo siya, mayaman at isa ring gentleman. Huwag mo na akong guluhgin Darryl!” sigaw ni Lily sa kabilang linya.

Nagitla nang husto si Lily sa mga sandaling ito.

Nanginig din sag alit si Darryl sa kabilang linya kaya nagawa nitong magbanta gamit ang isang nanlalamig at walang emosyong tono, “Sinasabi ko sa iyo, Lily Lyndon. Hinding hindi kita mapapatawad sa sandaling mabaldado si Dax.”

Beep.

Ibinaba ni Darryl ang tawag nang may namumulang mga mata habang naaglalabas ng napakatinding aura ang kaniyang katawan.

Nanginginig din si Lily sa kabilang linyaa ng tawag. Manula nang husto ang kaniyang mukha. Masyado nang wala sa rason si Darryl!

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now