KABANATA CCLX

556 15 1
                                    

‘So, pumunta k aba rito para bisitahin ang lugar gaya ko?” masiglang sabi ni Dona.


‘Bisitahin?’ sa isip isip ni Darryl. Bahagya itong nagulat.


University student si Dora, ang major nito ay architecture design. Kailangan nila magpasa ng drafts bago magtapos ang semester, nabalitaan ni Dora na top-notch ang kalidad ng mga villa na gawa sa Windon Real Estate kaya naman nagtungo siya rito para kumuha ng inspirasyon.


Nagulat ito nang makita si Darryl.


“Nandito ako para bumisita, ikaw rin ba?” mistulang nagulat ang pagkakabuntong hiningfa nito. “Napakaganda ng mga villa dito!”


Nakabihis security guard si Darryl noong unang nakita siya ni Dora. Inassume niya na nagtatrabaho ito ng part time bilang security guard.


Ngumiti si Darryl pero hindi ito sumagot.


“Oo nga pala, taga saang university ka? Major in architecture design ka rin ba?” tanong ni Dora.


“Sa…” muntikan na nitong masabi ang Hexad School.


Nagpatuloy sa pagsasalita si Dora bago pa nito matapos ang sinasabi.


“Ah! Hindi pa pala kita napapasalamatan mula noong nakaraan! Dahil nandito ka na rin naman, libutin natin ang lugar! Alam mo ba kung saan ang pinakamagandang spot dito?”


Umiling si Darryl. Sa katunayan ay unang beses niya palang nakaapak sa lugar kahit na gawa ito ng kaniyang kumpanya.


“Sumunod ka sa akin ipapakita ko sayo!” hinila ni Dora ang kamay ni Darryl at nakarating sila sa Villa No. 28.


“Sinuwerte ka at nakita mo ako ngayong araw! Ito ang pinakamaganda sa spot, kung hindi dahil sa akin ay hindi mo ito makikita!” masigla at masayang sabi ni Dora.


Pinagmasdan ito ni Darryl. Tama siya may man-made lake sa harap narryl. Tama siya may man-made lake sa harap ng Villa no. 28. May mga puno rin sa tabi ng lawa kaya naman nakakamangha at parang imahe ang nagging senaryo lalo na ngayong papalubog na ang araw.


Nalabas ni Dora ang kaniyang phone at kinunan ng ilang litrato ang lugar. Proud at kontento itong tumingin kay Darryl.


“Ano sa tingin mo? Nagustuhan mo ba ang spot na nakit mo? Ito ang best spot para makakuha ng ilang inspirasyon.”


Tumango si Darryl bilang pag sang ayon. Para sa architecture student, napaka inspiring ang ganitong senaryo.


“Oh wow, Dora Simpson? Coincidence!” Biglang may nagsalita mula sa kanilang likuran.


Nang lumingon sila ay nakita nila ang isang babae hindi malayo sa kinatatayuan nila. Average ang itsura nito, halos five foot six ang taas, at nakapusturang pang streetwear, mag suot itong pares ng AJ sa mga paa.


“Lisa Hill?” tinawag ito ng nagulat na si Dora.


Naging kaklase niya ito at hindi ito nanggaling sa mayamang pamilya. Pero itsura niya ay mukhang marami na itong nagging kasintahan na mayayaman sa loob ng tatlong taon na nag aral ito sa unibersidad.


Natatawang suminghal si Lisa at tinuro si Darryl. “Ito baa ng boyfriend mo? Ika nga nila, nagkakasundo ang magkakaparehas na tao. Dora, mahirap lang ang pamilya mo at nakahanap ka ng kasintahan na kasing hirap mo. Ang mga taong kagaya niyo at hindi makakabili ng ganitong klase ng bahay! Alam niyo ba kung magkano per square foot ang mga bahay na ito?”


Mahinang nagsalita si Dora Habang namumula ang pisngi. “Bumisita lang ako… kami dito.”


Suminghal si Dora. “Tsk, tsk, tsk. So pumunta kayo rito para bumisita. Hindi ginagawa ng tama ng mga security guard ang trabaho nila dahil hinayaan nilang makapasok ang mga kagaya niyong nakasuot ng mumurahing damit.”


“Ikae…” walang masabi si Dora.


Kapag nasa unibersidad sila ay lagi itong inaasar ni Lisa dahil siya ay mahirap lamang. Hindi ito makapaniwalang magkakasalubong sila ngayong araw.


“Oo tama Dora, di ba pumunta ka para bumisita? Anong point kung nasa labas lang kayo ng villas? Pwede ka namang bumisita at pumasok sa villa ko mamaya.” Sabi ni Lisa, pagkatapos ay lumingon ito sa matabang lalaki.


“Napakabait sa akin ni Jack; bibilhan niya n ako ng villa dito. Mamaya ay may mag aassist sa amin para magtingin tingin.”


Ngumiti si Dora at magalang na tumanggi. “No thanks.”


Gusto na lamang nitong umalis kaagad sa lugar.


Tatlong taon na siyang binubully ni Lisa kaya naman nasanay na ito.


Minsan pa ay sumigaw si Lisa sa klase. “Ten bucks lang ang sapatos ni Dora!” o di kaya’y minamata nito si Dorakapag may bago itong damit at sisigaw ng “Mukhang mumurahin ang suot niya!”


Hindi na kayang makita pa ni Darryl ang mga nangyayari, bumuntong hininga ito at nagsalita. “Tingin ko ay halos sold out na ang lahat ng villas. Sobrang late na para bumili ka, No. 99 nalang ang natitira at napakamahal nun. Ang bawat square foot ay two hundred thousand bucks, maraming tao ang sumubok na bilhin iyon.”


Muling suminghal si Lisa. “Oh Dora, napakadami naman palang alam ng boyfriend mo! Alam mob a ang General Manager ng Windon Real Estate ay pinsan ng boyfriend ko! Siya ang nagmamanage ng lahat at ibebenta niya sa amin ang No.99 ng may bawas na forty percent! Ano na? inggit ka? Wala namang point para mainggit eh, hindi kailanman makakabili ng ganito ang mga taong kagaya niyo.”

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now