KABANATA CCLXXVII

460 11 2
                                    

“Daryyl.”

Tayo ni Declan habang nang aasar. “Mukhang hindi na talaga matatanggal sa iyo ang bagay na iyan! Natural na para sa iyo ang magnakaw! Hindi k aba nahihiya rito nang kahit kaunti? Sinabi mo na napulot mo lang ang cellphone ni Circe. Magagawa mo bang manumpa na napulot mo lang ito?”

Hayop. Wala nang matatakbuhan si Darryl. Kaya mapait itong ngumiti at umamin sa kaniyang ginawa. “Oo na, ninakaw ko ang phone mo kahapon.”

Napakagat sa kaniyang labi si Circe habang namumuhing nakatingin kay Darryl. Hindi pa niya nagagawang mamuhi sa isang tao kalianman. Ito pa lang ang unang beses na may isang taong nakapagnakaw ng kahit na ano sa kaniya.

Isang insulto para sa kaniya na makasama sa klase ang isang mababang magnanakaw na kagaya ni Darryl.

Napakamot si Darryl sa kaniyang ulo habang sinasabi na. “Wala na akong pakialam sa kung anong gusto mong isipan sa akin Circe. Mayroon akong dahilan kung bakit ko ninakaw ang cellphone mo kagabi. Nalaman ko kahapon sa Oriental Pearl na hindi makakapagbayad si Declan sa ating mga kinain. Kaya pinlano niya na pagbayarin ka rito, kaya ninakaw ko ang cellphone mo para hindi mo mabayaran ang bill natin kagabi.”

“Niligtas kita mula sa paggastos ng twenty million dollars!”

Hindi pa rin nagbabago ang itsura ni Circe kay Darryl. Mahahalatang hindi niya ito pinaniniwalaan.

Sumabog naman sa katatawa ang lahat. Nawawala na ba sa kaniyang sarili si Darryl? Bakit niya nagawang mag isip ng ganoon kababaw na dahilan? Paano itong hindi mababayadan ni Declan?

Nagulat si Declan nang marinig niya ang rason ni Darryl. Napasimangot siya habang iniisp kung paano nalaman ni Darryl ang kaniyang plano kagabi. Nagsususpetsa siyang tumingin kay Miles pero kasalukuyan ding nagulat si Miles habang iniling ang kaniyang ulo habang dinedeny nasinabi niya kay Darryl ang lahat.

Dito na nagpanic si Declan, pero sa halip na magtagi ay nagawa pa nitong tumawa at sinabing. “Aminin mo na lang na ninakaw moa ng cellphone niya Darryl. May mas maganda ka pa bang rason maliban dito? Hindi ko ito magagawang bayaran? Isa ba akong uri ng tao na walang kakayahang maglabas ng kakarampot na twenty milliondollars?”

Natawa na lang dito si Darryl.

Pumasok si Katherine sa classroom. Napatingin siya sa komosyon at nagtanong ng “Ano ang nangyayari?”

Tumingin ang lahat kay Darryl.

“Miss Katherine, nagnakaw po si Darryl ng cellphone.” Turo ni Declan kay Darryl.

Nagnakaw ng cellphone?

“Declan, tigilan mo na ang pambubully kay Darryl.” Sumimangot si Katherine.

“Maaaring isa nga siyang nakikitirang manigang pero naniniwala ako na hindi niya magagawang magnakaw ng cellphone. Kaya tumigil ka na.” Depensa ni Katherine kay Darryl.

Hindi natuwa si Declan sa nagging sagot ni Katherine. Sasagot n asana siya, pero naglakad na si Katherine papunta sa platform para ihampas ang textbook sa table at sabihing. “Magsitahimik kayong lahat. Mayroon akong isang importanteng anunsyo sa inyong lahat.”

Tiningnan ni Katherine ang kaniyang paligid at sinabing. “Narinig niyo na siguro ang news. Mayroong isang malakas na bagyong nagdala ng pagbaha sa maraming mga tirahan.” Paliwanang nito.

“Marami ang nawalan ng tahanan kaya nagpasya ang anim na mga Orthodox Sect na tumulong sa mahihirap.”


Tumalikod si Katherine at nagsulat sa board. “Nagdesisyon ang school ma lumikom ng pondo para matulungan ang mga nasalanta ng bagyo.”

Nagpatuloy siya sa pagsusulat. “Gusto kong magdonate ang lahat nang naaayon sa kanilang kakayahan.”

Isang donation drive? Dito na nagsimulang mag usap usap ang buong klase.

“Para mamotivate ang mga estudyanteng magdonate, nagdesisyon ang school na bigyan ng pabuya ang estudyanteng may pinakamalaking idinonate sa bawat isang klase.”

Inemphasize niya na.  “Isa itong importanteng pabuya na makatutulong sa inyo nang husto.”


Ano? Isang pabuya? Agad na nanlaki ang mata ng lahat. Hindi isang ordinaryong school ang Hexad. Kaya Siguradong mahiwaga ang pabuyang inaalok nito gaya ng isang elixir at iba pa.

Kasabay nito ang pagtatanong ng isa sa mga estudyante ng. “Ms Katherine, wala po kaming dalang cash ngayon. Paano po kami makakapagdonate?”




Ito rin ang tanong na nasa isip ng lahat. Mayayamang sila pero madalang lang sila magdala ng cash.


“Huwag kang mag alala.” Sagot ni Katherine.


“Dahil gumawa ng isang online donation platform ang school. Pupuwede ninyong itransfer ang pera na gusto ninyong idonate sa bank account ng school.”

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now